I expected him to visit me this morning, but that didn't happen. Di ko alam kung bakit, wala rin akong balita. Lalo na't wala nga pala akong number sa kanya. Kaya sa halip na ubusin ang oras sa paghihintay sa kanya ay tinuon ko na lang sa paglilinis. At bumawi na naman ng tulog kinahapunan bago ang trabaho. Naalimpungatan nga lang ako ng nakarinig ng katok. At nanliliit ang mga matang pinasadahan ko si Santi ng titig habang nakatayo ito sa labas, naka-uniporme at mukhang kagagaling lang sa kung saan. "Good afternoon, Kata." Ngiti nito at nag-abot ng isang bucket ng kung ano. Kumunot tuloy ang noo ko at hinayaan itong pumasok pagkatapos kong kunin ang dala nito. Kakagising ko lang kaya mukha pa akong ano habang nagkakamot ng ulo at nilapag ang pasalubong nito sa mesa. Kumuha nga ito ng

