Third Person's POV Malalim na ang gabi at hanggang ngayon ay gising pa si cloud naka upo siya kanyang office table habang naka tingin sa kanyang laptop kung saan nakikita niya ang dalaga na mahimbing na natutulog. Hindi alam ng dalaga na nilagyan niya ng cctv ang kwarto nito kaya alam niya lahat ng galaw ng dalaga. Nahihibang na nga siya at ayaw niyang mawala sa paningin ang dalaga. Wala na din siyang pakialam sa iisipin ng iba. Sinulyapan niya ang kanyang bintana at kitang kita niya ang sobrang lakas ng ulan may kasama din ko itong kulog at kidlat. Akala niya ay di uulan dahil sa napaka gandang buwan kanina. Ibinalik niya ang tuon sa kanyang laptop at tinitigang muli ang dalaga na mahimbing ang tulog. Kinuha niya ang kanyang sigarilyo at hinithit ito pagkatapos ay ibinuga ang usok

