Makalipas ang ilang araw ay umalis na rin sila para magbakasiyon. Good mood si Bela habang nagmamaneho ng sasakyan at si Stefano naman ay patuloy pa rin s apatatrabho. May inaasikaso ito sa kompanya niya at hinayaan lang ni Bela dahil naiintindihan niya ito. Marami talaga itong dapat na asikasuhin.
Mahaba-haba rin ang byahe kaya salitan silang dalawa sa pamamaneho. Ilang oras pa nga at nagising na lamang siya dahil sa halik ng asawa niya sa kaniyang pisngi.
“We’re here,” nakangiting sambit nito.
Napahikab naman si Bela at bumaba na sila. Nakangiting nilapitan naman sila ng staff ng resort at iginiya papasok. Nasa VVIP lounge sila. Mismo ang may-ari pa ang nag-welcome sa kanila. Direkta na sila sa villa nila para magpahinga. Gusto pa niyang matulog at magsi-swimming siya mamaya.
Nakangiting tumabi naman sa kaniya ang asawa at niyakap siya.
“This is the life. peaceful, walang istorbo, at walnag trabaho,” sambit nito.
Nilingon naman niya ito at niyakap pabalik.
“True, parang gusto ko tuloy mag-stay rito kahit isang buwan kaso hindi puwede. Ang daming trabaho,” reklamo niya.
“Soon, we’ll clear our schedules for a month para makapagpahinga tayo nang maayos,” sagot ni Stefano. She nodded her head.
“Parang ngayon lang ako makakahing anang maluwag,” aniya.
“I know, hindi madali ang ginawa mo matulungan lang ako. You’re such a wonder woman,” sambit ng asawa.
“Of course! sino pa ba ang magtutulungan sa pamilyang ‘to? Tayon dalawa lang din naman,” sagot niya at ipinikit ang mata.
“What do you want to eat?” usisa ni Stefano.
“I’ll just go to the kitchen para makapag-request ako sa chef. Para paggising mo mamaya ay kakain na tayo kaagad,” dagdag nito.
“That’s a good idea,” aniya rito.
“Parang gusto ko ng seafood. Kahit anong luto basta seafood,” sagot niya.
“Okay, take a rest here. Ako na ang bahala,” saad nito. Tumango naman si Bela at ipinikit na ang kaniyang mata. Hindi rin naman nagtagal at nakatulog na siya.
Maingat na inayos ni Stefano ang kumot at hinalikan ang pisngi ng asawa bago lumabas ng villa nila at dumeritso sa restaurant. Nag-usap sila saglit ng chef at nang makuha nito ang gusto niya ay umalis na siya. Ayaw niyang disturbihin ang pagpapahinga nga sawa kaya nag-stay na muna siya sa poolside. Overlooking ang malinaw na asul na dagat at medyo mahangin kaya nare-relax siya. May upuang gawa s arattan kaya doon na muna siya humiga at kaaagd na nakaramdam ng relaxation sa katawan.
“Hi, may nakaupo ba rito?”
Napalingon siya at nakita ang babaeng nakasuot ng bikini. Nakaniti sa kaniya.
“None,” sagot niya at ibinalik na ang tingin sa dagat.
“Nakita kita kanina kausap ang chef. Ikaw ba ang may-ari ng resort na ‘to?” tanong nito. Umiling naman siya bilang sagot.
“Ahh, pansin kong lonely ka kaya nilapitan kita. Okay ka lang ba? may problema ka ba?” usisa nito sa kaniya.
Natigilan naman si Stefano at pinipigilan ang sarili na huwag itong mapahiya.
“I’m alon, but that doesn’t mean I’m lonely. I’m just appreciating the view. I dobn’t have a problem so you can mind your own business,” kalamdong sagot niya.
Inakala niyang mahihiya ito subalit lalo pang napangiti.
“Mabuti naman kung ganoon, I’m Georgette,” pagpapakilala nito. Iniumang pa ang kamay sa kaniya. Hindi naman ito nilingon ni Stefano at nakatuon lang ang tingin sa harap.
“Hindi mob a tatanggapin ang handshake ko?” tanong nito.
“For what?” sagot niya rito. Halata sa boses na hindi interesado.
“Nahihiya ka ba sa ‘kin? You don’t have to. Pareho lang tayong guest dito. I know nagfi-feeling close ako pero kasi, I am very friendly with people around me,” sambit nito.
“And I’m not,” sabat ni Stefano. Halata naman siguro sa boses niya na naiinis na siya rito.
“Ganoon ba? Pero magbabao pa naman ‘yan eh. Especially that I’m your total opposite,” nakangiting sambit nito. Imbis na umalis ay humiga pa ito sa katabi niyang chair.
“What’s your name?” tanong nito sa kaniya.
Tinanggal ni Stefano ang suot nitong shades at mariin siyang tinitigan. Imbis na matakot ay kinilig pa yata. Itinaas ni Stefano ang daliri niya at ipinakita ang palasingsingan.
“I’m freaking married so get a life. Huwag mo akong istorbohin,” asik niya.
“So what? I don’t care,” anito at nginitian pa siya nan nakakaakit.
“I do,” wika ni Stefano at tinalikuran ito.
“You know what? I like you na,” saad ng babae at nginitian siya nang matamis. Nawalan na talaga siya ng pasensiya kaya umalis na lamang siya at sumunod naman ito.
“Wait! Wait lang!” sigaw nito. Hindi niya ito pinansin at baka masapak niya pa sa sobrang inis niya. Baka nga hindi siya ang makaspaka kapag nakita sila ni Bela.
“Lagot!” aniya at binilisna ang paglalakad.
“Hey! Bakit ka ba lumalayo?” tanong nito nang maabutan siya at hianwakan pa ang kaniyang braso. Kunot ang noong iniwas naman niya ang kaniyang sarili rito. natawa naman ito nang pagak.
“Hindi naman kita aanuhin eh. Fine! Alam kong natatakot kang malaman ng asawa mo pero Bela hindi ko naman sasabihin sa kaniya eh. I don’t know her and even if I do hindi ko sasabihin. I like you,” nakangiting saad nito.
Huminga nang malalim si Stefano at hinarap siya.
“Stay away from me. Kun ikaw hindi takot sa asawa ko ibahin mo ako. You clearly didn’t know her so please, get a life. I am married and I am loyal and I don’t like you. Ano ba sa I don’t like you an hindi mo maintindihan. Listen, even if I am not married for example, I won’t pick ypu either. Ayaw ko sa mga babaeng easy to get,” inis niyang sambit.
Natigilan naman ang babae at hindi iyon in-expect. Walang sino man ang nag-reject sa kaniya. Tumawa ito nang peke at napakamot sa kaniyang ulo.
“Ang harsh mo namang magsalita,” anito at maiiyak pa yata.
Umiling na lamang si Stefano at iniwanan na ito. He’s praying that Bela din’t saw them at panigurdaong tapos ‘tong bakasyon nila.
“Hindi lang ‘yan kung ayaw mo akong tigilan. Nauubos ang respito ko sa isang tao kapag wala na ring respito sa sarili nila. This is my own life, huwag ka na lang mangialam,” aniya at naglakad na paalis.
Bumalik na lang siya sa villa at saktong tulog pa rin ang asawa. Nakahinga siya nang malalim.
Buti na lang. Makalipas ang ilang oras ay nagising na si Bela. Nag-ayos na ito at pumunta na sila sa restaurant para kumain.
Napakaganda ng mood nito at kahit sinong nakikita ay ngininitian.
“Sarap ng tulog ko grabe,” saad nito.
“That’s great!” aniya at ipinaghila pa ito ng upuan.
Ilang sandali pa nga ay dumating na ang orders nila. Napatakip si Bela sa bibig niya at sobrang dami. Puro seafoods at ang sasarap nu’n.
“Feeling ko kaya ko ‘tong ubosin,” aniya.
“Really?”
Kita ang tuwa sa mukha ni Stefano. Tumango-tango naman si Bela at excited na kinuha ang crab legs saka kinain iyon.
“Hmm, sarap,” anito at nagpatuloy lang sa pagkain. Ipinagbalat an rin ito ni Stefano ng shrimp at inilagay sa plato ng asawa.
“Thank you, kumain ka na rin,” aniya rito. Tumango naman ito. Kapwa nag-e-enjoy. Al fresco style naman itogn restaurant kaya lalong nakakagana. Overlooking ang beach at maganda nag simoy ng hangin. Hindi malamig.
“Grabe! Ang sarap,” ani Bela at nag-thumbs up pa sa asawa.
“Glad that you like it,” anito.
“I love it,” sagot niya. Kumuha ito ng civeche at napangiti. Kada subo nito ay nakangiti. May iilang customer naman at ganoon din sa kanila. Nag-e-enjoy sa pagkain. Sinusubuan pa siya ng asawa niya kaya lalo pa siyang ginanahang kumain.
Ilang sandali pa ay may tatlong babaeng dumating. Nagtatawanan at sa boses pa lang ay halatang nagpapapansin. Wala namang pakialam si Bela hangga’t hindi sila inaano ay wala siyang paki. Umupo ito sa table malapit sa kanila at kita niya pa ang pagtingin ng isang babae na para bang hinahamon siya nito.
“Why?” mahinang tanong ng asawa niya. Ngumiti naman siya rito at umiling.
“Nothing,” sagot niya. Tumango naman si Stefano at nagpatuloy sila sa pagkain.
“Iyan pala ang type niya eh, masiba,” wika ng isang babae at nagtawanan. Wala namang binabanggit na panalan kaya pinalampas na lang ‘yon ni Bela.
“Kung alam ko lang, ‘di sana hindi na ako nag-diet,” sabat naman nu’ng isa.
“Mahilig naman pala sa tikling,” komento pa nu’ng isa.
Natigilan naman si Stefano. He did not like what he’s hearing right now. Nag-abot ang tingin nil ani Bela at inilingan siya nito.
“Not worth it, nandito tayo para magbakasyon, para makapa-relax. Don’t waste your time,” wika nito.
Huminga nang malalim si Stefano at ilang saglit lang naman ay dinala na ng waiter ang freshly made fruit juice nila. Sumenyas ang isang babae na ipatid ang waiter at ilang seundo nga lang ay nabasa si Bela. Saktong natapon talaga sa ulo niya.
alit na tiningnan niya ang waiter nang halos mamatay na katatawa ang tatlong babae.
“Ano ba ‘yan? Hindi na makahintay na makaabot sa bibig niya, ipinanligo na talaga,” komento nu’ng isa at tinikwasan pa siya ng kilay.
“Ma’am, sorry po,” tarantang sambit ng waiter.
Galit na tumayo naman si Stefano at pinunasan ang asawa.
“Can you just shut up?” galit na sambit ni Stefano. Kung hindi lang ito mga babae ay baka kanina niya pa ito pinagsasampal. Kanina pa siya nagpupuyos.
“Here comes the knight shining armor,” ani nu’ng isa pa at nagtawanan na naman sila.
Inis na tiningnan naman ito ni Bela.
“Inuubos nila ang pasensiya ko, so dapat lang na worth it ang ibibigay kong atensyon,” aniya at padabog na hinila ang isa pang bakanteng upuan sa mga mesa ng mga ito at umupo roon. Tiningnan niya ang tatlo na ngayon ay masama ang tingin sa kaniya.
“May problema ba kayo sa ‘kin? Actually wala naman akong paki sa mga sinasbai niyo eh. Bumubula iyang bibig niyo na para bang may mga rabbies kayo. Hindi ko sinasalo ang mga parinig niyo kanina kasi ayaw kong mag-assume. Pero katagalan, parang sinasadya niyo na akong insultohin,” wika niya.
Napaikot naman ng isa ang mata niya.
“Inangkin mo na lang din naman, so what?” sagot nito.
Napangiti naman si Bela sa naging sagot nito. Minamalditahan talaga siya ng babae.
“So what?” aniya at nginitian ito nang malapad saka hinawakan ang ulo nito at inuntog sa ibabaw ng mesa
“Ay!”
Gulat na ulat ang mga ito nang makita ang isnag kaibigan nilang dumudugo ang noo at ilong na humandusay na sa lupa. Natigilan naman ang mangilan-ngilang kumakain at nakatingin lang sa kanila.
Hindi makagalaw si Stefano sa nakita at kinuha na lang ang smoothie s agilid at ininom iyon. Aayw niyang amdamay s ainit ng ulo ng asawa niya. Kahit mali ang mangbugbog ay hindi siya pipigil siyempre. Asaw aniya iyong binastos kaya dapat lang sa kanila ‘yon.
“Security!” sigaw nu’ng isang babae.
“Ikaw iyong nagsabing tikling sa ’kin eh. Ayaw ko talagang mang-body shame pero have you ever looked at yourself in the mirror? Tingnan mo nga buong katawan mo. Para kang bullfrog. Mas mahaba pa at Matulis pa iyang panga mo kaysa ilong mo. You call yourself beautiful? Sexy? Even your attitude is rotting,” galit na wika ni Bela.
Kalmado lang ang boses at nakaupo lang. Napalunok naman ang babae habang nakatingin sa kaniya. Sinisiko nito ang katabi at nagpapatawag ng security. Wala pa ring malay ang isa pang kaibigan nito. Ilang sandali pa ay may tatlong lalaki na papunta sa kanila. Parang nagkalakas-loob naman ito para sumabat-sabat sa kaniya.
“Kun makapagsalita ka akala mo naman kagandahan ka. Bakit? Narinig mo ba na binaggit koa ng pa—”
Hindi na ito nakapagpatuloy nang buhusan niya ng condiments ang mukha nito. Sinabugan pa niya ng balck pepper kaya napasigaw ito sa sakit ng mata niya.
“Masiyadong malinis ang tingin mo sa sarili mo kaya kailangan mong mag-cleanse,” aniya rito.
Napalunok naman ang isang babae at parang hindi alam kung ano ang gagawin.