"Good mood ka yata ngayon ah," sambit ni Duday. Ngumiti lamang si Elinor sa kaniya. Papasok na siya ng eskuwelahan ngayon. Simula nu'ng may nangyari sa condo ni Bela ay napapansin niyang medyo gumagaan na ang pakiramdam niya. Nawawala na rin kahit papaano ang takot sa kaniyang dibdib. Hindi na siya masiyadong kinakabahan kapag nasa malapit si Hades. Pumasok na siya sa loob ng kotse at nagpahatid na sa eskuwelahan niya. "Boss, ano ba talaga ang plano mo kay, Elinor?" tanong ni Garu kay Hades. Nakatayo lang ito sa terrace at nakatingin kay Elinor sa baba hanggang sa makaalis. "Garu, hindi magiging exciting ang buhay kung walang babaeng involve. You should marry Duday para naman hindi ka na maging malungkot," sagot niya rito. Tahimik na umiling naman si Garu. "Noon pa man po ay tanggap ko

