CHAPTER 40: Killer “Who killed Terra?” Umalis ako mula sa pagkakasandal sa kaniya. Nanatili siyang nakatitig sa akin. Nang sandaling iyon ay alam kong may kakaiba. “It wouldn’t be good for you to know that.” “But I’m curious,” I said. “Gusto ko lang namang malaman. Wala naman akong galit na mapanghahawakan dahil hindi ako si Terra, pero kung ako nga siya, ano pa bang silbi na magalit ako ngayong si Ophelia na ako at hindi si Terra na pinatay dati?” “Still.” His voice was firm. Napanguso ako. “Who knows what might happen if I trigger your past? Natatakot lang ako na baka hindi maging maganda ang maidudulot na alam mo ang nangyari sa iyo...” Natigilan siya. Bahagyang nanlaki ang mga mata niyang nakatingin. “What do you know now, Ophelia?” “The werewolves, the vampires,” sagot ko.

