Bandang hapon nang makauwi na siya ay nakita niya si Duday na nakatingin sa kaniya at tila kanina pa naiinip kahihintay. Mabilis ang kilos na nilapitan siya nito. "Ano ka ba naman? Bakit ngayon ka lang?" untag nito. "Ha?" nagtataka niyang sagot. "Halika na sa loob at pareho tayong mapapatay ni, Hades Kanina pa 'yon naghihintay sa 'yo." Kahit na naguguluhan ay nagpatianod na lang din siya. Hindi kaya galit ito kanina? Hindi siya nakinig nu'ng sinabi nito sa tawag na umuwi na siya dahil may klase pa siya sa hapon. Akala nga niya baka inabot lang ng kasupladuhan niya. "D-Duday, galit ba siya?" usisa niya rito. Huminto saglit si Duday at tinitigan siya. "Ano sa tingin mo? Kawawa ka sinasabi ko sa 'yo. Kapag galit siya mainit ang ulo. Magdasal ka na lang na galit din ang pangalawang ulo

