Natigilan nga ako roon at inis na binalingan siya, ako pa talaga ang ina akusahan niyang buntis? Paano ako mabubuntis, that last time was years ago. Paano ako makakabuo? "Mas lalo akong magkakasakit sa'yo, Santiago! Paano ako mabubuntis?!" Manghang tanong ko, Na ikinibit balikat niya naman. Dahil nga naiinis na ako rito at mas lalo pa doon sa reaksyon niya, ay sinapak ko na ng tuluyan ang balikat niya. "Hindi ako buntis!" "If you say so," kibit nito. Sinapak ko nga ulit, para matigil lang sa iniisip niya. Naiiyak ako kasi, ewan ko nga ba. Nanlalambot ako habang nakatitig sa mukha niyang kumakalma na. Hindi na galit, I knew he's mad but now... "May sinat lang ako," naiiyak na sabi ko at kinuha ang kamay niya upang ilapat sa leeg ko. Sandaling tumitig siya sa akin saka umiwas at ewan

