Iniwan ako nito. Gusto ko nang umuwi ngunit nag-alala ako na ilang hakbang ko lamang ay mahilo ako. Ang hina pa rin talaga ng aking katawan. Tinawagan ko si mommy at sinabihan ko itong baka mamamyang hapon na ako makakauwi dahil may lalakarin pa kami ng aking imagination kong kaibigan. Nakakonsenya lalo na kapag rito ako nagsinungaling. Napakabait kasi na tao ni mommy kahit hindi ako nito kaano-ano noon at pinatira niya pa rin ako sa kanilang tahanan at buong lugod ako nitong tinanggap. Nakatulog ulit ako dahil sa sakit ng aking ulo. Nagising uli ako dahil sa may marahan na tinatapik ang aking pisngi. "Gising ka na hija. Mananghalian ka na atsaka uminom ng gamot. Maiiwan na kita rito ilagay mo lang ang mga pinggan sa side bed table." Tumango ako at kumain ulit ng tanghalian. Kagaya ng a

