Tinitigan siya ng binata at halata naman sa mukha nito ang pagkailang. Subalit napapansin niya rin ang pagngiti nito sa kaniya. "Elinor is safe with me. You don't have to worry about her," malamig niyang saad. "H-Hinahanap na siya ng pamilya ko. Nag-aalala rin kami sa kaniya. Medyo mahirap ang sitwasiyon ng p-pamilya namin kaya pasensiya ka na rin sa kaniya. Hindi niya alam ang ginagawa niya. Kung m-may maitutulong ako sabihin mo lang sa 'kin. May katigasan din kasi ang ulo ni Elinor dahil kulang siya sa atensiyon," saad ni Solana. Napangiti naman nang tipid si Hades sa sinabi niya. "You really don't know anything. Hangga't hindi niya sinasabi na aalis siya sa poder ko hindi siya aalis doon. Based on what you're telling me right now, it's a good choice for her that she chose to stay wi

