Mga preskong luha ang aking nahawakan ng hawakan ko ang aking pisngi. Isa saaking nakaraan na ayaw kong isipan pa ngunit patuloy ko itong naalala. Ang sakit na dinanas ko sa sariling pamilya ay mararanasan ko rin pala sa kamay ng aking asawa. Ang mga taong lubos kong minamahal ang palagi akong sinasaktan. Ang mga magulang na dapat ay siyang nagbibigay at nagpaparamdam sa akin ng pagmamahal walang ibang ginawa kundi saktan ako. Kahit papano ay pinayagan na akong lumabas sa rest house. Nagsuot ako ng yellow maxi dress na may mahabang slit sa gilid. Hinahawakan ko ang aking tiyan habang naglalakad ako sa dalampasigan. Malayo-layo na rin ang aking narating at nang makakita ng restaurant ay naglakad ako papunta roon. Umupo ako sa isa sa mga table nila ilang minuto pa ako nanatiling nakaupo

