Chapter 32

4091 Words
Ilang beses na huminga nang malalim si Bela bago pumasok na sa loob ng mansion ni Long at ngumiti. “Happy birthday,” bati niya rito at ibinigay ang kaniyang regalo. “Salamat darling,” wika nito at kita ang tuwa sa mukha. Marami itong bisita at mahigpit din ang seguridad sa paligid. Nakita niya si Stefano sa gilid na tila tumitiyempo na. Nakasuot na rin ng pang-security si Mando sa labas. Nakapuslit na rin si Lin at sumama sa mga usherettes. Si Stella naman ay nasa paligid na rin at nagmamasid. Usapan nila na kikilos sila pagsimula ng kanta ng happy birthday nang sa ganoon ay hindi mahahalata ng iba. Nandito ang ex-wife ni Long at hindi rin siya puwedeng magpakita at baka awayin siya nito. “Darling, huwag kang magalit ha. Ayaw ko lang ikaw awayin na naman. Kota ka na away ni, Ying An. Mahilig pahiya mama niya. Ayaw ko ikaw damay,” saad nito. Kunwari ay nawala naman siya sa mood. “Ikaw ‘wag alala, bigyan kita malami allowance pagkatapos,” nakangiting wika nito. “Ayaw ko rito, alam ko ang mga tingin nila. Hinuhusgahan nila ako. Mamaya na lang ako lalabas kapag kakantahan ka na ng happy birthday,” saad niya rito. Huminga naman nang malalim si Long at tumango. “Mr. Long? Tinatawag na po kayo sa labas,” wika ng usherette. Tumango naman ito at alanganin pa siyang iwan. Lumabas na nga ito at nagsimulang magsalita ang emcee nito. Mabilis na pumuslit naman siya sa second floor at sinenyasan si Lin na nasa gilid lang. Mabilis ang kilos na pinihit niya ang pinto nang hindi iyon mabuksan. Nagtinginan silang dalawa. “Ako na,” wika ni Lin. Tumango naman siya at napatingin-tingin sa paligid. “Tago ka,” mabilis niyang wika kay Lin. Pagdaan ng lalaki ay mabilis na hinila niya ito at binali ang leeg. Natulala naman saglit si Lin sa kaniya. “What? Bilisan mo na. Malapit ng mag alas-dose, kailangan makaalis na kayo,” aniya rito. Tumango naman ito. Pakiramdam ni Bela ay lalabas ang puso niya sa sobrang kaba. Hinahabol nila ang oras. Ilang sandali pa ay bumukas na iyon. Hinila nilang dalawa ang lalaki papasok sa loob at ini-lock ang pinto. Mabilis na tiningnan nila lahat ng drawers. Maraming records. “Kunin mo na lahat,” aniya kay Lin. Tumango naman ito at inilagay iyon sa iisang folder. Hinanap niya ang vault at nagsimula na ang kantahan sa baba. Natigilan siya nang makita ang gilid ng kama. Itinaas niya ang bed sheet at nandoon nga. Kailangan ng code. “Saglit lang,” wika ni Lin. Tiningnan naman niya ito. “Check ko muna, baka may alarm,” sambit nito. Tumango naman siya at hinayaan ito. Nagtinginan silang dalawa nang makitang meron nga. Mabilis na pinutol ni Lin ang iilang wires at nang okay na nga ay binugahan niya ng powder ang lock. Maingat na pinindot bawat numero. Kapwa nakahinga nang maluwag nang bumukas iyon. “Hoy!” Napalingon sila at nakita ang dalawang lalaki. Bumunot ng baril ang isa kaya mabilis niyang natulak padapa si Lin. “Kunin mo na lahat at umalis ka na, bilis,” aniya rito. Kinuha niya ang baril na nakatago sa beywang niya at pinaputukan ito pabalik. Mabuti na lamang at malakas ang tugotog sa baba at sumabay pa ang fireworks kaya hindi nahalata. Tinamaan sa ulo ang isang lalaki at tumatawag pa ng back up ang isa. Bago pa man ito makapagsalita ay naapakan na niya ang leeg at inasinta ang noo. “B-Bela,” wika ni Lin. Tila gulat na gulat sa nasaksihan. “Nakuha mo na ba lahat?” tanong niya rito. Tumango naman ito. “Tara na,” aya niya rito at hinila na ito palabas. “Sana nasa labas na sila,” mahinang aniya. Dumaan sila sa kusina nang mabangga nila ang isang guest. “What are you two doing?” tanong nito. Ngumiti naman si Bela at nilapitan ito saka walang pasabing hinampas ang leeg. “What did you do?” tarantang tanong ni Lin sa kaniya. “Akala ko ba pulis ka?” aniya rito. “Hindi ako mamamatay tao. Ang dali mo lang na pinatay,” sambit nito. “Buhay pa iyon,” sagot niya. Dumaan sila sa gilid at dumeritso sa likod. Naaninag niya sa hindi kalayuan si Mando. Katabi si Stella at Aquila. Napangiti naman siya at nawala iyon nang makita ang limang lalaki na nakangiti ngayon sa kanilang harapan. “Akala niyo ba makakaalis kayo? Alam na ni, Mr. Long ang ginawa mo,” saad nito. “s**t!” “Boss! Takbo.” Rinig niyang sigaw ng tauhan niya sa gilid. Mabilis na sinipa niya sa mukha ang lalaki at inagaw ang baril nito saka idinampi sa tiyan nito ang baril at inubos ang lamang bala. “Takbo na,” mabilis niyang saad kay Lin. Tumakbo naman ito papunta kina Mando. Nang humandusay ang lima ay napatingin siya sa mga tauhan niya. “Sabihin mo sa kanila magkita tayo mamaya sa dalampasigan. Huwag kayong pumayag na mamatay. Papatayin ko kayo ulit,” banta niya rito. “Copy boss,” sagot nito. “Puntahan niyo si Stefano,” aniya rito. Umalis naman ang mga ito. Sinundan niya si Lin at nang makalapit kay Mando ay tiningnan ang dalagang si Aquila. “Umalis na kayo, bilisan niyo. Huwag na huwag kayong bumalik dito. Kung makauwi man kami o hindi huwag na kayong bumalik. Tuloy ang napag-usapan,” aniya kay Mando. “Bela,” ani Lin. “Sige na, kailangan ako ni, Stefano sa loob,” aniya. Tumango naman si Mando at umalis na sila. Naiwan silang dalawa ni Stella. “Nasaan ang baril ko?” tanong niya rito. “Nandito,” anito at kinuha ang bag sa ilalim ng mga dayami. Mabilis ang kilos na bumalik sila. Hinubad niya ang suot na damit at tanging sleeveless na itim na lang ang suot niya at shorts. “Protektahan mo ang mga kasama natin. Hahanapin ko lang si Stefano,” wika niya. Tumango naman ito. Pagbalik nga niya ay nagkagulo na ang lahat. Hinahanap ng mata niya si Stefano. Palitan ng putok ng baril at hindi na magkamayaw ang mga bisita ni Long. Nagtago siya sa gilid nang marinig ang pagtunog ng microphone. Sobrang sakit nu’n sa taenga. “Belinda? Darling? Alam kong nakikinig ka. Magpakita ka na. Baka mapatawad pa kita. Hindi mo naman ako kailangang pagnakawan eh. Lahat naman ibibigay ko sa ‘yo. Lumabas ka na,” wika nito. Saka lang siya natigilan nang deri-deritso ang pagsasalita nito. Tama nga siya nagkukunwari lang ito. “Belinda? Or should I say Bela Rasgild?” anito at humalakhak. “Kung gusto mong mabawi ang asawa mo, baka naman gusto mong magpakita,” anito. Naikuyom niya ang kaniyang kamao. Nasa dilim lang siya at kinakalkula ang dapat na gawin. Hawak nito ang asawa niya at may dalawang lalaking nakahawak at nakatuon ang baril sa ulo nito. Mukhang nabugbog pa nga dahil maraming pasa. “Huwag kang magpakita, Bela. Hayaan mo siyang mapagod,” wika ni Stefano at nakuha pang ngumiti. Napapikit siya nang marinig ang ungol nito dahil sa sakit. Tinamaan lang naman ang tiyan nito ng knuckle bar na suot ni Long. “Bibilang lang ako ng tatlo, darling. Isa,” anito at tumawa. “Dalawa...” “Iyang pagbibilang mo kung binaril mo na lang ako kaagad para na— ugh!” “Tat—” Lumabas naman siya at naglakad papunta sa gitna. Napapalibutan siya ng mga tauhan ni Long. Hindi niya nakita ang mga ka-cosa niya kaya nag-iilusyon na lang siya na nasa paligid ang mga ito at nakikinig sa mando ni Stella. Tuwang-tuwa naman si Long nang makita siya. “My, my, tama nga ako. Ikaw nga si Bela Rasgild,” sambit nito. “Alam mo, pero hinayaan mo?” untag ng anak nitong si Ying An. Galit na galit. “Una pa lang, duda na akong siya si Bela Rasgild. Sino ba ang hindi magdududa eh kabago-bago pa lang dito si Aladdin na agad ang pinatay,” sagot nito. Ngumiti naman si Bela. “Akala ko habang buhay ka ng bobo,” sagot niya. Nawala naman ang ngiti sa mukha nito. “Masiyadong matalim ang tabas ng dila mo,” komento nito. “Nasugatan ka ba? Dahil kung hindi ang tibay mo naman,” aniya. Nilapitan niya ang isang tauhan nito at hiningan ng sigarilyo. Sinindihan pa iyon ng tauhan ni Long na nanginginig ang mga kamay. Tinanguhan naman niya ito. “My love, that’s dangerous to your health. Akala ko tumigil ka na,” wika ni Stefano na nasa itaas ng stage. Napaikot naman niya ang kaniyang mata. “Minsan lang,” sagot niya at bumuga ng usok. Kumalma naman ang nerves niya dahil doon. “Mukhang kailangan niyo talaga ng mahabang usapan ngayon dahil dito na magtatapos ang buhay niyong dalawa,” sambit ni Ying An. “Grim reaper ka ba para magsalita nang ganiyan?” asik niya rito. “Aba’t—” Akmang bubunot ito ng baril nang pigilan ni Long. Napangiti naman si Bela. “Huwag kang padalos-dalos,” wika ng ama niya. Natawa naman si Bela. “Ganiyan nga, siguro naman alam mong hindi ako pupunta rito nang mag-isa,” sambit niya. Kumunot naman ang noo ni Long. “Sa tingin mo ba ganiyan na ako kabobo?” sagot nito. “Aba malay ko,” aniya. “Punyeta ka talagang babae ka!” singhal nito. “Walang pagsisidlan ang kapunyetahan ko,” sagot niya rito. “Hayaan niyo na kasi akong patayin siya,” gigil na wika ni Ying An. “Istupida!” singhal nito sa anak niya. Natahimik naman ito sa gilid. “Pinasok mo ang teritoryo namin. Ano sa tingin mo hahayaan kita? Kinidnap mo pa ang asawa ko, swerte mo naman kung papalampasin kita,” dagdag niya pa. “Ano ang kailangan mo?” tanong nito. “Hindi lang asawa ko, kung hindi buhay mo,” sagot niya. Humalakhak naman ito. “Arogante! Baka nakakalimutan mong nasa teritoryo kita,” galit nitong wika. “Ikaw ang nagsimula ng gulong ‘to, tatapusin ko lang,” aniya rito. Nagmamadaling nilapitan ng isang tauhan nito ang mag-ama at parehong gulat na gulat. “What?” Napangiti naman si Bela. “Ang hina naman pala ng tauhan mo eh. Ngayon mo lang ba nalaman na wala na ang mga dokumento mo? Wala na rin ang kapatid ni, Stefano na si Aquila?” aniya at tumawa. “Bwesit!” galit na wika ni Ying An at mabilis na bumunot ng baril at binaril siya. Subalit iba ang naging reaksiyon. Tila ito pa ang nagulat sa ginawa. Hindi natinag si Bela at naninigarilyo pa rin habang nakatingin sa kaniya. “Oops! You missed,” aniya at nakangiting itinapon ang Granada sa stage. “Talon!” sigaw niya kay Stefano. “f**k!” mura nito sa sobrang gulat. Mabilis na nagsitakbuhan naman ang mga ito palayo. Napapikit na lamang siya sa lakas ng pagsabog. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng pandinig. Hinanap niya si Stefano at napahinga nang maluwag nang marinig ang palitan ng putok. Nakita niya rin si Stella na papunta sa kanila. Nilapitan niya ang asawa at inalalayan itong makatayo. Tila wala pa ito sa sarili. Dahil siguro sa lakas ng pagsabog. “Tang-ina naman, Bela. May galit ka yata sa ’kin eh. Papatayin mo ako,” reklamo nito. “Wala na akong choice,” aniya at hinila na ito papunta sa gilid at nagtago. “May baril ka?” tanong niya rito. Umiling naman ito. “Okay,” saad niya at walang pasabing lumabas saka nakipagbarilan sa mga tauhan ni Long. Bumalik ito at binigyan siya ng shotgun. “Pagtiyagaan mo muna,” wika niya sa asawa. Tumango naman ito. “Nasa loob ang ibang kasama natin, kailangan nilang lumabas para mapasabog na ni, Lucien ang bomba,” sambit ni Stefano. “Tinaniman niyo ‘to ng bomba?” tanong niya. Tumango naman ang asawa niya. “Dapa!” Sabay silang dumapa nang paulanan sila ng bala. “Umaalis si Long!” sigaw ni Stella sa unahan. Napatingin siya sa daan nang makita ang mga sasakyan na papunta sa mansion. “Damn it!” mura ni Stefano. Dumami ang mga tauhan nito. “Lintik na matandang iyon. Kapag naabutan ko iyon pag-uumpugin ko sila ng anak niya,” inis na wika ni Bela at pumasok sa loob ng mansion. “Sabihan mo ang mga kasamahan natin na lumabas. Ilang minuto na lang sasabog na ang bomba,” aniya rito. Tumango naman si Stella. Napamura siya nang maramdaman ang hapdi sa kaniyang tagiliran. “May tama ka,” nag-aalalang wika ni Stefano. “Daplis lang,” sagot niya at tinalian iyon ng tela para tigilan ang pagdugo. “Labas na!” sigaw niya nang makapasok ang mga tauhan ni Long. “Takbo!” sigaw ni Stefano at nagtakbuhan sila sa kabilang daan at ilang segundo nga lang ay ramdam ni Bela na tumilapon siya. “Ugh!” Nanilim na ang kaniyang paningin at nagising lang dahil sa tunog ng patrol ng mga pulis. Mabilis siyang napabangon at napaigik nang maramdaman ang kirot sa bandang tagiliran. “Bela!” Napangiti siya nang makita ang asawa niya. Niyakap niya ito nang mahigpit at napatingin sa kaniyang mga kasamahan na nasa ilalim ng puno at nagpapahinga. Kagaya niya ay pagod na pagod na rin at halatang may mga iniinda. “Namatayan tayo ng isa,” mahinang wika ni Stella. Natigilan naman si Bela at napahinga nang malalim. Nakagat niya ang kaniyang labi para pigilan ang sarili na lumuha. Napasinghot siya at napahilamos. “It’s okay, it’s okay, you did your best,” mahinahong saad ni Stefano. Ngayon niya lang nakitang umiiyak ang asawa niya. Kita niyang nasaktan talaga ito. “Kawawa naman,” aniya at napasinghot. “Kinuha na ng mga pulis ang ibang tauhan ni, Long. Hindi na tayo natunton dito. Kailangan lang nating maghintay mamaya na may mag-rescue sa ‘tin. Wala na akong matawagan eh. Mga tauhan ni, Stefano wala ring mga cellphone,” sambit ni Stella. Sinamaan naman ito ng tingin ni Bela. “Bakit?” takang tanong nito. “Imudmod mo na lang kaya ‘yang s**o mo,” reklamo niya rito. Natawa naman si Stella. “Naku! Magpasalamat ka na lang. Ito na nga lang ang nagbibigay lakas sa mga ka-cosa natin,” sagot nito. Natawa naman siya rito at napailing. “Tara na,” aniya. Tumayo na siya at umalis na papuntang dalampasigan. Tirik na tirik na ang araw. Umaasa siyang balikan sila ni Mando. Umaasa rin siyang nagtagumpay sila Mando na nakaalis. “Wala ba kayong pagkain diyan?” tanong ni Stella sa mga kasamahan nila. Umiling naman ang mga ito. “Ngayon lang yata ako nakaramdam nang labis na pagkagutom. Hindi ako magtatagal dito kung tatagal pa tayo rito,” wika ni Stella. “Nanguha na ng mga ligaw na prutas ang ibang kasama natin,” sabat ni Lucien. “G-Ganoon ba,” ani Stella at nagpa-cute pa sa binata. Napailing na lamang ang mag-asawa. Ilang sandali pa nga ay may mga dala na itong papaya. Nilantakan naman nila iyon. “Kumusta ang sugat mo?” usisa ni Stefano sa kaniya. “Okay lang, pero iyang mata mo lamog na lamog. Gusto kong matawa pero kumikirot ang sugat ko kaya huwag na lang,” sagot niya rito. Napamura naman si Stefano nang hawakan niya ang kaniyang mata. “Payag ka nu’n? Hindi mo babawian si Long? Ako hindi ako papayag. Magpapalakas ako ulit, saka ko hahanapin ang tambaluslos na ‘yon,” wika ni Bela. “Tatanggalan ko pa ng ngala-ngala ang anak niyang baliw,” dagdag niya pa. “Magpagaling muna tayo, saka ka na mag-isip nang ganiyan,” saad ni Stefano. “Oo nga, saka girl, grabe ka naman. Saludo sa tapang mo. Kung ako ang nasa posisyon mo kanina baka naihi na ako sa takot. Mantakin mo ba namang hagisan mo ng granda ang stage. Nandoon pa ang asawa mong rabe ka,” ani Stella. Halatang bilib na bilib sa kaniya. “Kamuntik pa ako roon,” sabat ni Stefano. Natawa naman si Bela sa asawa niya. Bumusangot pa ito. “Alangan namang hayaan ko silang patayin ako. Siyempre natakot ako, eh kung magpapadaig ako baka wala na tayo ngayon. Pagpipiraso-pirasohin na tayo ng mga pating sa dagat. Swerte naman nila. Kung magkamatayan man lang, ay mas mabuti na ring tayong lahat na lang,” sambit niya. Napailing na lamang si Stella. “Grabe! Ni hindi ka nga kumurap sa pagbaril sa ‘yo ni, Ying An,” wika nito. Natawa naman si Bela. “Akala mo lang ‘yon. Hindi na ako nakakurap sa sobrang gulat ko. Buti na lang hindi ako tinamaan. Dahil kung tinamaan ako paniguradong patay na ako ngayon. Naawa pa yata sa ‘kin ang Diyos at hindi ako hinayaang mamatay,” sagot niya rito. “Lakas ng kapit ng masamang damo ano,” komento ni Stefano. “Korek!” Ilang sandali pa ay may yacht na papounta sa kanilang kinaroroonan. Kumakaway sa malayo kaya napangiti si Bela. “Stefano, si Mando!” aniya rito. Napangiti naman si Stefano at nagsitayuan na sila. Pagdaong ay kaagad silang sumakay at ginamot kaagad ang kaniyang sugat. “Kumusta?” tanong ni Stefano kay Mando. Nakangiting nilapitan naman siya ni Mando at niyakap nang mahigpit. Umiiyak pa ito sa tuwa. “Makakauwi na ako mamaya,” wika nito. “Ibinigay na sa ‘kin ang passport ko,” dagdag nito. “Maraming salamat sa inyong dalawa at sa mga kasamahan niyo. Ngayon ko lang napagtanto na hindi lahat ng masama ay talagang masama. Nagkakalabuan lang dahil sa magkaibang adhikain. Tatanawin kong utang na loob itong pagtulong niyo sa ‘kin,” saad ni Mando. Napangiti naman si Bela at hinayaan na ang magkaibigan na mag-usap. Umupo lang siya sa gilid at nakatingin sa malayo. “Ang lalim ng iniisip mo,” wika ni Stella. Napalingon siya rito at tumango. “Buti naman at nagbihis ka na,” aniya rito. “Alam ko naman kasing magagalit ka na naman,” sagot nito at tumabi sa kaniya. “Ano pala nag iniisip mo?” usisa nito. “Iniisip ko kung ano ang gagawin ko sa mag-amang ‘yon kapag gumaling na ako,” sagot niya. “Ano ka ba? Mamaya mo na problemahin ‘yan,” saway nito sa kaniya. “Hindi ko mapigilan eh. Gigil na gigil ako eh. Pinahiya ako ng bwesit na Ying An na ‘yon. Hindi ako maka-get over. Paano kung natiyempuhan ang puso ko o ang ulo ko? Paano kung napatay niya ako?” asik niya rito. “Girl, buhay ka nga. Hindi ka namatay,” giit ni Stella. “Saka ang cool mo nga kanina eh. Grabe! lalo akong napahanga. Hindi na ako nagtaka kung bakit ikaw ang pinamahan ng posiyong iyan. Nag-iisa kang babae pero parang tinalo mo pa ang ama mo sa katapangan,” wika nito. Napairap naman si Bela. “Kung makapagsalita ka para bang ang galing-galing ko. Kung magaling ako, eh ‘di sana hindi tayo nalagasan ng tao,” aniya rito. “Paniguradong masaya iyong ka-cosa natin dahil alam niyang pinaglaban mo siya,” sambit ni Stella. “Sa tingin mo?” “Oo naman,” sagot nito. “Bakit? Nakausap mo ba ang kaluluwa niya?” asik niya rito. Natigilan naman si Stella. Kaya minsan ayaw niyang kinakausap itong si Bela dahil sa bibig nitong walang preno. Ang galing mangbara. “Tsk,” ani Bela at kumain na lamang ng chips. Pagdating nila sa daungan ay saka naman nila na-contact ang mga kasamahan nila. Umalis na sila ni Stella pabalik sa bansa. Naiwan sila ni Stefano at dumeritso sila sa shelter kung nasaan si Lin at Aquila. Kita niyang tila kinakabahan ang asawa. “Okay ka lang?” tanong niya rito. “Kinakabahan ako, paano kung magalit siya sa ‘kin?” sagot ni Stefano. “Galitin mo lalo,” ani Bela. “Ha?” “Biro lang, ano ka ba? Siguro naman may dahilan siya kaya siya sumama,” sagot ni Bela. “Baka all this time, hinihintay lang niya na balikan mo siya,” saad ni Bela. “Sana nga,” sagot ni Stefano at binuksan ang pinto. Pumasok na sila at napalunok si Stefano nang makita ang kaniyang kapatid. Nakatayo ito at nakatingin sa kaniya. Napakunot noo siya. Tila ba bumalik sa kaniyang alaala ang kapatid niyang bata pa nu’ng mawala sa kaniya. Bumalik ang mga alaala nila nu’ng maliit pa ito. “A-Aquila,” aniya at nanginginig ang kamay na hinaplos ang mukha nito. Tinitigan lamang siya ng dalaga at ilang sandali pa ay humagulgol ito. “Bakit ngayon mo lang ako binalikan?” saad nito at niyakap siya nang mahigpit. Umiwas naman ng tingin si Bela at naiiyak siya sa nakikitang tagpo. Hindi niya kayang makitang umiiyak ang asaw aniya at pati siya ay naiiyak na rin. “I’m sorry, I’m sorry. Patawarin mo ako Aquila kung ngayon lang ako bumalik. Ni minsan hindi ka namin nakalimutan ni, mama. Patawarin mo ako kung ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na kunin ka,” umiiyak na wika ni Stefano. Nagyakapan ang mga ito kaya iniwan na muna ni Bela. Lumabas siya at sumunod pala si Lin. Tumabi ito sa kinauupuan niya at binigyan pa siya ng bottled coffee. “Thanks,” aniya rito. “Tinutugis na ng mga police ang mag-amang iyon. Na-raid na rin ang lugar nila at gianwnag no mans land. Naraming salamat, at apsensiya ka na kung naging maldita ako sa ‘yo,” wika ni Lin. Natawa naman siya. “Na-realize mo na?”” aniya rito at tiningnan ito. Kaagad na napaiwas naman kaagad si Lin. Mukhang ayaw pang mag-abot ang kanilang tingin. “A-Ang tapang mo,” anito. “Tapos?” Huminga nang malalim si Lin saka ngumiti. “Ang laki ng pasasalamat ko sa ‘yo. Kung hindi ko nabili si Stefano noon kay, Long baka hindi pa kami nakaalis dito. Baka nga nasa kulungan na rin kami ngayon,” wika nito. “Lahat gagawin ko para sa asawa ko. Lahat-lahat, kaya huwag kang magtatangkang agawin siya sa ‘kin dahil nakita mo naman kung paano ko baliin ang leeg nila, baka matikman mo rin ‘yon. hindi mo talaga makikita ang panibagong sikat ng araw,” aniya rito. Mabilis na napailing-iling naman ito. “Inaamin ko nu’ng unang kita ko sa kaniya crush ko siya pero ngayon hindi na,” mabilis na sambit ni Lin. “Sus! Takot ka lang sa ‘kin eh,” aniya rito. “Ganoon na nga,” sagot nito. “Pero totoo ang sinasabi ko. Salamat talaga,” wika nito. “Walang anuman. Kailangan niyo pa ring mag-ingat dahil hindi pa nadadakip ang mag-ama. Ako handa ako at paghahandaan ko ang mga tang-inang iyon. Hindi pa ako nakakabawi,” aniya at gigil na naman. “Maliit lang ang mundo. Wanted na sila kahit saang sulok ng bansang ‘to. Kung tatakbo man sila roon sa bansa natin, paniguradong sobrang liit lang ng mundo niyo. Hindi iyon gagawa ng hakbang na ikapapahamak nila knowing you and Stefano,” sambit ni Lin. “How I wish nandoon nga sila. Para naman hindi ako mahirapang maghanap,” aniya. “Hindi ka ba takot pumatay? Parang ang dali lang sa ‘yong kumitil ng buhay,” tanong ni Lin. “Kayo ba sa trabaho niyo, kung alanganin na hindi kayo pumapatay?” balik tanong niya rito. “Kung wala ng choice talaga,” sagot nito. “Alangan namang buhayin ko pa kung papatayin ako? Unahan ko na. Saka FYI wala akong pinatay na inosenti. Lahat sila criminal at basura sa lipunan,” sagot niya rito. “Hindi ka ba nakokonsensiya? I mean, nakakatulog ka pa ba sa gabi?” Natahimik naman si Bela. “Kung para sa pamilya ko, ano lang ba ang pag-maintenance ng sleeping pills,” sagot niya at natawa sa sarili. “Ito na kami eh, ito na ang pamilya namin. Wala akong magagawa. Kung sa ganitong paraan okay ang buhay nila, wala akong pagsisisi. Siguro iyan ang isa sa good karma ko. Mahimbing akong nakakatulog lalo na kung isang well-known head crime syndicate ang napapatay ko,” aniya. Napanganga naman si Lin. “Maybe it’s the universe thanking me you know,” dagdag niya pa. Napalunok naman si Lin. “Huwag mo ng alamin ang buhay ko at hindi mo kakayanin,” aniya at natawa na lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD