Pagod na pagod ako dahil sa mga bagay na naglalaro sa utak ko. Naiisip ko tuloy na baka sa mga sandaling ito ay magkasama si Pia at Alwin habang may ginagawang milagro. Oh my God! I am going insane. Nilabas ko ang aking celphone para makinig ng music, nang sa gayon ay ma-distract ako at ma-relax pansamantala. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Madilim na ng nagising ako at wala na din si Amora na kanina ay naglalaro sa tabi ko. Past six pm na. Baka nagugutom na ang anak ko, kaya naman bumangon na ako para ako mismo ang magpakain sa kaniya. Dahil sa mga inaasikaso ko sa mga nagdaang araw ay nababawasan na tuloy ang oras ko sa kaniya. Mabuti na lang at pumapasyal ang mga pinsan ko dito at dinadala ang mga anak nila para may makalaro si Amora. Nakarating na ako ng living

