Maaga akong pumasok kinabukasan ganito lagi pag meron akong mga orders, inaagahan ko ang pasok para naipamimigay ko na ang mga cakes bago ako mag umpisa sa trabaho at hindi ito maka abala sa trabaho ko. Ayoko naman isipin ng mga katrabaho ko na abusado ako.
Dahil sa sideline kong ito ay naging kakilala ko na halos lahat ng mga empleyado ng hotel kaya hindi na mahirap para sa akin ang pag hahatid ng mga orders dahil alam ko na kung saan dapat ko iyon dalhin.
Nasa huling box na ako ng cup cakes na ihahatid sa accounting department ito kay maam Olivia dalawang box ang kinuha niya dahil pang reregalo daw niya sa pamangkin niyang may birthday, nasa 21st floor ang accounting department pati narin ang office of the president, nasa kabilang dulo ang accounting at sa kabilang dulo naman ang opisina ng presidente ng kompanya.
Nag aantay na akong bumukas ang elevator pabalik na ako sa HR department kung saan ako nag oopisina ng tulad kahapon ng bigla nanaman akong nakaramdam na tila may pares ng mga matang naka masid sa akin. Marahan kong iginala ang aking paningin sa buong palapag ng building pero wala naman akong nakita tao. Tiningnan ko ang pambisig kung orasan labin limang menuto bago ang alas utso ibig sabihin may mangilan ngilan ng nagdadatingan na mga empleyado, pilit kung binaliwala ang nararamdaman ko.
Dali dali akong pumasok sa loob ng elevator pagkabukas nito dahil hindi nawawala ang pakiramdam ko tila may nagmamasid sa akin, kahit na pinilit kong iwaksi ang takon na pilit kong nilalabanan kanina pa. Gusto kong matawa sa isiping baka may multo doon, sa edad ko namang ito naniniwala pa ako sa multo.
Bahagya akong naka inga ng maluwag ng makita ko ang ilan kong mga katrabaho na nasa loob na ng opisina, at least hindi na ako nag iisa.
"Saan ka galing Ella kanina ka pa ba?" sinalubong ako ni Letty pagkapasok ko palang ng pintuan.
"Sa accounting ihinatid ko ang order ni maam Olivia, iniwan ko na nga lang sa table niya kasi wala pa siya." sagot ko dito habang sumasabay ito sa akin papunta sa table ko.
"Galing ka doon?" nanlaki ang mga mata nitong biglang humarap sa akin. "Di ibig sabihin nakita mo si Mr President? usap usapan kasi sa baba na maaga daw dumating si Mr. President sayang nga medyo nahuli ako ng kaunti di sana nasilayan ko nanaman ang kakisigan at kapogian niya." anito na namumungay pa ang mg mata. Ganun ba talaga ka guwapo ang bago nialng amo at halos lahat ng katrabaho nilang babae ay nagpapantasya dito? sa loob loob ko.
"Hindi... wala naman akong nakita o nakasalubong manlang," sagot ko dito "baka naman hindi pa nakakaakyat ng bumaba ako." dugtong ko pa
"Siguro nga, siya nga pala kuha akong kape magpapasabay ka ba?" tanong nito sa akin bago umalis.
"Oo sige meron din ako ilang cup cakes dito sabay na nating kainin pero tirahan lang natin si Karen alam mo namn ang isang iyon magtatampo nanaman sa akin yon pag nalaman hindi ko siya tinirahan." natatawa kong saad dito.
"Hay naku ang isang iyon talag minsan may pagka isip bata. Sige kuha lang ako kape." saka ito umalis, ipinagtabi ko nalang si Karen ng cup cake ibibigay ko nalang sa kanya ito mamaya pagdating niya sigyradong matutuwa ang isang iyon.
Hindi nagtagal ay dumating na si Letty bitbit sa dalawang kamay ang kape. Inihanda ko ang mesa ko para doon nalang kami sabay na magkape. Nang mapansin kung may nakasunod sa kanyang may bitbit na ilang folder sa kamay nito.
Dito nalang tayo sa mesa ko Letty." agad kung tinanggap ang kape na iniabot niya sa akin. "Para saan yong mga files?" dugtong kung tanong dito.
"Ah... oo nga pala yan young mga bagong aplikante na paalit kay Rita. Sarap talaga ng gawa mong cup cake." saad nito habang ngumunguya ng cup caake na gawa ko.
"Aysus nambola ka pa, masarap yan kasi libre." pareho kaming ntawa sa sinabi ko.
"Hindi ah masarap talaga."
"Hanggang kailan nalang ba si Rita dito?" tanong ko pa.
"Sabi ni maam Mel last week pa dapat ang effectivity ng resignation niya pero pinakiusapan siya ni Mr Dezler kung pwede na dito muna siya hanggat hindi pa nakakahanap ng kapalit niya. kaya nga mag conduct agad mamaya ng enterview kasi next week na ang kasal ni Rita." paliwanag nito sa akin.
"Ah ganun ba e di magiging busy ka pala ngayon."
"Ikaw anong schedule mo ngayon?" tanong nito sa akin.
"A.. magdeploy ako ngayon ng mga bagong hired. Baka mamayang mga 1pm ihahatid ko yong dalawa sa Laguna at Batanggas." sagot ko naman.
"Naku over time ka nanaman tiyak niyan."
"Malamang byahe palang namin mamaya."
Pagkatapos namin at bumalik na si Letty sa mesa niya habang ako naman ay abala narin sa sarili kung mes ng bigal akong tawagin ni maam Mel. Agad akong tumayo at sumunod sa kanya sa opisina niya.
"I want you to do the preliminary enterview for those applicants." agad nitong saad ni maam Mel at hindi na ako hinintay na makaupo at iniabot sa akin ni maam Mel ang mga files nadala dala ni Letty kanina. "Urgent yan Ella para sa secretary ni Mr President. Sayo lang ako ngtitiwala pag dating sa ganitong mga sensitibong posisyon Ella." seryoso ito habang nakatingin sa akin.
" May mga qualification ba na sinabi si Mr President para sa magiging secretary niya?" tanong ko kay maam Mel habang inaabot ang files na nas ibabaw ng mesa nito hindi narin ako nag abalang umupo.
"So far wala naman bahala ka nalang Ella I know I can count on you this."
"Sige po maam, I should go now."
"Thanks Ella, tawagan mo nalang ang reception kung may mga aplikante ng dumating para makapag umpisa ka agad maghahatid ka pa ng mga bagong tao sa Laguna at Batanggas."
"Yes maam" saka ako tumalikod at tinungo ang pinto palabas.
Tinawagan ko agad ang reception sa baba at saktong may ilan na daw na mga aplikanteng naroon. ngtingnan ko ang oras ay alas dyes medya na may isa at kalahating oras pa ako para sa pleliminary enterview. agad akong bumaba sa reception dahil sa tabi noon ay may maliit na opisina kung saan doon ginagawa ang unang enterview para sa mga aplikante.
Sa kabuoan may labing dalawang applikante ang naroon maayos naman ang mga credentials ng bawat aplikante may lima akong napili ayon sa school credential at achivements ng mga ito na naka sult sa resume ng mga ito ngunit kailangan ko munang makausap sila kung papasa ba talaga sila. Isa isa kong tiningnan ang mga kababaihang naroon hindi ko maiwasang amdisapoint sa mga nakikita ko sa kanila.
All of them are wearing a seductive clothes. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nilang magsuot ng ganito na halos wala ng itinatago sa sarili. kaysa sumakit ang ulo sa kasi wala naman akon nakikitang desente sa kanila ay pinili ko nalang pumili ng mga aplikante base sa mga ipinasa nilang resume.
Saka ko ito iniakyat kay Rita para ma enterview ng presedente ang mga aplikante.