Saymetri's Pov
Napabalikwas ako ng bangon at mabilis na iminulat ang aking mata ng may makapa akong malambot na bagay sa 'king tabi.
I smile immediately and grab the familiar teddy that was now placed beside me.
Mas lalo pang lumapad ang ngising 'yon ng mapagtanto na binalikan 'yon ni Barrette sa airport kahapon pagkatapos n'ya 'kong ihatid dito.
He isn't that insensitive and annoying as I thought that he is. Mukhang may tinatago naman pala s'yang bait at konsiderasyon sa katawan kahit papaano.
Isang beses pa 'kong bumuntong hininga bago ko ibinalik sa higaan 'yong teddy bear saka tuluyang tumayo sa higaan at naglakad papunta sa binta.
Kaagad na sumambulat sa 'kin ang liwanag nang papasikat ng araw nang hawiin ko ang kulay puting kurtinang tumatabon sa bintana ng kwarto.
I watch the how the sun rise mightily with a sweet smile pasted on my lip.
"Good morning, Turin. Good morning, Aram." I whispered to myself that made the smile go vanished from my lip.
Namimiss ko na kaagad si Aram. Hindi ako sanay na hindi ko s'ya makikita t'wing umaga para batiin ako.
Nabali ang mumunti kong pag-iisip nang marinig ko ang dalawang beses na pagkatok mula sa pintuan.
I stride towards the door and open it only to be welcome by Barrette's poker face. Nakatupi ang braso n'ya sa ibabaw ng kanyang dibdib at walang kagana-gana n'ya 'kong hinagod ng tingin.
I saw him smirk. My eyes widen as soon as I realize that I am not wearing a bra. Bakat ang dibdib ko!
Ipinagkrus ko kaagad ang braso ko sa 'king dibdib at sinamaan s'ya ng tingin.
"Pervert!" I scoffed and give him dagger look.
He stare at me with amusement for a moment before he licked his lower lip.
"Sinabi ko na sa'yo kagabi. Hindi ako interesado sa mga babaeng may pang-high school na katawan." Halos pumutok na ang ugat ko sa leeg dahil sa sinabi n'ya. Binabawi ko na 'yong sinabi ko kanina. Hindi s'ya mabait. Nakakainis talaga s'ya.
I just hope that they'll be able to find who the culprit is or I'll die because of this jerk!
"Excuse me! Hindi panghigh schooler ang katawan ko! Aram even told me that I have a body everyone would want to have." Muli s'yang nagpakawala ng judgmental na ngising nagpatindi lang ng inis ko sa kanya.
"Maybe he mean every high schooler would want to have. Ikaw pa lang ang nakilala kong babae na nasa mid twenties n'ya na pero wala pa ring dibdib." He said.
"Argh! Annoying piece of jerk! Stay the hell away from me." I spat and was about to close the door when he effortlessly put his hand on it and stop it so. Buong lakas ko nang itinutulak 'yong pinto pero wala pa ring epekto kahit isang kamay lang ang gamit n'ya para mapigilan ako mula sa pagsara nun.
"Ano ba?! — May nakahandang damit d'yan, nasa may couch 'yon. Take a bath then come out afterwards. May pupuntahan tayo." Inalis ko ang kamay ko sa may pintuan at ako naman ang namewang sa kanya.
"Tinatamad ako, I don't feel like going out today." Napatili na lang ako at sunod-sunod na pinagpapalo ang matikas n'yang likuran ng pabalang n'ya lang akong binuhat at isinabit sa balikat n'ya na para bang sako ng patatas.
"Ayoko nga sabi."
He put me down on the shower and open it without a warning. Nanuot kaagad ang lamig na dulot ng tubig sa bawat himaymay ng katawan ko dahilan para gumawa ako ng orasyon sa utak ko.
Nanlilisik ang mga matang tinitigan ko s'ya. "Damn you!" Mabilis kong naitakip ang aking palad sa 'king bibig. Goodness!
He only smirked at that and left the bathroom afterwards.
Basang-basa na 'ko kaya kahit wala man akong balak na maligo at sunduin s'ya para inisin s'ya lalo ay wala na 'kong ibang nagawa pa kung hindi ang maligo na lang.
Muli akong huminga ng malalim saka 'yon pinakawalan saka pinakatitigan ang isang pares ng faded jean, puting sneakers at kulay puting plain v-neck na t-shirt.
Pakiramdam ko talaga sinasadya ni Barrette ang lahat ng 'to. Insulto ng sobra sa pagkatao ko ang pasuotin n'ya 'ko ng gan'to. Kahit nga ang mga taga-pagsilbi namin sa palasyo ay hindi nagsusuot ng gantong klaseng damit sa t'wing araw nila ng pahinga. Tapos ako, na isang tagapagmana ng trono, ang magiging reyna ng Turin ay magsusuot ng gan'tong uri ng mga damit?
"How cheap of him! Wala man lang fashion sense ang isang 'yon!" No matter how much I vent out my frustration because of this clothing. I was left with no choice but to wear those in the end.
Miski blower para tuyuin ang buhok ko'y wala rin kaya nagtyaga ako sa pagpapatuyo no'n gamit lang ang towel. This is too much for me to handle.
I cleared my throat and seated myself on his dinning. Nakatalikod s'ya mula sa kwadrado at babasagin n'yang lamesa. Mukhang nagluluto ata s'ya. Wala sa sariling napalunok ako nang sunod-sunod.
He's body and presence is too much for kitchen works. He look out of place but hot at the same time.
Mariin akong napapikit dahil sa kaisipan na 'yon. No one in here is hot and good-looking, only an annoying creature named Barrette Thadeo Y. Montefiore.
"Akala ko nalunod ka na sa bathroom, alam mo bang halos isa't kalahating oras kang naligo?" Tanong n'ya habang inilalapag ang french toast, bacon at itlog sa ibabaw ng lamesa.
Mabilis na nagtubig ang panga ko ng dahil doon.
"It's a girl thing you wouldn't understand, palibhasa wisik wisik ka lang ata kapag naliligo." Paratang ko sa kanya. Nagkibit balikat lang s'ya saka sumimsim sa kapeng kakatapos n'ya lang rin timplahin bago s'ya naupo.
Ilang minuto kaming nabalot ng katahimikan pagkatapos noon at seryoso na lang na kumain ng agahan. Silent is much better for the both of us.
"Nakapunta ka na ba sa mall?" Bigla n'yang tanong. Tapos na s'yang kumain at natigil rin ako sa gagawin kong pagkagat sa natitira kong french toast para sagutin s'ya ng maayos.
"No, I don't have time to visit places like that before. Mas'yadong full ang schedule ko sa maghapon noong nasa Turin pa 'ko." I mumbled and munch on the last bite of my bread. Hindi kaagad s'ya umimik kaya naman napalingon ako sa kanya.
"I've never been into amusement park, I was home schooled. I don't have friends besides. Zeid and her younger sister Savannah. Umiikot ang buhay ko sa loob ng dalawampu't anim na taon sa apat na sulok ng palasyo." Pagpapatuloy ko pa at nagkibit balikat lang. Wala rin talaga akong time na isipin kung anong klaseng buhay ang mayroon ako sa Turin kaya ngayong naiisip ko na 'yon, ang lungkot pala ng buhay ko, ang boring at limitado ang bawat kilos ko.
"P'wede kitang dalhin sa amusement park pagkatapos natin mamili ng mga gamit mo at stock para dito sa condo." Sabi n'yang pumukaw sa buong atensyon ko. Mabilis na kumurba sa isang malapad na ngiti ang labi ko.
"Talaga? I mean, can we do that?" I asked with so much hope.
"Uhuh, if you'd be a good girl then why not?" Sambit n'ya saka tumayo at naglakad papunta sa ref para kumuha ng tubig.
"Eh si Aram, hindi ka ba n'ya dinadala sa amusement spark o kahit saan na mailalayo ka sa proximity ng palasyo n'yo?" Pahabol na tanong n'ya pa habang bahagyang nakahilig sa pintuan ng ref. Bigla ko tuloy naalala 'yong isang beses na niyaya ko si Aram na tumakas sa palasyo para mamasyal kami sa labas.
Hindi s'ya pumayag. Ayaw n'ya raw kasi na magalit sa 'kin ang mga kamahalan kapag nalaman nila ang tungkol do'n.
Alam ko naman na kapakanan ko lang rin ang iniisip n'ya noon pero hindi ko ikakaila na nagtampo ako sa kanya noon.
Even the prim and proper woman like me wishes to meet someone who's bad enough to break the royal rules for me. Kaso mukhang hindi si Aram ang tipo ng lalaki na gagawin 'yon.
"Don't worry if only you'd be nice I can let you experience things you cannot do back there, sa bansang 'to hindi kasi Saymetri Dolciani na tagapagmana sa trono ng Turin. P'wede kang magpakatotoo dito at magkamali." He mumbled and flashes a genuine smile for me for the first time since we met.
"I like the sound of that, isang normal na Saymetri." Ngumiti s'ya sa 'kin muli bago n'ya inilagay sa lababo ang mga pinagkainan namin.
"Shall we?" Napatingin ako sa kamay n'yang nakalahad sa harapan ko. From this moment, I want to break those rules that the palace set for me.
Tinanggap ko ang kamay n'ya at nginitian s'ya pabalik.