“Ganiyan ba ang itinuro niya sa ‘yo ha, Elinor?” untag ng ama niya. Kita niya ang galit sa mga mata nito. Deritsong sinalubong naman niya ang tingin nito. “Marahil nga oo, kasi siya lang ang nagturo sa ‘kin na harapin ang mga problema ko. Na hindi dapat ako nagpapaapi. Kasi kung iisipin ano ba ang itinuro niyo sa ‘kin? Ikaw, ayusin mo ang buhay mo Ate Solana dahil ginagawa ko rin ang lahat para maayos ang buhay ko. Kung nahihirapan kayo sa sitwasiyon niyo pare-pareho lang tayo. Mabuti nga kayo eh nagagawa niyo lahat ng gusto niyo. May nakakausap tuwing may problema, eh ako? Sinasarili ko lahat noon pa man. Ni hindi niyo nga maalala kung kailan ang kaarawan ko. Alam ko, sa tingin niyo ang babaw lang ng mga dahilan ko. Dahil sa kababawan na iyon lalo akong namulat sa katotohanang hindi ako

