Jodie's POV Lumabas ako ng kotse at inilibot ang paningin ko sa malaking bahay na nasa harap ko, huminga ako ng malalim. Agad na may sumalubong sa akin na isang lalaking naka suot ng black suit, panigurado isa sa mga bodguard ni papa. "Miss Jodie, this way please.." inakay niya ako at sumunod naman ako sa kanya, pumasok na kami sa entrance ng bahay at agad na sumalubong sa akin ang marangyang mga kagamitan at ang mga modern design sa loob. Naalala ko tuloy noon, ang simpleng buhay lang namin nung nagsisimupa palang si papa sa business niya sa kapehan, masaya kaming tatlo at pang apat si kenneth na nasa sinapupunan pa ni mama, wala kaming problema at mapayapa ang aming buhay, pero simula nung unti unti ng umasenso ang negosyo ni papa ay unti untign nag bago ang lahat, nag bago ang rel

