Naalimpungatan si Gideon ng maramdaman niyang wala sa kanyang tabi si Lara. Sumulyap siya sa may gawing banyo pero wala siyang marinig na kaluskos. Bumangon siya at hinagilap ang kanyang roba saka lumabas siya ng kuwarto at sinilip ang kuwarto ng mga anak pero wala rin si Lara. Pumunta siya ng kusina at baka uminom lang ng tubig ngunit wala rin ito. Kinabahan na naman siya. Mabilis ang kanyang mga hakbang na tinungo ang attic at hindi nga siya nagkamali ng kanyang hinala. Maliwanag ang buwan at malamig ang simoy ng hangin. Nakaupo si Lara sa bubong at parang umiiyak. Napakunot-noo siya at sandaling pinagmasdan ito. Mabilis itong nagpunas ng luha ng maramdaman siya. Pagkatapos ay tumawid siya sa bintana at lumapit siya rito. “Mahal, gabing-gabi na. Why are you here?” Naupo din siya sa t

