CHAPTER SIX

1866 Words
Karl’s POV “Ate, ano pong nangyayari?” tanong ko sa kapitbahay namin pagkatapos kong marinig ang sigaw ng asawa nito. “Sumasakit daw ang ulo niya at parang mabibiyak daw. Pinainom ko naman ng gamot para sa migraine pero hindi pa rin natatanggal ang p*******t ng ulo. “Saan ho kayo pupunta?” “Eh, sa tindahan ni Aling Tere. Bibili uli ng gamot. Mula pa iyan kagabi at para na akong ninerbyusin sa pag-aalala!” bulalas nito. “Baka ho dapat n’yo nang patingnan sa doktor. Pa-check up n’yo ho,” suhestiyon ko. “Iyon na nga ang iniisip kong gagawin kapag hindi pa tumigil ang p*******t ng ulo ni Nelson. O siya, bibili muna ako ng gamot,” paalam nito at tinungo na ang tindahan ni Aleng Elena. Tinahak ko naman ang daan papunta kina JM. Palagi kasi akong nagagawi sa kanila dahil tsini-check ko rin sila. Kabilin- bilinan kasi ni Zyl na huwag pabayaan ang pamilya niya kaya kapag wala akong ginagawa ay nandoon ako sa bahay nila JM. Ayokong madalaw ni Zyl kahit sa panaginip. Isa pa’y gusto ko ring makita ang mukhang tingting na babaeng iyon. Nang makarating ako kina JM ay nakita ko itong gumagawa ng usok sa ilalim ng puno ng langka sa harap ng bahay nila. “Uy, ‘di ba bawal ‘yan?” sita ko nang makalapit sa kaniya. Ipinagbawal kasi ang pagsunog ng mga basura lalo na kapag may plastic at goma. “Uy din. Mga tuyong dahon lang po ito. Hindi naman po makapal ang usok, eh. Pampaalis lamok lang,” sabi nito habang winawalis ang mga tuyong dahon. Napangisi ako nang masuyod ko ng tingin ang mahaba at makinis nitong binti dahil nakasuot ito ng maikling maong na short. “Gusto mo bang kunin ko iyang eyeballs mo, ha, Kuya Karl?” wika nito nang mapansin ang ginawa ko. “Ayaw mo niyon? Na-a-appreciate ko ang kagandahan mo,” pabiro akong napasipol, “sexy, ah.” “Tss. Matagal na akong sexy at maganda.” “Anong silbi ng kaseksihan at kagandahan mo kung hindi naman ako ang boyfriend mo,” papogi kong sagot. JM was Ayla’s younger sister at halos pitong taon ang tanda ko sa kaniya. She was now twenty years old. Itinaas ni JM ang hawak na walis tingting at iniamba iyon sa akin. Agad ko namang hinarang ang kamay ko sa mukha ko kasabay ng pagtawa. “Eww! Ang tanda mo na kaya!” “FYI, JM, pitong taon lang ang tanda ko sa ‘yo. Saka wala sa edad ‘yon kung pareho naman tayong nagmamahalan.” “Yuck. Asa ka pa.” “Bakit, hindi ba?” “Tss. Kapag hindi ka tumigil ihahampas ko talaga sa ‘yo itong walis tingting ko!” pananakot nito na sa kabila ng pagtataray ay hindi naman naitago ang pamumula ng pisngi. “Si Tita Nina at Lola pala?” tanong ko. Ayoko nang asarin si JM at baka lalong mainis sa akin. “Ando’n po sa loob ng bahay. Puntahan mo na lang.” Napasimangot naman ako sa paggamit nito ng ‘po’ sa akin. Ilang beses ko na siyang sinabihan na huwag na akong galangin dahil magiging girlfriend ko rin naman siya pero pinagtatawan lang ako. “Nakapunta ka na kina Jus?” “Hindi pa po ako nakadalaw ulit. Marami po akong nilabhan kanina kaya pagod po ako.” “Eh, kailan ka uli pupunta do’n?” “Marami ka pa pong itatanong? Kukuha po ako ng one sheet yellow pad tapos sulat mo po ang lahat ng tanong mo, sagutan ko mamaya,” nakairap na sagot nito. “Ito naman. Ang pagiging mabait ng ate Ayla mo ang gayahin mo at hindi ang pagiging pasaway niya, maliwanag?” “Madilim na po. Wala na po masyadong araw.” Napailing ako sa pagkapilosopo ni JM. “Kung hindi ka lang tiyahin ni Zea ibinitin na kita patiwarik, eh.” “Ow?” tuya nito. “Naisip ko po tuloy ‘yong eksena ni Spider man at MJ, MJ...JM, oh, ‘di ba, baliktad lang ng initials ko? Alam mo ‘yon? ‘Yong kiss.” Napangisi ako. “You want to try that?” “Of course! Sinong ayaw mahalikan ni Spiderman?” Napalabi ako kaya pinaningkitan ako nito ng mga mata at nakapameywang na hinarap. “Hindi ko gusto ang iniisip mo, Kuya Karl! Duh, at isa pa huwag kang mag-pout dahil hindi ka naman cute tingnan, Kuya. Nababagay lang iyan kay Lee Min Ho at si Lee Min Ho bagay sa akin,” sabi nito at naniningkit pa ang mata sa pagkakangiti nang matamis. “Dapat sa ‘yo, JM nililigawan para naman bumait ka. Ligawan kaya kita, hmm?” “Lee Min Ho?” “Sino ba iyang Lee Min Ho? Mukha namang labanos ‘yon.” “Paborito ko kaya ang labanos!” sagot nito na pinanlakihan pa ako ng mga mata. “Isang paligo lang naman ang lamang ni Lee Min Ho sa akin, ah!” birong sagot ko. Naniningkit ang mga matang tinitigan ako ni JM at pinagkrus ang mga braso sa dibdib habang hawak pa rin ang walis tingting sa kanang kamay. “Oh, yeah. Isang paligo ng isang drum na zonrox at bleach, Kuya Karl.” She answered grinning. “Stop calling me ‘kuya’ or else...I’ll kiss you like what Spiderman did to Mary Jane.” “Eww! ‘Pag ginawa mo po ‘yan, papamulto kita kay ate Ayla? You want that?” kunwari ay pananakot nito. “Okay lang nang makamusta ko naman si Ayla.” “Sasabihin kong isama niya si Kuya Zyl. Siya na lang ang bumitin sa ‘yo ng patiwarik.” “I doubt it.” I answered and shrugged. “Ano na? Halikan na kita.” I asked grinning. “Talaga lang, ha? Tingnan ko lang kung di ka suntukin ni Kuya Zyl. Love kaya ako no’n.” “Nakakasuntok ba ang multo?” “Hindi. Pero si Kuya Zyl, oo.” “Hindi ako takot kay Zyl.” “Is that so? Kung gano’n, si Lola ang harapin mo. Kailangan mo munang dumaan sa makapangyarihan niyang baston bago mo makuha ang kaniyang pahintulot.” Natawa ako. “Sige na nga. Silipin ko muna sina Tita at Lola sa loob. Bantayan mo ‘yang gingawa mo, mamaya liparin ng hangin, magkasunog pa rito,” bilin ko. “Sureness, Kuya,” sagot nito at ngumiti nang matamis. I shook my head habang papasok sa loob ng bahay. Mahirap talagang pomorma sa kapatid ni Ayla. Maliban sa pilosopo na may pagka-childish pa. “Hi, Lola. Tita Nina,” bati ko sa dalawang abala sa paghahanda ng hapunan sa mesa sa kusina. Nagmano ako kay Lola at humalik sa pisngi ni Tita Nina. “Karl, kumusta ka?” malambing na tanong ni Lola. “Guwapo pa rin hanggang bukas, ‘La.” sabi ko at naupo sa silyang kaharap nito. “Oh? Bakit hanggang bukas lang?” “Kasi po hindi naman po nauubos ang bukas,” sagot ko sa matanda at ngumisi. “Kung ganoon ay magpakabait ka na dahil baka hindi ka na umabot bukas. Sayang ang kaguwapuhan,” ani Lola Sat na sinabayan ng pagpalatak at pag-iling. “Lola Sat, ‘pag ba pinakasalan ko si JM papayag po ba kayo?” nakangising tanong ko. “Kuu, bakit sa akin ka nagpapaalam? Ako ba ang tatabi sa ‘yo matulog?” Napakamot ako sa ulo. Natawa si Tita Nina. Parang may ideya na ako kung kanino nagmana si JM. “Nagpunta ka ba kina Zea? Namimis ko na ang maganda kong apo.” “Papunta pa lang po ako roon sa kanila. Huwag ka pong mag-alala, Tita. Inaalagaan po siya nina Res at Justin.” “Alam ko. Hayaan mo at sa isang araw ay papasyal ako roon sa kanila,” nakangiting saad ni Tita Nina. Napakislot kami nang makarinig kami ng tunog ng ambulansya kasabay ng pagpasok ni JM sa loob ng bahay. “Sino ang kinuha ng ambulansya?” tanong ko sa kaniya. “Si Tiyo Nelson po. Dadalhin po yata sa hospital.” Ganoon siguro katindi ang p*******t ng ulo ni Kuya Nelson kaya siya dadalhin sa hospital. “Ang sabi po ng asawa niya matindi po ang p*******t ng ulo. Hindi raw po kaya ng pa-gamot-gamot lang.” “Baka hindi lang isang ordinaryong p*******t ng ulo iyon,” sabi ni Lola na hindi inaalis ang pansin sa paghihiwa ng bawang at sibuyas. “Ano po ang ibig mong sabihin, ‘La?” tanong ni JM na umupo sa harap ng ina. “Sa ganitong baryo nang katulad sa atin, hindi maiwasang may madisgrasya tayo gaya ng mga engkantong nagbabalat kayo lamang.” “Hindi ko ho kayo maintindihan, ‘La,” sabi ko. “Pagkarinig ko ay may pinatay raw na ahas iyong si Nelson kahapon habang nasa palayan niya.” “Po? Kung gano’n ay...” Tinitigan ako ni Lola. “Kapag lumala ang nararamdaman ni Nelson ay maaring tama ang sapantaha ko.” Res’ POV “Saan daw titira ang tiyuhin mo na uuwi rito sa probinsya, Bor?” tanong ni Win kay Jus habang pumupulot ng mani sa bowl at hinahagis sa hangin at sinasalo ng bibig. Kasama namin sina Karl at Jim at nag-uusap dito sa sala sa ikalawang palapag ng bahay. Si Francis may importanteng inasikaso sa siyudad tungkol sa pamilya nito. Pahapyaw na binanggit ni Francis ang tungkol sa Lolo nito na nasa Negros at malubha raw ang sakit. “Baka dito na lang sa atin. May kubo naman doon malapit sa niyugan. Doon na lang siya kung ayaw niya rito sa malaking bahay. Ayaw din naman no’n tumira sa siyudad kasama sina Mama.” “Bakit daw?” tanong ni Karl. “Ayaw sa maingay na paligid. Gusto, eh tahimik at presko ang hangin. He’s old. I think, he’s seventy eight.” “Whoa! Ang tanda na pala. Sino kasama niya pauwi rito?” tanong uli ni Karl. “My third cousin. Sa pagkakaalam ko ay sa bayan siya dati nag-aral ng highschool. Hindi ko pa nga iyon kilala.” “Ah, so kailan ang dating nila?” si Win. “This afternoon.” “Ngayong hapon na? Bakit ngayon mo lang sinabi?” gulat kong tanong kay Jus. “Hindi naman kayo nagtanong. You don’t have to worry about them. Ang sabi ni Mama no’ng huling tawag niya sa akin ay wala akong dapat ipag-alala sa pinsan kong iyon. Mama made sure we won’t have problems with him.” Napalatak ako. “Kung gano’n ay lalaki pala ang pinsan mo,” sabi ko. “I...guess?” hindi siguradong sagot ni Jus. “Hindi ka sigurado kung babae o lalaki ang pinsan mo?” ‘di makapaniwalang tanong ni Win. “Kailangan ko ba talagang ulitin ang lahat ng sinasabi ko?” nakakunot at nagkasalubong ang kilay na asik ni Jus. “Anong oras ba sila makakarating?” tanong na naman ni Karl. Marahas na tumayo si Jus at kinuha ang itim na cap sa ibabaw ng mesa at isinuot sa ulo. “Ang dami n’yong tanong. Nakakasawa kayong sagutin. I’m leaving,” paalam nito at deretsong tinungo ang pintuan. Nanatili naman akong nakaupo at napapailing na sinundan ng tingin si Jus. Isa ito sa mga kilala kong tao na hindi nagtatagal sa isang usapan. Unless, if the topic triggered his interest. “Hoy, Bor! Saan ka naman pupunta?” pahabol na tanong ni Jim. Agad itong binatukan ni Karl. “Narinig mo na ngang nagsawa na sa kakasagot tatanungin mo pa uli?” Gumanti si Jim ng suntok sa sikmura. “Gago! Maghanap ka ng kausap mo!” inis na sagot ni Jim at tumayo na rin. Tiningnan ko si Karl na nakangiwi at hawak ang nasaktang tyan. “Kung ako ang binatukan mo, hindi lang iyan matitikman mo sa akin. Dapat sa mukha ka ni Jim tinamaan, eh.” Natawa si Win at pabirong hinampas pa sa likod si Karl at inakbayan. “Isipin mo na lang, Bor na mahal na mahal ka ng mga kaibigan natin,” pangongonsola ni Win kay Karl. “f**k you!” sabi ni Karl and shrugged Win’s arm off his shoulder. Oh, well. Ganito talaga kaming maglambingan na magkakaibigan. Suntukan, batukan at murahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD