CHAPTER 33: Eclipse “Sinong nandiyan?” Oh, my goodness! “Sinong nand’yan?” Nawala lahat ng talinong mayroon ako na nakuha ko mula pa nang bata ako. Biglang hindi ko malaman ang gagawin sa sitwasyon na kinasadlakan namin ngayon. “Sino kayo?” Nagkatinginan kaming dalawa ni Marcus. Siya na ang humila sa akin para makatakbo palayo. I heard their footsteps following us behind. “Marcus, ano bang nangyayari?” “Ipapaliwanag ko sa iyo mamaya!” Akmang ibabato niya ang lampara dahil sagabal sa aming pagtakbo. Pinigilan ko siya. “Huwag! Baka magkasunog sa kagubatan!” Hinablot ko ang lampara mula sa kaniya. Naririnig ko na ang ragasa ng ilog sa may malapit. Tinawid namin ang tulay at doon ko ibinato ang hawak ko sa may tubig. Nagpaulan ng bala ang mga guwardya. Bigla akong nanlamig. Maaari

