Gabing-gabi na nang mapagpasiyahang umuwi ang mga kaibigan ni Elinor. Ipinahatid na rin ito ni Hades sa kani-kanilang bahay. Maliban kay Ace na mukhang okay lang naman at may dala itong sasakyan. Lumabas naman si Elinor at inihatid hanggang sa labas ang mga kaibigan niya. “Ace, sigurado ka bang kaya mong magmaneho pauwi?” Tumango naman ang binata bilang sagot. “Eli,” wika ni Ace at seryosong nakatingin sa kaniya. Hindi aware ang dalaga na nakapamulsang nagmamasid lang si Hades sa kanilang dalawa. “Hmm?” nakangiting sagot niya. Tinitigan lamang siya ni Ace at nginitian nang tipid. “Tungkol sa sasabihin ko…” Kaagad na nakaramdam naman ng uneasiness ang dalaga. Ramdam niyang may sasabihin itong ikapapangamba niya. “A-Ano ‘yon?” usisa niya. Nagulat pa siya nang hawakan nito ang kaniyan

