Chapter 8

2611 Words
“Nandito lang ‘yon, hindi pa ‘yon nakakalayo.” Natigilan si Bela sa narinig at kontrolado ang hininga. Masama ang pakiramdam niya kaya mas kailangan niyang mag-ingat. “Sabi ni, Lucia hindi pa nakakalayo eh at kaaalis lang. Saan kaya pumunta ‘yon?” Naikuyom niya ang kaniyang kamao. Tatlong lalaki at mukhang may masamang balak sa kaniya. Hindi siya gumagalaw at pilit na pinapakalma ang sarili. Napapikit siya nang may dumaang motor at kaagad na lumublob sa tubig upang hindi siya makita. “Tara sa unahan, baka nandoon siya,” wika nu’ng isa. Nang makaalis nga ay mabilis na umahon siya at mabilis na tumakbo. Nang nasa kalagitnaan na ay natigilan siya nang pakiramdam niya ay umiikot na ang kaniyang paningin. Sobrang init ng kaniyang katawan. “The hell!” mura niya at huminga nang malalim. “Ayun!” Napalingon siya at nakita ang tatlong binata. “s**t!” Napatingin siya sa paligid. Sobrang useless kung tatakbo siya dahil paniguradong maaabutan din naman siya. Hindi niya dapat sayangin ang kaniyang lakas. Kinuha niya ang kahoy sa gilid. “Kaya naman pala eh,” wika nu’ng isa. Nakangisi sa kaniya at nanlalaki ang mga mata. Sumipol pa ang isa nilang kasama habang dinidilaan ang pang-ibabang labi nito. “Ang ganda-ganda naman, hindi naman pala tayo lugi eh,” saad naman ng kasama nito. Napaatras si Bela nang magdalawa ang kaniyang paningin. “Stop!” aniya sa mga ito. “Sarap ng boses. Paano kaya kapag umungol ‘to?” nakangising sambit naman nu’ng isa pa. Pinalibutan siya ng mga ito kaya hinanda niya ang kaniyang sarili. Akmang lalapit na sa kaniya ang isa nang mabilis na hinawakan niya ang kamay nito saka hinila pabaliktad at napasigaw. Sinipa niya ang likod habang hawak-hawak ang kamay nito at hinawakan ang ulo saka walang pasabing binali. Gulat na gulat naman ang dalawa sa nasaksihan. Naipilig ng dalaga ang kaniyang ulo nang maramdamn na naman ang sakit ng kaniyang ulo. “Matapang ka ah,” komento nu’ng isa na may hawak na ngayon ng kutsilyo. Nilaro-laro niya iyon sa kamay niya at akmang susugod na rin. Kaagad na umilag ang dalaga at sinipa ang paa nito. Nang matumba ay kaagad na inapakan ang batok at hinawakan nang mahigpit ang kamay at inagaw ang kutsilyo subalit nasipa na iyon ng kasama nito at nasuntok siya. Buti na lamang at sa balikat niya lang tumama dahil nakailag siya. “Bullshit!” aniya at mabilis na napatayo. Nakangisi na ang dalawa sa kaniya. Blurry na naman ang kaniyang paningin. Madilim pa ang gabi at talagang nanghihina na siya. Idagdag pang madilim ang paligid. “Sumuko ka na kasi, masasarapan ka naman eh,” saad nu’ng isa. “Sige na, paisahin mo na kami,” dagdag naman nu’ng isa at nagtawanan ang mga ito na parang mga demonyo. “Over my dead body,” sagot ni Bela. Mabilis na tinakbo niya ang pagitan nilang tatlo at hinawakan nang mahipit ang buhok nu’ng isa at ang isa naman ay pinulupotan niya ang leeg gamit ang kaniyang mahabang paa at buong lakas na hinila ito dahilan para matumba silang tatlo. Kinuha niya ang kutsilyo sa hindi kalayuan at nahawakan pa nu’ng isa ang kaniyang paa. Sa galit niya ay tinaga niya ang kamay nitong nakahawak sa kaniyang paa nang ilang beses dahilan para mapasigaw ito sa sakit. Tiningnan niya ang lalaki at nginitian nang malamig. “Ikaw na,” aniya. Akmang tatakbo pa ito nang mabilis na tagain niya ang likod nito. Sinipa niya at sinuntok nang makailang beses. Napaungol siya sa sakit nang maramdaman ang mabigat na bagay na tumama sa kaniyang likod. Napaubo siya habang nakadapa sa lupa. Nakagat niya ang kaniyang labi sa sakit nang apakan nu’ng isa ang kaniyang kamay. “f**k you!” sigaw niya sa mga ito. “Talagang hiundi kita bubuhaying animal ka. Pinapahirapan mo pa kami ha,” anito at tinanggal na ang suot nitong sinturon. Nanlalanta ang kaniyang katawan at kahit anong pasag niya ay hindi niya magawa. “Umayos ka!” singhal ng kasama nito at hinawakan ang kaniyang kamay. Nagpapasag siya at buong akala niya ay katapusan na niya nang may motorsiklong papunta sa gawi nila at basta na lang na binundol ang lalaking nakababa na ang pantalon. Kahit papaano ay nakahinga nang maluwag si Bela. “Sino ba ‘to?” Hindi na natapos ang sasabihin ng mga ito nang basta na lang na nagsihiyawahan ito sa sakit habang binubugbog. Pinilit ni Bela na tumayo at kaagad naman siyang dinaluhan ng binata. Tinulungan siya nito at tiningnan. Napakunot-noo si Bela nang makilala ito. “I-Ikaw n-na naman?” mahinang aniya. “s**t! You’re drugged,” anito at mabilis na pinasakay siya sa motorsiklo nito. Wala siyang lakas kaya tinanggal nito ang suot na belt at basta na lang siyang itinali sa beywang nito at pinaharurot ang motor. Habang bitbit siya ni Steven ay sobra ang panginginig nito. “Too hot,” aniya. Maingat na pinahiga siya ng binata sa kama at hindi alam kung ano ang gagawin. Mabilis na lumabas siya at kumuha ng yelo saka inilagay sa bath tub. “I’m sorry,” aniya at hinubaran ang dalaga. Pinilit niyang huwag tingnan ang kahubaran nito pero letse talaga ang mga mata niya at napasilip. Parang may kung anong nag-utos kaya napatingin siya at hindi mapigilan ang sarili na mapangiti. Para itong diyosa kung tutuosin. Nakapikit lang si Bela at hawak-hawak ang kamay ni Steven. Nang ibuka ang kaniyang mga mata ay nag-abot ang kanilang paningin. Nag-aalala ito sa kaniya. Napakaguwapo nga talaga nito. Napalunok siya at hinila ito palapit sa kaniya. Gulat na gulat ito nang mabilis niya itong hinalikan. Nagpapasag naman ito at itinulak siya. “No,” pigil nito sa kaniya. Nagkatitigan silang dalawa. Naikuyom naman ni Steven ang kaniyang kamao. Hindi niya dapat maramdaman iyon. Nabubuhay ang kaniyang Steven Junior. Napatingin siya sa baba niya at napaupo sa sahig ng banyo. Hinawakan niya ang noo ni Bela at hindi pa rin bumababa ang init ng katawan nito. Hindi ito mapakali. Mabilis na hinubad niya ang kaniyang t-shirt saka dinaluhan ito sa bath tub at niyakap. Pinilit niya ang sarili na kontrolin. Hindi naman siya santo at napkaganda ng babaeng kalong niya. Sexy, makinis, napakaganda. Crush nga niya ito unang kita niya pa lang. Napapikit siya nang hawak-hawakan nito ang kaniyang dibdib. Ilang saglit pa ay napangiti siya nang makitang parang baliw na baliw ito sa katawan niya. “Maganda ba ang katawan ko?” nakangiting tanong niya sa dalaga. Tumango naman si Bela na liyong-liyo sa gamot. “Hayaan mo, lalo ko pang pag-iigihan ang pagbuhat ng feeds ng baboy para mas lumaki pa ‘yan,” wika niya. Napatingin siya kay Bela nang tumahimik na ito. Nakatitig sa kisame. “H-Hey! Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya rito. Tiningnan niya ito at nakatulog na. Mukhang okay na ito. Napatingin naman siya sa baba niya at napamura. “Tang-ina naman, ikaw naman ngayon ang hindi okay,” kausap niya sa kaniyang sandata at umahon na. Maingat na binuhat niya si Bela at pinasuotan ng robe at pinahiga na sa kama. Inayos niya iyon at parang kinikilig pang ngumiti. “Last silip,” aniya at natawa sa sarili niya. Kinuha niya ang blower at pinatuyo ang buhok ng dalaga. Nang matapos ay naligo na rin siya saka natulog sa sahig. Kinabukasan ay nagising siya dahil sa sakit ng leeg niya na parang may nakadagan sa kaniya. Paggising niya ay nakaapak na ang paa ni Bela sa kaniyang leeg. Nanlilisik ang mga mata at para bang anytime ay papatayin na siya. “A-Ano ang ginagawa mo?” tanong niya rito at sinubukang tanggalin ang paa nito pero lalo lamang iyong binigatan. Hindi niya alam na sa liit ng katawan nito ay sobrang lakas pala. “Ano ang ginawa mo sa ‘kin?” galit nitong tanong. “M-Magpapaliwanag ako,” aniya rito. “No,” giit nito. “Is that how you repay me?” aniya rito. Natigilan naman ako. “Sigurado kang wala kang ginawa sa ‘kin?” tanong niya rito. Tumango naman ito. Hindi naman siya naniniwala. “Nakikita ko ang dibdib mo’t sumisilip na rin sa ‘kin si Belinda,” aniya. “What?” Natawa naman si Steven subalit binigatan pa nito lalo ang pagkakaapak sa kaniya kaya napaubo siya. “I mean your v****a is peeking on me, my poor eyes,” anito. Nanlaki naman ang mata ni Bela at mabilis na lumayo saka tumalikod at tiningnan ang hubad na katawan. “You prick! Hinubaran mo ako? What the hell did you do to me last night huh?” singhal niya rito. “Wait! Kumalma ka muna. Hindi mo ba naaalala ang nangyari sa ‘yo kagabi?” mabilis nitong saad habang hinahabol ang sariling hininga. “Lakas mo ah,” anito at in-exercise ang kaniyang leeg. Napaisip naman ang dalaga at napapikit. Naikuyom niya ang kaniyang kamao at nilingon ang binata. “Kilala mo ba ang mga ‘yon ha? Kasabwat ka ba nila?” aniya rito. Napabusangot naman ang binata. “Kung iyan lang din ang sasabihin mo sa ‘kin sana pala hindi na kita tinulungan kagabi. Pauwi na ako kagabi nang makita kang pinagsasamantalahan ng mga iyon. Binugbog ko na at ire-report ko sana sa barangay kaso may nainom ka yatang pampalibog at sobra mo akong binigyan ng problema kagabi,” aniya rito. “W-What did I do?” tanong niya at hindi na naman mapakali. “You violated me, Bela. Parang nainsulto ang p*********i ko. Hinalikan mo ako nang walang paalam. Hinawakan mo lahat ng parte ng katawan ko,” reklamo nito. “I...I did it?” Hindi makapaniwalang tanong ni Bela sa kaniya. “Oo, muntik mo pang hawakan ang junior ko buti na lang maagap ako. Sobrang nanginginig ka sa init kagabi. Wala naman akong gamot sa libog kaya nilagyan ko nang maraming yelo ang tub saka ka nilagay roon. Napalunok naman si Bela. “So? Nothing happened?” panganglaro nito. Tumango naman siya. “Hindi ako rapist,” deriktang sagot niya. “Sa sobrang guwapo ko, hindi ko ugaling manamantala ng babae. Pero inaamin ko nakita ko iyang katawan mo. Pero hindi ako na-attract,” bawi niya agad nang makitang hindi na maiguhit ang mukha ng dalaga. Kumunot naman ang noo ni Bela. Sobrang nainsulto siya sa reaksiyon nito. “What do you mean?” “Basta, hindi kita pinagsamantalahan. Kung may naging kasalanan man ang mga mata ko hindi ko na makontrol iyon dahil sa sitwasyon,” aniya. Tinikwasan naman siya ng kilay ni Bela. “Fine! Katawan lang naman iyon. Importante ay hindi mo ako pinagsamantalahan,” anito. Nakahinga naman nang maluwag si Steven. “Ba’t ka ba umuwi mag-isa? How come na nakainom ka ng gamot na ’yon?” usisa nito. “Iyang mga trabahante ng pinsan mo masiyadong mga insekyurada. Kapag isang araw narinig mong may rambulan hayaan mo na kami, puwede ba? Tutal naman wala pa rito ang pinsan mo at matagal pang babalik,” aniya rito. “Hindi mo naman papatayin?” paninigurado nito. “Hindi, babawian ko lang,” sagot niya. Napaisip naman si Steven. “Huwag ka ng mag-isip, hindi bagay,” aniya rito. “Parang sinasabi mo naman na wala akong utak,” nakasimangot nitong wika. “Ganoon na nga. Alam mo kasi, hindi pera o ano pa man ang pinakamahal sa mundong ‘to kung hindi utak. Sadly, wala ka nu’n, kaya huwag mo ng pahirapan ang sarili mo. Huwag ka ng mag-isip. Kakarampot na lang iyang cells sa utak mo, pinipilit mo pang gumana,” sambit niya. “Sumusobra ka na ah. Isang salamat lang naman ang gusto kong marinig sa ‘yo. Sana pala pinabayaan na lang kita roon kung iyan lang ang maririnig ko sa ‘yo,” anito at tila nagtatampo pa. Natigilan naman si Bela at gusto niya itong lapirutin sa tenga. Huminga siya nang malalim at tiningnan si Steven. “Salamat, balang araw babawian din kita,” aniya. “What?” “I mean, babawi ako,” aniya. Napangiti naman si Steven. “Wala ‘yon, ikaw pa. Pasalamat ka maganda ka,” aniya. Napangiwi naman si Bela. “Sa parents ko ka magpasalamat kung ganoon,” aniya. Nakagat naman ni Steven ang kaniyang labi. “Ito naman, kakikilala lang natin meeting your parents na agad,” anito. Napangiwi naman si Bela. “Anyway, your clothes are here. Baka gusto mo ng magbihis,” anito. “Though, I don’t mind seeing your—” Hindi na iyon natapos ng binata nang tumama ang unan sa bibig nito. “Kung hindi mo lang ako tinulungan matagal ka ng walang bibig,” aniya rito at inirapan ito saka pumasok sa bathroom at nagbihis. Ang ganda yata ng pinag-i-stay-han ng binata. Lumabas na siya at inayos ang sarili. “Walang dapat na makaalam na nakatulog ako rito. Kung ano man ang nangyari kagabi sa ‘tin lang iyon, okay?” wika niya. Tumango naman ito at nginitian siya nang matamis. “Saan ang daan?” “Labas ka lang, tapos may daan pakanan. Papunta iyon sa bahay niyo,” sagot nito. Tumango naman siya at walang lingong-likod na umalis. Naiwan naman si Steven na nakangiti. “Interesting,” aniya at lumabas na rin. Seryosong pumasok lamang si Bela sa loob at nakita niya ang mga kasama niyang nagtatawanan. “Bela!” ani Doding at mabilis siyang nilapitan. Natigilan naman ang mga ito at napatingin sa kaniya. Biglang parang may katahimikan. “Saan ka pumunta kagabi? Bwesit nagka-diarrhea ako, hindi ko alam kung ano ang nangyari,” dagdag ni Doding. “Bela? Saan ka ba pumunta kagabi? Hinahanap ka namin, akala namin nauna ka na umuwi kaso pagdating namin dito wala ka,” ani Sita. Ngumiti naman siya nang pilit. Hindi niya inaalis sa kaniyang mukha ang galit na eskpresiyon. “Tanungin niyo si Lucia. Mukhang may alam siya,” aniya. Kaagad na napatingin naman sila kay Lucia na tila gulat na gulat. “A-Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” anito at alanganing ngumiti. Nilapitan niya ito at sinukat ang tapang ng babae. Hindi rin naman nagpapatalo kahit alam naman niyang natatakot na ito. “Bakit? Natatakot ka?” aniya rito. “B-Bat naman ako matatakot? Ikaw ang dapat matakot. Natatakot kang malaman nila na hindi ka umuwi kagabi at sumama ka sa tatlong lalaki. Lumandi ka kagabi tapos ngayon parang ako pa ang may kasalanan,” sambit nito. Natawa naman siya nang pagak. “Talaga?” Paninigurado niya rito. Tila alanganin naman ito at napalunok. “Totoo ba ‘yan, Bela?” ani Sharon. Sa klase ng mga tingin ng mga ito ay tila hinuhusgahan na siya. “Ano sa tingin mo? Magkasabwat kayo ‘di ba?” sagot niya. Natahimik naman ito. Nagsalin ng tubig si Bela at sumimsim doon saka ibinuhos sa mukha ni Lucia. “Ay!” Galit na hinila niya ang buhok nito at basta na lang na nginudngod sa mesa. “Sa tingin mo ba hindi ko malalaman na nilagyan mo ng gamot pampalibog ang alak kagabi, ha?” asik niya rito at malakas na pinagsasampal ang mukha. Nagsinghapan naman ang mga kasama niya. “Aray! Bitiwan mo ako! hindi ko alam ang pinagsasabi mo,” sigaw nito at nagpapasag pero hindi niya hinayaan. Kung kailangan niya balian ng kamay ay gagawin niya. “Talagang magsisinungaling ka pa ha? Huling-huli ka na sa sarili mong bibig. Paano mo nalaman na tatlong lalaki iyon ha?” singhal niya rito. “A-Aray! S-Sita!” anito at tila hihingi pa ng tulong. Hindi naman pumalag si Sita nang panlakihan niya ito ng mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD