Nangangatog ang mga tuhod ni Lara sa takot. Hindi niya alam kung ano ang unang dadamputin. “Ate Magda, anong gagawin natin?” “Bilis Lara. Lahat ng gamit mo,” tarantang wika ni Magda. Bawat madampot ay isinisilid nito sa bag. Lakad-takbo ang dalawa sa kalsada na tumitilamsik ang tubig dahil sa katitigil lang na ulan. Pumara ng taksi si Magda. “Pink Paradise, Mon ami,” mando nito sa driver. Walang kibo si Lara habang tumatakbo ang taksi. Kagat-kagat niya ang kanyang ibabang labi at kuyom ang kanyang mga palad dahil nanginginig ang mga ito. Naramdaman niya ang paghaplos sa kanyang likod ni Magda na waring pinakakalma siya. Tumigil sa tapat ng isang night club ang taxi. Alam ni Lara na strip club ang tinigilan nila dahil maraming ganito sa Paris. Pagkatapos magbayad ay inakay na siya ni

