I

2041 Words
Mahinang napamura si Hunter Claridad nang makita ang pamilyar na pigura na nakatayo sa tapat ng kanyang condo. Hapit na hapit pa ang suot nitong tube mini dress na kulay pula. Black five-inch stilletos. At ang malagkit na titig nito sa kanya. Pagod na pagod siya ngayong gabing ito dahil kakagaling niya lang sa shooting ng kanyang pinakabagong teleserye at ang pinakahuling kailangan niya ay ang— "Hi, Hunter." "Carol Lim. Ano na namang ginagawa mo sa tapat ng condo ko?" inis na sabi niya. Ngumuso pa ang babae bago dinilaan ang labi nito. "Why, don't you miss me?" Nagsalubong ang kilay ng aktor. "Carol, look. Limang buwan na tayong hiwalay. Maybe it's time for you to, you know, move on. There's hundreds of men waiting for you out there, believe me." Nabahiran ng galit ang maamong mukha ni Carol. "Sinasabi mo lang 'yan para mapalayo ako, 'di ba? Kasi kating-kati ka na na lumandi na naman. For your information, Hunter, I never agreed to break up with you!" "Look, Carol. I'm just concerned of you! I know I did bad in our relationship but please, stop chasing after me. Hindi na ako babalik sa'yo. We're long over and I don't love you anymore." She scoffed, and threw him dagger stares. "This isn't over, Hunter. I'll make sure you'll crawl back to me. Tandaan mo 'yan. Kahit kailan hindi ka sasaya. Not until you come back to me. You and I... we belong together, Hunter. I'll make sure of that."  ---------------------------------------------- 'Yon ang umpisa ng kalbaryo sa buhay ng aktor. Sino ba namang mag-aakala na ang Carol na kanyang naging girlfriend noon na halos hindi makabasag ng pinggan ay magiging bangungot? He wants to swear himself right now for dating that woman for her looks only. Modelo kasi ito at nakasama niya ito sa isang photoshoot. They instantly clicked and it was a whilrwind romance. Ngayon ay tila masamang hangin na ito sa buhay niya dahil ayaw talaga siya nitong tantanan. "'Tangina naman, Hunter. Sabihan mo nga 'yang ex mo na tigilan na 'yong kakapadala ng malalaking bouquet ng rosas dito! Kapag ako nabuwisit, magre-resign ako sa pagiging PA mo at magtatayo na lang ng flower shop!" inis na sabi ni Bonnie, ang kanyang personal assistant, habang inaayos ang bouquet na ipinadala ni Carol sa kanya. Pampito na iyon sa loob ng linggong iyon. Napangiwi pa ito nang mapansin na may naka-ipit na red lace panties kasama ang mga rosas. Inihagis nito iyon sa kanya. Mabilis namang napa-iwas si Hunter. "God, Bonnie! Don't throw me that!" "Jusko, Hunter. Naloloka na ako d'yan sa Carol Lim na 'yan, ha. Naaapektuhan na ang mga offers para sa'yo. Halos lahat, umaatras dahil hina-harass daw ni Carol ang mga female lead. Baka naman sa susunod, bigla na lang 'yong pumasok sa condo mo at lasunin ka," may halong pag-aalala na sabi nito. Hindi umiimik ang aktor. Nananakit na rin ang ulo niya sa kakatawag sa dati niyang nobya. Halata na kinukuha talaga nito ang atensyon niya para lang mapilitan siyang tawagan ito. Ilang buwan na rin siyang natetengga sa bahay dahil walang projects. Puro lang mga commercials. Pero sa teleserye? Wala. Inaalat siya dahil kinakabitan siya ng malas na ang pangalan ay Carol Lim. Si Hunter ang isa sa mga pinakasikat na aktor ng kanyang henerasyon. Nag-umpisa siyang umarte noong pagka-graduate niya ng high school at para namang talagang iniadya sa kanya ang trabahong iyon dahil ang pinakauna niyang pelikula ay kaagad na nag-hit. Hanggang sa sunod-sunod ang pagdating ng mga proyekto para sa kanya. Iba't ibang direktor. Batikang mga aktor. Hanggang sa mahanay na ang pangalan niya sa mga ito. Si Hunter lang ang nagpa-meet and greet sa Philippine Arena na nag-sold out kaagad ang ticket sa loob lang ng isang oras. Siya lang din ang naging dahilan para maraming mga kabataang babae ang bumili ng notebook na may mukha niya sa cover. Ang tanging aktor na nanalo ng magkakasunod na mga parangal sa loob lang ng isang gabi. Nakapagpatayo na nga siya ng restaurant chain at mall dahil sa pag-aartista. Ang nag-iisang mukha na nagpakilig kahit na ang mga lola na uugod-ugod na. At ang nag-iisang "boyfriend ng bayan". He was deep in his fame and success until that hellish model came along, and started to turn his world upside down. "You know what, Bonnie? Huwag mo akong tanungin kung anong balak ko d'yan. Naiinis na rin ako. I can't even file a restraining order dahil hindi niya naman ako hina-harass." "Sa ngayon, hindi pa," pagdidiin ni Bonnie. "Trust me, Hunter. Kapag tumagal-tagal 'yan, titindi 'yan." Napasandal siya sa sofa. "I can't fathom why she's obsessing with me." "Hindi mo alam?" nanunuya na tanong ni Bonnie. "Tanga, ikaw kaya si Hunter Claridad. Para kang ipis. Tinitilian. Kahit na sinong babae rito sa Pilipinas makikipagpatayan mahingahan mo lang. Tapos, hindi mo pa rin alam kung bakit baliw na baliw sa'yo 'yang si Carol? Baka gusto mo bukas ipa-schedule na rin kita ng check-up. Baka naalog na 'yang utak mo at 'di na gumagana." Isa lang naman ang gusto ni Hunter. Ang mabura sa mundo niya si Carol. 'Yong tipong wala nang mangha-harass sa mga naka-one night stand niya. Wala nang sunod nang sunod kahit saan siya magpunta. Wala nang palaging maghihintay sa tapat ng condo niya para lang akitin siya. Pagod na siya sa mga laro ng babaeng iyon at matagal na niyang gusto na magkaroon naman ng bagong girlfriend. Pero paano niya ba gagawin iyon kung may ex na aali-aligid pa rin sa kanya? Kung puwede niya lang itae si Carol mula sa mga alaala niya, matagal na niyang ginawa. "Buti ka pa, Bonnie. 'Yong paghihilik lang ng asawa mo pinoproblema mo sa gabi." Inirapan siya ng kanyang assistant. "Gago! Mag-self pity ba? Mananawa rin 'yan. Basta ingat-ingat na lang at hindi natin alam kung gaano kalala 'yong tama n'yan sa'yo. Sabi nga sa kanta, 'I would do anything for love'." Tumayo siya at tiningnan ang view ng Kamaynilaan mula sa malaking glass window ng kanyang condo unit habang umiinom ng wine. Mayamaya ay sinundan siya ni Bonnie at tahimik nilang pinagmasdan ang siyudad na nagliliwanag noong gabing iyon. "s**t, Bons, 'di ko inakala na malayo ang mararating ko," mahinang sabi niya. "Sino bang mag-aakala? Parang no'ng highschool lang tayo..." His mind wandered to the days when he's still a teenager. Noong wala pang Hunter Claridad. Those good old days of him studying in Baguio, where he was born and raised by his parents. ------------------------- "Palakol na naman? Anak ng teteng, Hunter! Hindi nagpapakahirap ang tatay mo sa ibang bansa para lang may maipambulakbol ka!" Sumimangot lang siya habang pinapakinggan ang lintanya ng kanyang ina. Late na siya sa kitaan nilang magbabarkada. Balak kasi ng mga ito na manood ng pelikula sa mall pero pihado niya na iniwan na siya ng mga iyon sa tagal niya. "Bakit hindi mo gayahin 'yong anak ng mga Ortiz d'yan sa kabilang bahay? Matalino! Masipag pa! Nag-aaral! Naku, Hunter! Wala kang mararating n'yan kung puro ka bulakbol!" "E mama, mahirap nga kasi 'yang subject na 'yan. Dehins pa nagtuturo si Ma'am. Kapag naman nagtatanong ako, 'di ako pinapansin," pagpapaawa niya. Ngunit hindi na iyon epektibo sa kanyang ina. Kabisadong-kabisado na siya nito siguro ay dahil na rin sa ilang beses na siyang may ibinagsak na asignatura. Ang mariin na pagpingot nito sa tainga niya ang dahilan para mapatayo si Hunter sa kanyang kinauupuan. Napangiwi siya nang makita na nakatanaw mula sa kabilang bahay ang anak ng mga Ortiz na tinutukoy ng kanyang ina. "Mama, masakit!" "Hangga't 'di ka nagtatanda, hindi ko tatantanan 'yang tainga mo!" Mas lalo siyang napangiwi nang mapansin ang pagpipigil ng tawa ng anak ng kapitbahay nila. Kumaway pa ito sa kanyang ina bago pumasok sa loob ng bahay nito. Habang siya naman, kinaladkad ng kanyang ina papasok sa loob ng kanyang sariling silid. Solong anak si Hunter. Kaya naman lahat ng luho ay ibinibigay sa kanya. Ngunit kaakibat niyon ay ang malaking ekspektasyon sa kanya ng kanyang mga magulang. Napabuntong-hininga na lang siya nang mapagtanto na grounded na naman siya sa loob ng isang linggo. Hindi niya naman kayang takasan ang kanyang ina dahil marami itong amiga sa kanilang maliit na bayan sa Baguio na maaaring magsumbong dito kung sakali mang nakita siya ng mga ito na nagka-cutting classes. Sa pagkaburyong ay napagdesisyunan niya na mahiga na lang muna. Ngunit eksakto na pagdaan niya sa tapat ng bintana ng kanyang kuwarto ay napansin niya na nakaupo rin sa tapat ng bintana nito ang anak ng mga Ortiz. Kakalipat lang ng mga ito sa katabing bahay nila noong nakaraang buwan kaya naman hindi niya kilala ang dalagitang iyon. Isa pa, may sarili siyang mundo at wala siyang oras na makipagkilala kung kani-kanino. Dahil walang magawa sa buhay niya ay nakaisip siya ng gagawin. Kumuha siya ng maliit na bato at pinatamaan ang bintana ng dalagita gamit ang tirador niya para pukawin ang atensyon ng dalagita. Nang tumama iyon sa bintana ay napatingin ang dalagita sa kanya. Kumuha ito ng bond paper at pentel pen at may isinulat doon bago ipinakita sa kanya. "Anong kailangan mo?" Natatawa niyang kinuha ang bag niya at naglabas din ng papel at pentel pen. "Anong pangalan mo?" Napansin niya ang bahagyang pamumula ng pisngi nito nang makita ang kanyang mensahe. Magsusulat sana ito ngunit biglang nag-sink-in sa utak nito na maliit lang naman ang pagitan sa kanilang mga bahay at tiyak na magkakarinigan sila. Binuksan nito ang bintana at sinenyasan siya na gayahin ito. "Maria Soraya. 'Yon ang pangalan ko." "Pfft, pang-tanders, a," komento niya. "Ako nga pala si Hunter." Tumikhim ito bago nagsalita ulit. "Anong... ano palang kailangan mo?" Nagkibit-balikat siya. "Wala lang. Wala lang akong makausap." Nagpigil pa ito ng tawa bago nagsalita ulit. "Grounded ka, 'di ba?" "Tsismosa ka rin e, 'no?" Inirapan siya nito. "Haler, rinig na rinig kaya ang boses ni Mrs. Claridad hanggang sa loob ng bahay namin. " Lumabi siya. "May binagsak na naman kasi akong subject, e." "Ano namang subject 'yon?" "Values Education." Hindi na napigilan ng kausap ang tawa nito. Nagsalubong ang kilay ni Hunter nang makita niya na halos mamula na sa kakatawa ang kausap. "Hoy, para lang sa kaalaman mo, hindi nagtuturo 'yong teacher namin do'n, 'no! Tapos nambabagsak pa!" "Grabe, siguro may puwesto ka na sa impyerno kaya pati Values Ed binabagsak mo." Binelatan niya ito bago dumiretso ng pagkakaupo. "At saka, ayoko naman talagang mag-aral." "Bakit naman?" "Gusto kong magpunta sa Manila." Kumunot ang noo nito. "Ano namang gagawin mo do'n?" "Mag-aartista." Mas lalong nagsalubong ang kilay niya nang mas lalong lumakas ang tawa ng kausap. Parang hindi makapaniwala sa trip niya sa buhay. "Hala, hindi bagay sa'yo," buska nito sa kanya. "For your information, manang, kasama ako sa drama club sa school namin, 'no! At saka, ampogi ko kaya." Iiling-iling lang ang dalagita habang pinapanood siya na magpa-pogi at ibalandra ang kaguwapuhan niya rito. "Schoolmates tayo," maikling sabi nito. "Talaga? Anong section ka?" "1st year, section Saint Mary. Ikaw?" "Saint Joseph." Nanlaki ang mga mata nito. "E magkatabi lang ang classrooms natin, e! Tapos magkapitbahay pa tayo. Bakit hindi mo ako kilala?" "Bakit, famous ka ba?" Nagulat siya nang batuhin siya nito ng ballpen. Mabilis siyang naka-iwas ngunit dahil sa distansiya sa pagitan ng kanilang mga bintana ay nakapasok iyon sa loob ng kanyang kuwarto. Pinulot niya iyon. May sasabihin pa sana ang kausap ngunit naririnig na niya ang pagtawag ng ama nito mula sa loob ng bahay. Mabilis nitong isinara ang bintana at kurtina matapos siyang tapunan ng tingin. Napahiga na lang si Hunter sa kanyang kama habang tinitingnan ang gel pen na kulay pink. May nakasulat na pangalan sa gilid niyon. Bahagya siyang napangisi nang basahin iyon. "Maya. Maya Ortiz..." Tumayo siya. Hinila ang karton sa ilalim ng kanyang higaan kung saan nakatabi ang mga laruan niya noong bata pa siya. Sa paghahalungkat ay nahanap niya ang teleponong lata niya na ginawa pa ng kanyang ama. Iyong may lata sa magkabilang dulo ng tali kung saan maaari silang magkarinigan ng kausap niya na hindi kinakailangan na makipagsigawan. Imbes na mahiga ulit ay naupo siya sa tabi ng bintana at hinintay na buksan ulit ng anak ng mga Ortiz ang bintana ng kuwarto nito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD