Napakagat labi na lamang ako at parang antok na nakatitig sa kanyang nakatitig din sa akin. Napangiti siya at diniinan pa ang kamay sa ibaba. Nagulat ako roon, napaangat mula sa pagkakaupo ngunit napahinga rin ng malalim pagkatapos na maramdaman ang hagod ng daliri niya sa ibaba. "B-bihis lang ako," pigil ko sa braso niya. Ngunit umiling ito at hinawakan ako sa braso para bumalik sa dating inuupuan. Napasinghap na lamang ako at pumikit ng mariin, para namang mawawala iyon sa isang pikit lang. Isang daliri ang lumatay sa ilalim, humagod at dinama ang init ng gitla saka sumunod ang ikalawa. Humahagod din paibaba, paitaas. Saktong nararamdaman ko na iyong lagkit ng daliri niya. Nakakahiya, dahil sa apat na taong pag-aaral, nalaman ko rin kung ano ang pinagkaiba ng sensasyong nararamdaman

