Chapter 6

2614 Words
“Alam mo na ba?” Stefano’s eyebrows creased. “What?” sagot niya. “Nawawala ang ingratang anak ni, Infernu Rasgild,” sagot ng babae. “Tere, what are you trying to imply?” nawawalan ng pasensiyang sagot niya rito. “It means they’re up to no good. Hindi mo ba napapansin na bago siya nawala ay maraming transaksiyon ang nawala sa ‘tin at marami rin siyang pinatay?” paliwanag nito. “And?” “And one of them is my twin sister. Alam mo kung gaano ka-brutal ang ginawa niya,” dagdag nito. “And?” “For Pete’s sake! it means we have to act up now. Huwag na nating hintayin na maunahan na naman tayo,” sagot nito. “You saw her?” tanong nito. Natigilan naman ang babae. Hindi niya kasi alam ang isasagot. “You’ve all been protecting my identity. Lalo naman siya ‘di ba? Kahit anong transaction walang nakakakita sa kaniya. Kun meron man tinatanggalan niya ng mata. What now? Walang cameras dahil pinapasabog niya lahat ng kinaroroonan niya. We did not even know what’s her appearance. Baka nga nagkita-kita na tayo randomly. That woman is cunning, Tere. Mahirap hanapin ang taonga ayaw magpahanap. One day she’ll show herself. We’ll have to wait,” wika niya. “Kailan pa? Kung hindi tayo gagalaw ngayon kailan pa? Baka maunahan na tayo. Your life is at risk, Stefano. Pati na ang posisyon mo. She’s always a threat to our clan,” gigil nitong wika. “Kung hindi lang sana nagpadalos-dalos ang kambal mo eh ‘di sana matagal na nating nalaman ang sikreto ng babaeng ‘yan. I don’t even know her name except her last name. Ganoon kagaling magprotekta ang pamilya niya. You understand? They’re not just mere people na basta-basta mo na lang na ipapaimbestiga sa mga investigators. Kahit padalhan mo pa ‘yan ng ilang libong assassins sa tingin mo mahuhuli nila?” asik niya rito. “P-Pero---” “No buts Tere, we just have to wait. Besides, I need to rest too,” aniya. “What do you mean? Aalis ka na naman?” kunot ang noong tanong nito. Hindi naman nakinig ang binata at basta na lang na kinuha na ang kaniyang bag pack. “And now your bag is bigger. Magtatagal ka ba roon? May plano ka bang tumira na roon ha? You have a lot of obligations left here,” giit nito. “Will you just shut up, Tere? Kaya ayaw kong pumirme rito eh. Too loud, too controlling, too crowded. Nawawalan ako ng focus sa mga bagay na gusto kong gawin,” inis nitong wika. “Stefano, I am just after your welfare. Ayaw kong maapektuhan ang posisyon mo sa clan,” anito. “Why?” tipid niyang tanong dito. Napalunok naman ang dalaga at hindi alam kung ano ang isasagot. “Are you still holding on to what our parents have planned before?” tanong niya rito. Hindi naman makaimik ang dalaga. “It was just a playful conversation, Tere. I don’t plan on settling down. Live your life without me. Huwag mo ring ubosin ang lakas mo protecting me. Clearly, ikaw ang nangangailangan ng protection. Don’t make me feel less. Huwag mong kakalimutang umabot ako sa posisyon kong ‘to because of my achievements. Although you helped me for some instances, but don’t forget that majority, it was me. I am the boss, and you’re my subordinate. Don’t step on the line, it will break you,” sambit nito at sinuot na ang bag pack saka umalis. Naiwan naman ang dalaga na nagpipigil ng luha niya. She felt deeply insulted with his words. Mabilis na sinundan niya ito. “Pero nakahawak ako sa planong iyon,” sigaw niya. Natigilan naman si Stefano sa hindi kalayuan at tiningnan siya. “I don’t,” he coldly answered and rode his motorcycle. She’s hopeful na balang araw ay makita nito ang halaga niya. He was her world. At masakit sa kaniya na hindi siya nito masuklian. Mahal na mahal niya ito at gustong-gusto niya noon pa man. Ang buong akala niya ay maaangkin niya ito subalit hindi. He was just casual with her. The man even practiced abstinence for no reason. Magaling ito sa trabaho. Malinis at metikuloso. Maraming transaksiyong napagtagumpayan at lalong napalakas pa ang koneksiyon nito. Tumaas ang ranggo ng pamilya at hinahangaan nang karamihan. “I will wait, I will. Hindi ako magsasawang maghintay sa ‘yo,” matigas niyang wika at pinunasan ang kaniyang mata. “Bela, walang tubig ngayon at nililinisan pa ang tangke. Sama ka na sa ‘min sa may irigasiyon sa unahan. Puwede tayong maligo roon,” aya sa kaniya ni Doding. “Sige,” sagot niya at sumunod na rito. Nakasuot lang siya ng maikling shorts at t-shirt na puti. Kita niya pa ang pag-irap ng mga kasama niya eh pareho lang naman silang nakasuot ng shorts. “Inggit lang ang mga ‘yan kasi makinis ka at maputi,” ani Doding sa kaniya. “Eh ikaw? Hindi ka ba naiinggit sa ‘kin?” tanong niya rito. “Ano ba namang tanong ‘yan? Syempre kahit naiinggit ako hindi ako magtatangka no. Parang sinasabi mo na ring magpatiwakal ako ah,” anito. “Tsk,” aniya lang at napailing. “Kung hindi ko lang alam ang katauhan mo ay baka ako ang number one hater mo. Nakakainis din naman talaga iyang kagandahan mo. Bwesit ka,” anito at talagang pinalo pa ang kaniyang balikat. Tinikwasan niya ito ng kilay kaya naiwan sa ere ang kaniyang kamay. “Sorry na,” sambit nito at bumusangot. “Pagpasensiyahan mo na ang mga ‘yan. Alam mo naman, takot ang mga iyan na baka agawin mo lahat ng atensiyon mula sa mga kalalakihan dito. Pansin mo si madam? Iyong ugali niya takot ding malamangan,” mahinang sambit nito. “Isa pa ‘yon,” aniya. “Habaan mo lang ang pasensiya mo para walang gulo.” “I’m trying,” sagot niya. “Oo nga pala, bilin ng ama mo na itago ang totoo mong pagkatao. Dito ikaw si Belinda Ramos. Bela Ramos, ganoon,” wika nito. “Ang ganda ng name ko para palitan ng amoy mapanghi. Para mo na ring sinasabi na magka-level na kami ngayon nu’ng Steven Busilak,” inis niyang sambit at parang gusto na niyang kurotin si Doding. “Mas okay na ‘yan kaysa akin na Doding no,” reklamo nito. Natawa naman si Bela at napailing. Pumunta na sila sa irrigation at kaagad na naligo. “Ako na ang maglalaba mamaya sa mga damit mo. Alam kong hindi ka marunong,” presenta ni Doding. “Thanks,” aniya. “Sus! Ang arte at kung makaakto akala mo kung sino. Ultimo maglaba pala ng damit niya hindi maalaam. Nakakahiya!” sabat ni Sita sa unahan. Nilingon naman ito ni Doding at nginitian. “Kung noong nakaraan tinidor lang ang kamuntik na tumusok sa ‘yo, ngayon baka itong pamalo ng damit ang tatama sa noo mo. Huwag na kasing makisali kung hindi naman kasali,” ani Doding. Kaagad na natahimik naman si Sita. Nilingon naman ito ni Bela at nilapitan. “Bela!” pigil sa kaniya ni Doding. Hindi siya nakinig at nilapitan pa ito. Kinuha niya ang sabon nito at itinaas ang kamay. Tumayo siya at kita niya ang mapanukat nitong tingin na kala mo ay may laban sa kaniya. Hanggang balikat niya lang ito kaya nakatanga sa kaniya at pilit na inaabot ang hawak niya. “Saka mo na ako inisin ulit kapag abot mo na ‘to,” aniya at basta na lang na binitiwan ang sabon. Tiningnan niya ito nang mariin saka inismiran. Natahimik ang lahat at parang handa na silang makitang mag-away ang dalawa. “Ang kapal ng mukha mo! Papansin!” singhal nito sa kaniya. Galit na galit ito. “Hindi ko kailangang magpapansin para lang mapansin ng iba. Presensiya ko lang sapat na. Isa pang masamang buga riyan sa bibig mo’t pakakainin na kita ng damo. Magkasing-ilong pa naman kayo ng baka,” asar niya rito. Parang bubuga na ito ng apoy sa sobrang inis sa kaniya. “A-Ako? Kailong ang baka?” anito at tila hindi pa yata niya matanggap. “Oo, kahit itanong mo pa sa mga kasama natin. Tingnan mo ‘yang itsura mo ngayon. Lumalaki na ang butas ng ilong mo,” aniya rito. “Ahhhh! Bwesit ka talaga!” sigaw nito at akmang susugurin na siya nang dumaan ang lalaking nakasakay sa motorsiklong sa pagkakabasa niya ay mio. “Ano’ng nangyayari rito?” Huminto ito sa tabi nila at hinubad ang suot na helmet. Napailing na lamang si Bela at nasira na naman ang kaniyang araw. Nandito na naman ang feeling pogi. “Steven!” ani Sita at nilapitan pa ang binata. Hinawakan nito ang braso ng binata at sirang-sira ang mukha. “Akala niya siguro ikina-cute niya,” mahinang sambit ni Doding. Napangiwi naman si Steven. “Steven, sumusobra na talaga ang bruhang iyan. Inaway na naman niya ako. Nilait-lait niya ang ilong ko at height ko,” sumbong nito. Lalo namang nasira ang hilatsa ng mukha ni Bela. Bagay nga ang dalawa kung tutuosin. “Ganoon ba?” ani Steven. “Oo, ipagtanggol mo naman ako. Isa ako sa pinakamatagal ng trabahador ng pinsan mo. Siya eh kabago-bago pa lang pero kung umasta akala mo kung sino na,” sagot nito. Tiningnan naman siya ni Steven at nginitian. Kinindatan pa siya nang napunta ang tingin nito sa kaniyang dibdib. Sa inis niya ay umalis na lamang siya. “Problema mo na ‘yan kung nasaktan ka,” sagot ni Steven. “H-Huh?” “Sige na,” ani Steven at pinaandar ang motor. Akmang tatawag si Sita nang tumama sa kaniya ang mga putik galing sa gulong ng motor. Napapikit na lamang siya at napasigaw sa sobrang dumi. Natawa pa tuloy ang ilang kasama niya. “Miss Byoptipol! Saglit lang!” tawag ni Steven at sinipolan pa si Bela. Binilisan naman ni Bela ang kaniyang paglalakad subalit naabutan pa rin siya ng aso. “Talagang ugaling aso ka, tinataboy ka na nga ayaw pa ring umalis,” reklamo niya rito. “Siyempre mahilig ang aso sa buto-buto,” nakangiting sagot nito. Natigil naman sa paglalakd si Bela at hindi makapaniwalang hinarap ito. “Ano ang sinabi mo?” inis niyang singhal dito. “Ito naman hindi na mabiro. Jino-joke ka lang eh,” sambit nito at kinindatan na naman siya. Huminga nang malalim si Bela at napapikit. Pagkamulat niya ng kaniyang mata ay napipilan siya. Sobrang lapit ng mukha ni Steven sa kaniya at nakangiti pa ito. Ang mga asul nitong mata ay parang hinihigop siya. Saka lang niya napagtantong napakaguwapo nga pala talaga ng binata. “Steven!” Mabilis na naitulak ni Bela ang binata at kamuntik pa itong matumba. Mabilis na tumakbo siya paalis at baka kung ano pa ang isipin ng amo nila sa kaniya. Hindi siya malandi at wala sa bokabularyo niya ang magpalandi. Wala siyang oras para sa mga lalaki at lalo na sa pag-ibig. Importante sa kaniya ay ang pera at posisyon. Nang makapagbihis na ay dumeritso na siya sa hapag. Nagsidatingan na rin ang mga kasama niya at kumain na rin. Wala siyang imik at tahimik lang. Kahit papaano ay nasasanay na rin naman siya sa pakain. Kailangan niyang ma-survive at makisama habang nandito siya. Hindi siya puwedeng magreklamo at baka iyon pa ang magiging dahilan para lalo siyang magtagal. Iniisip na lang niya ang mga plano niyang gawin kung sakaling makauwi na siya sa kanila. Unang-una na roon ang gilitan ng leeg si Hades. Napangiti naman siya nang malamig. Natigilan siya nang sikuhin siya ni Doding. “Bakit?” takang tanong niya rito. Ininguso naman ni Doding ang mga kaharap nila. Napatingin siya at parang natatakot ang mga ito. “Bela, okay ka lang ba?” tanong ng mga ito. “Bela, huwag mong kakalimutang hindi kami nakisali sa away niyo ni, Sita ha. Kung ano man ang away niyo ay labas kami roon at wala kaming pinapanigan promise,” dagdag pa ng isa nilang kasama. “Oo nga, kaya kung ano man ‘yang iniisip mo okay lang ‘yan. Kinaklaro lan namin na hindi kami kasama sa ayaw sa ‘yo,” nakangiting dagdag nu’ng isa. “Ano ba ang pinagsasabi nila?” tanong niya kay Doding. “Nakakatakot ang ngisi mo kanina,” sagot naman ni Doding. Natigilan naman siya at napakamot sa kaniyang leeg. Matapos nilang kumain ay pumunta na sila sa farm. Nagsimula na rin silang magtrabaho. Nakasuot na siya ng jacket at sombrero. Kahit papaano ay nare-relax na rin siya habang pumipitas ng mga kamatis. Hindi masiyadong mainit dahil may mga puno naman ng niyog. Mabilis lang na napuno ang lalagyan niya kaya sa ilang oras lang ay nakatatlong bukag siya. Napangiti siya at kumuha ng hilaw na bunga saka sumilong sa puno ng niyog at pumapak. Sumunod naman ang mga kasama niya. “Himala yata at napakasipag mo ngayon,” patutsada ng kaibigan ni Sita. Tiningnan niya ito at nginishan. “Ibinuhos ko lahat ng lakas ko roon, kaysa naman mabulag ako sa mga iniisip kong pumatay ng tao,” sagot niya at inirapan ito. Mabilis na lumayo naman ito sa kaniya kaya natawa siya. Huminga siya nang malalim at tinanggal ang sombrero niyang gawa sa pandan at pinaypayan ang sarili. “Hi, pretty!” Napaikot na naman ni Bela ang kaniyang mata nang makita na naman si Steven na hinihila ang kalabaw. Mukhang magpapainom ito sa unahan at may irigasiyon doon ng tubig. Hindi niya ito inimik at hinayaan lang. Nakahinga naman siya nang maluwag nang dumaan lang ito at nagpainom nga. Iniwas na niya ang tingin dito at hinihintay na matapos si Doding. “Payapa ang mukha mo ngayon ah.” Napalingon siya at napakunot-noo. Ni hindi man lang niya napansin ang presensiya nito. Ni isang tunog ng pagyapak nito ay hindi niya nrinig. It arose a lot of suspicion. Tiningnan niya ang binata na nakangiti lang sa kaniya. “What? Did I annoy you again?” anito at tumabi sa kaniya. “Mukha mo pa lang kayang-kaya ng sirain ang buong araw ko,” sagot niya rito at napaismid. Hindi mawala-wala sa utak niya ang nangyari. Kapagka ganoon ay sigurado siyang hindi good sign. May tinatago ang binata. Hindi rin normal para sa kaniya ang pagiging palangiti nito kahit kanino. “Ang pogi ko ba? Na-realize mo na ba na ang kaguwapuhan ko ay bagay sa kagandahan mo?” tanong nito. Napakunot-noo naman si Bela. Imposible naman na hindi ito basta-basta dahil sa mukha pa lang nito halatang asungot talaga. “Ano? In love ka na ba sa ‘kin?” tanong nito sa kaniya. Napailing na lamnag si Bela at hindi niya kaya ang kahanginan nito. “Guwapo ka na sa lagay na ‘yan? Subukan mo kayang umapak ng siyudad at makikita mong ordinaryong mukha lang iyang mukha mo,” inis niyang sambit. Natigilan naman ang binata at napahawak sa kaniyang mukha. “Marami ang nagkukumahog sa ‘kin kahit sa city,” anito at tila proud pa. “Marami naman pala eh, sa kakapalan ng mukha mo mas marami pa riyan ang kaya mong utoin. Huwag mong sayangin ang oras mo sa ‘kin at nai-imagine na kitang pinagtataga ng kutsilyo,” sagot niya rito. “Grabeng pagnanasa na ‘yan sa ‘kin, Bela,” anito at napahawak pa sa kaniyang puso. Hindi naman maiguhit ang mukha ni Bela sa sinabi nito. “For real? May mga tao pa talagang sobrang kapal ang mukha,” aniya at natawa nang pagak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD