“Elinor!” Napakunot-noo ang dalaga nang makitang namumutla si Duday. Mag-aalas-dos na ng madaling araw. “Bakit? Ano’ng nangyari?” “S-Si Garu at Hades nasa hospital,” sagot niya. “Ano? Saang hospital?” Tarantang tumayo siya at kinuha ang jacket sa gilid at bumaba na. Nakaabang na rin naman ang driver ng taxi kaya mabilis na bumiyahe sila papunta sa hospital. Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib niya. “Ano’ng nangyari, Duday? Bakit nasa ospital sila? Kanina nag-usap pa kami ni, Hades,” aniya. “Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Basta na lang na may tumawag kanina sa landline at sinasabing nasa hospital sila at kritikal ang kondisyon,” sagot niya rito. “Oh God!” Ilang minuto lang naman ay nakarating sila. Mabilis na pumunta siya sa nurse station at nagtanong kung nasaan si Hades at

