Obsessed with you! Jodie's Pov Lumipas nga ang apat na linggo na pag tatrabaho namin dito sa cruise ship, naging maayos naman ang lahat, malaki laki din ang pera na naipon ko dahil sa mga tips na binibigay sa akin, at sobrang saya ko, nakapag padala nadin ako kina tita sam. 6:30pm palang ay ready na ako, si Alicia naman ay maagang umalis dahil pinapatawag siya ng manager niya kaya ako nalang mag isa dito sa kwarto, sabi niya lang sa akin ay pupuntahan niya ako mamaya sa Casino Royale. Tiningnan ko ulit yung sarili ko sa malaking salamin naka uniform na rin ako kinuha ko na kasi yung uniform ko para deritso nalang ako sa Casino Royale, inayos ko yung bow tie ko, pati narin yung buhok ko nilugay ko lang ito dahil medyo basa pa,pagkatapos kong tingnan yung sarili ko kinuha ko na yung bag

