Chapter Six Magkahiwalay na natulog sina Regiena at Jelor kahit na maliit lang ang bahay nila Rosa. Pagkagising ay hindi pa rin niya ito pinapansin. "Roland naman pagbutihan mo na muna ang paghahanap ng trabaho. Mangungupahan na muna tayo kapag may trabaho ka na. Ayoko na talagang tumira dito lalo pa't kinalaban natin sina Jomel." Bilin ni Rosa sa kapatid. "Oo na ate. Tatawagan ako sa iba kong na-apply-an. Pero maghahanap pa rin ako ngayon. Bye na sa inyo." "Pano? Kailangang magpatuloy ang buhay. Magpagaling ka Jelor. Ikaw naman Regiena wag ka ng magselos." Kumindat pa ito bago tuluyang umalis. "A-anong ibig nyang sabihin?" Tanong niya kay Jelor. Patay-malisya siya. "Deny pa more." Maraming alam na salita sa lupa ang lalaki. "Deny?" "Tumatanggi ka pa. Halata naman na nagseselos ka.

