“T-Tulungan mo ako,” saad ng babaeng duguan ang noo at punit-punit na ang damit. Tiningnan lamang ito ni Hades nang mariin at kinunutan ng noo. Itinapon niya ang sigarilyo at napatingin sa tatlong lalaking tila hinahanap ang babae. Napangisi ang isa nang makita siya. Labis ang pagmamakaawa ng dalaga sa kaniya. Hinintay niya na makalapit ang tatlo sa kaniya. Ang isa ay may hawak pang baril. “Binata, ibigay mo na sa amin ‘yang babae para hindi ka na madamay pa,” saad nu’ng isa. Ngumiti lamang si Hades at kinunutan ito ng noo. “Kung gusto mo pang silayan ng araw bukas, mas mabuting ibigay mo na siya,” wika naman nu’ng isa na may hawak na baril. Tiningnan ni Hades ang babae sa likod niya. Umiiyak ito at tila nawawalan na ng pag-asa. Nagsindi ng panibagong sigarilyo si Hades at ibinuga iyon s

