CHAPTER ONE

2031 Words
Res’ POV ILANG sandaling katahimikan ang namagitan sa kanilang magkakaibigan habang pinagmamasdan ang nakahigang si Ereneya. Nakasuot ito ng mumurahing bestida ngunit hindi maipakakailang tila Diyosa pa rin siyang tingnan. She’s breathing normally. Her fingers moved. Ilang sandali pa ay dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata. Her eyes were fixed in the ceiling for a moment. Nang mapansing may kasama ito sa loob ng silid ay lumipat ang tingin nito sa amin at biglang napabangon. Nanlalaki ang mga matang pinasadahan kami ng tingin. “Sino kayo?” halos pumiyok na bulalas nito. Makikita sa berde niyang mga mata ang gulat at pagkalito. Agad itong nilapitan ni Jus at hinawakan sa kamay. Napako ang tingin ko sa magkahawak nilang mga kamay and I feel something strange towards my best friend. Something akin to...jealousy. “Hey, you don’t need to be scared. We won’t hurt you,” malumanay na sabi ni Jus na nakaupo na sa tabi nito. Mas lalong nadagdagan ang pagkalito at pagkatakot sa mukha ni Ereneya. I cleared my throat at nilapitan si Jus. “Ang sabi ng kanilang Arayu ay walang maalala si Ereneya. Her memory was lost kasabay nang pagkabuhay sa kaniya. Ang lahat ng nalalaman niya sa Orsiana at natutunan dito sa mundo natin ay kasamang nawala,” bulong ko kay Justin. “Oh, I see,” sagot nito at marahang tumango-tango. Hinarap uli nito si Ereneya. “Huwag kang matakot. Hindi ka namin sasaktan,” sabi ni Jus at ngumiti rito. “Sino ka?” She asked. Fear was written all over her face. Umisod pa ito nang kaunti palayo kay Jus. “Ako si Justin, Ereneya. They call me Jus, and these are my friends,” sabi nito at tumayo sa gilid ng kama ni Ereneya. “Ereneya...” usal nito na tila ba pati ang kaniyang pangalan ay estranghero sa kaniya. “Ereneya ba ang pangalan ko?” Tumango si Jus. “Oo.” “Hi, Ereneya. Ako si Francis,” agaw ni Francis sa pagkalito ni Ereneya. Francis just raised his hand face-leveled and smiled at her. Hindi ito umalis mula sa pagkakatayo sa tabi ni Karl. Lumapit naman si Karl at inilahad ang nakabukas na palad kay Ereneya. “Hi, I’m Karl but you can call me baby-” sinulyapan ako nito at tiningnan ko siya nang masama. “Just call me, Karl,” sabi nito sabay tawa ng peke. She hesitated to reach for his hand ngunit si Karl na mismo ang kumuha ng palad ni Ereneya at nilagay sa palad nito para makipagkamay. “That’s how it is. Okay?” He continued. Napailing na lamang na sumunod na nagpakilala si Jim. “Ako si Jim. The handsomest and nicest of them all.” Napakunot ang noo ni Ereneya. “Ano’ng sinabi mo?” “Walang kabuluhan ang sinabi niya, Ereneya,” ani Win at hinila si Jim palayo kay Ereneya at lumapit sa dalaga. “Ako si Win, ang iyong lingkod. Don’t ever forget my name, Darling,” He introduced. Kinuha nito ang palad ni Ereneya at hinalikan ang likod niyon na ikinagulat ni Ereneya. It had me gritting my teeth. Napasipol naman si Jim in the tune of Lovers Moon. Tumikhim si Jus at nahagip ng mata ko ang pagsenyas nito kay Win na bitawan ang kamay ni Ereneya. Agad naman itong lumayo at bumalik sa dating kinatatayuan. Natuon ang atensyon sa akin ni Ereneya pati na rin ng mga kaibigan ko. Silence fell for a moment. Nang magtama ang mga mata namin ni Ereneya ay bumalik sa isip ko ang mga nangyari. That night when we were looking for Zea and Zyl, fought the intruders side by side. That night when she saved my life and I saved hers too but we’re both too proud to admit that we care for each other. That night when I rode on her back at ang mga palitan ng mga maaanghang na salita. Ang mga pag-irap nito at ang mga sagutang away ang kinahinatnan. The memory of her still fresh in my memory. The face of the old Ereneya. The strong and brave Ereneya. “Bor...” pukaw ni Jus. Napakurap ako at napakuyom ng kamao. “Mabuti at nagising ka na,” I told her and turn my back and leave the room. Justin’s POV NAGPAKAWALA ako nang malalim na paghinga habang sinusundan ng tingin si Res na tinutungo ang pintuan. Mabilis itong lumabas ng silid. Res seemed troubled these days. Hindi ko siya maintindihan. Hindi pa man nagigising si Ereneya ay siya ang unang-una na nag-aalala. Halos hindi na nga ito umaalis dito sa silid para lang bantayan si Ereneya but now that she’s awake, he seemed distant. I don’t understand. “Sino iyon? May ginawa ba akong masama? Bakit tila galit iyon sa akin?” mahinang saad ni Ereneya habang sinusundan din ng tingin si Res. “No, you didn’t do anything bad,” maagap na sagot ko ngunit nang makita ko ang pagkalito sa mukha ni Ereneya ay napabuntong-hininga ako. “Ang ibig kong sabihin ay wala kang ginawang masama para magalit si Res sa ‘yo.” “Huwag kang mag-alala, Ereneya. Marahil ay pagod lamang si Res kaya nagsusungit,” singit ni Francis. “Ano ba ang nangyari sa akin? Bakit parang wala akong natatandaang kakilala ko kayo?” naguguluhang tanong nito. Nagkatinginan kaming lima. Francis urged me to explain everything and I hate it. “You met an accident. Naaksidente ka at nawala ang iyong alaala.” “Aksidente? Nawala ang aking alaala? Paano akong napunta rito?” sunod-sunod na tanong nito. Bumahid sa maganda nitong mukha ang labis na pagkalito. “Uh...” I uttered. “Ano kasi.. kamag-anak ka ng kasintahan ng nakakatanda kong kapatid. Yeah, dito ka na dati pa nakatira kasama nila at ng kanilang anak.” “Sino’ng kasintahan? Sino’ng kapatid? Sino’ng anak?” Tiningnan ko si Francis at sinenyasang siya na ang magsabi ng ginawa naming istorya para sa kunwaring nangyari sa dalaga pero iniwas nito ang tingin at patay malisyang sumipol-sipol. “Kung gusto mong malaman ang lahat ay ako na ang—” Pinigil ko si Karl. “Si Zyl ang nakakatanda kong kapatid at kasintahan niya ang kamag-anak mong si Ayla. They had a daughter. Her name is Zea.” “Nasaan ang kapatid mo at ang kasintahan nito?” She asked with curiosity. Lumalim ang pagkakakunot-noo nito. “They passed away the day of the...accident.” “Ano ang kahulugan ng sinabi mo?” Napakamot ako ng ulo na ikinatawa ng mga kaibigan ko. This is what I hate about talking. Explaining. Para akong isang grade school teacher, trying to explain everything, word by word to make her understand. I hate explaining as much I hate eating sweets. Ayoko namang ang mga itlog na nasa likod ko ang magpaliwanag dahil sigurado akong mahahaluan lang iyon ng kung ano-anong banat at mas lalong walang maintindihan si Ereneya. Knowing my friends. Lalo na si Win at Karl. Not that I don’t trust them pero alam ko na ang kahihinatnan ng paliwanag nila kapag si Ereneya ang kaharap nila. Ereneya is beautiful. Not just beautiful. She is like a goddess from myth comes to life. Hindi na ako magtataka dahil isang Engkanto si Ereneya and enchanted creatures like them could lure a man into falling or in danger. Marahil ay tama ang sinasabi ng matatanda na kayang paibigin ng mga engkanto ang mga lalaki rito sa mundo ng mga tao. I admit her beauty is hypnotizing. And they were just watching me do the explaining like they were watching a Jackie Chan movie and don’t want to miss a single stunt. “Justin?” pukaw ni Ereneya. Naghihintay ng sagot. I sighed. “Wala na sila. Namatay sila nang araw ng aksidente. Ereneya gasped. Her eyes grew wide. “Kung gano’n... kung gano’n ay naiwang mag-isa ang kanilang anak?” “Yeah,” I answered shortly. “Nasaan siya?” “Naroon ito sa kaniyang silid.” “Sino ang kasama namin ngayong nakatira dito? Kayong lahat?” “Yes!” Maagap na sagot ni Karl. “No,” maagap na bawi ko, “hindi sila nakatira dito. These men had their own houses and their own lives but I’m sure they’ll visit us anytime.” Lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Ereneya. I cursed English silently. Ipapatumba ko ang nag-imbento ng salitang iyan! Dapat talagang mahalin ang sariling wika. “Ang ibig kong sabihin...” “Ang ibig sabihin ni Justin ay bibisitahin ka namin lagi rito since binibisita rin namin ang inaanak naming si Zea,” agaw ni Francis. “Iyon nga ang ibig kong sabihin.” “Kung gano’n ay dalawa lang kaming maiiwan dito?” Fear crossed her face. “Hindi. Kasama mo si Jus at Res dito dahil sila ang nag-aalaga kay Zea,” sagot ni Francis. Marahang tumango-tango si Ereneya. Para itong binunutan ng tinik sa dibdib at napahinga nang maluwag. “Kaya mo na bang tumayo?” tanong ko. “Hindi ko alam...” “Kailangan mong sumama sa amin sa ibaba para kumain upang bumalik ang lakas mo and...you looked pale. Kailangan mong maarawan para naman bumalik ang kulay mo.” “Kung iyon ang makakabuti para sa akin...” turan nito na kumilos na para bumaba ng kama. “Let me help you,” mabilis na lumapit si Karl at inilahad ang palad kay Ereneya. She hesitated at tila walang tiwalang tinitigan si Karl. Karl uttered a curse nang mahalatang nag-aalangan si Ereneya. Maybe, he can’t accept the fact na may mga babae pa ring walang tiwala sa kaniya. Nang tumingin si Ereneya sa akin, I nodded and smiled at her. “He won’t bite you.” Saka lang nito tinanggap ang nakabukas na palad ni Karl na tila ba naintindihan naman ang sinabi ko. “Tulungan na kita. Baka matapilok ka pababa ng hagdanan...” anito. Pangisi-ngisi na ngayon. Napasipol uli si Jim. “Ways ways, Bor?” Kunot-noong nilingon ni Karl si Jim. “Ano’ng ways ways?” “Para-paraan. Gago!” maagap na sagot ni Win. Napalatak si Karl. “Huwag mo silang pansinin, Baby. Siguradong naiinggit lang sila dahil bagay ka sa akin. We’re a perfect match, you know,” sabi nito at kinindatan pa si Ereneya. Napaungol na lamang kaming magkaibigan. “Maraming salamat. Kahit hindi ko naiintindihan ang ilan sa mga sinabi mo ay nararamdaman kong...nagtitiwala ako,” sabi ni Ereneya na sa akin nakatingin habang tinutungo namin ang hagdan. Magkasunod kaming lumabas sa pintuan ng silid nito. I thanked her. “Paano naman ako? Wala ka bang tiwala sa akin?” kunwaring nagtatampong saad ni Win nang makababa na kami. Hinarap ito ni Ereneya. “Iyan ang kailangan mong patunayan sa akin, Jim.” “Ouch!” Win faked a pain in his face and pretended of pulling a dart on his chest. “Nakalimutan mo agad ang pangalan ko. ‘Told ya not to forget it...” He added. Ereneya laughed na nagpabigla sa amin. Maya-maya ay tumigil ito sa pagtawa at matamis na ngumiti kay Win. “Hindi ko nakakalimutan ang pangalan mo, Win.” “My! I could paint your smile on the walls of my room,” waring natutulalang saad nito. “It’s like sunshine...” tila wala sa sariling saad nito habang nakatitig sa nakangiting mukha ni Ereneya. “May kutob akong hindi totoo ang sinabi mo, Win gayong hindi ko iyon maintindihan,” ani Ereneya na nagpatawa ng malakas kay Karl. “Ah, baby...you made my day,” sabi ni Karl pagkatapos ng malutong na halakhak nito. “Ikaw rin,” baling ni Ereneya dito. Sumama ang timplada ni Karl at biglang tumahimik. “Ipagpaumanhin ninyo ngunit kay Jus lamang ako nagtitiwala kapag nagsasalita siya ng banyaga. Ang kaniyang boses... tila mapagkakatiwalaan,” ani Ereneya na ikinangiti ko nang malapad. My friends are now throwing me daggers sa paraan ng pagtingin nila sa akin and I didn’t do anything but shrugged. “Pagkatiwalaan mo rin ako, Ereneya. I can move mountains for you. I’ll swim the deepest ocean for you. Haharangin ko lahat ng sibat—” “Let’s wait ‘till your girlfriend hears this,” agaw ko sa sasabihin nito na ikinatahimik nito. Hinarap ako ni Win at tinitigan nang mataman. “What you hear will stay in your ears until you die or else...” “Or else what?” tanong ko sa tonong naghahamon. “Or else I’ll die. Huwag n’yong sasabihin kay Mitch! Kapag umabot sa kaniya pagpipirasuhin ko kayo!” banta nito at nagpatiunang pumunta sa harap ng hapag-kainan. Napailing at natawa na lang kami sa inakto ni Win. “Ang mabuti pa ay tawagin n’yo na si JM. I’ll call Res and Zea. Maybe they are outside,” bilin ko kay Jim. Nadaanan namin kasing bukas ang pinto ng kuwarto ni Zea so I assumed na nasa labas siya kasama si Res. “Sige, Bor,” sagot nito bago ako lumabas ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD