Third Person's POV Alas syete na ng gabi at pauwi na nga si Cloud, di niya maintindihan ang nararamdaman, masaya ang puso niya sa isiping uuwi siya at nag hihintay ang dalaga sa kanya na para silang mag asawa sa sitwasyon na ganito. Di niya maiwasang mapangiti. 'that woman is driving me insane..' ilang sandali pa ay tumigil na nga ang sasakyan sa parking area ng building at agad naman siyang lumabas, sumakay ng elevator at pinindot ang 13th floor, ilang sandali pa ay nakarating na din siya. kinuha niya ang spare key card niya at binuksan na ang kanyang condo unit, pagkapasok niya ay naka dim light lang ang mga ilaw at tahimik ang paligid. 'did she go home?' medyo disappointed siya sa isipin na iyon, pero habang papalapit siya sa living room ay naririnig niya ang musika na nang gaga

