Chapter 9 - Alternate Version

2122 Words
Chapter Nine Lumipas pa ang mga araw, sabay-sabay silang sumabak sa kanilang bagong buhay.  Napapansin pa rin nila ang pagbabantay ni Rosa sa mga kilos ni Jecka. Ngunit kapansin-pansin din ang pagpupursige ni Jecka na makapagbago. Halos hindi na ito tumingin sa mga lalaki upang makaiwas sa tukso at pagrespeto na rin kay Roland. Si Roland naman ay inspirado sa pagtatatrabaho. Napakarami nitong mga pangarap para sa ate at nobya nito. Tila nagtatagumpay na naman ang kabutihan. Samantala, mas tumamis ang pagtitinginan nila Regiena at Jelor. Aminado siyang wala na siyang kalalagyan pa kundi ang tuluyang mahulog rito. Hulog na hulog sa pag-ibig nito. Siya ang nag-aasikaso sa bahay kapag umaga bago tumulong kay Rosa sa tindahan nito. Kapag tanghalian naman ay pinupuntahan niya si Jelor sa palengke upang dalhan at sabayan sa pagkain. Kasabay nito ang kanyang pagkamulat sa mga bagay sa kanyang paligid at sarili.  "Ano'ng dala ng anghel ko para sa akin ngayon?" Tanong nito at halatang sabik ito sa pagbubukas ng dala niya. "Anghel ka dyan. Demonyitong to. Tapang boneless bangus yan. Masarap daw yan sabi ni Rosa."  Tinitigan siya nito ng makahulugan. "Demonyito ako? Baka gusto... gusto mong patunayan ko sayo yan." Dinikit nito ang mukha sa kanya. Napatingin naman siya sa paligid. Nasa loob kasi sila ng s*******r house mismo ng palengke. May malinis na bahagi naman doon. Isang pagkakapareho nila ay ang hindi pandidiri sa malansang amoy ng dugo. Kaya imbes na makipagsiksikan sa masikip na kainan sa mismong palengke ay doon nalang sila at nakakapagsolo pa sila. May mga pagkakataong nakakagawa pa ng himala. Tanghalian at kumakain ang lahat ng matador. "Shirtless na ikaw ang mas masarap." Pang-aakit pa nito. "Tumigil ka Jelor! Noong huli tayong nag-ano rito ay muntik na tayong mahuli. Wag kang ano dyan." Kunyari'y pagtanggi niya kahit na gusto niya rin naman. Kahit talamsik ng dugo ang nagkalat sa balat nito ay nangingibabaw pa rin ang malaanghel na imahen nito. Nakakaakit pa rin. "Ayaw mo?" Saka nito bahagyang dinilaan ang kanyang mga labi at kinagat pa iyon. "Ayaw mo talaga?" Napatingin siya sa suot nitong pantalon. Nakabukol na roon ang ari nito na tila nagnanais nang kumawala. "Gusto!" Hindi na siya nakapagpigil pa. Dinamba na niya ito para sa isang mainit na palitan ng halik. Magkaharapan sila sa isang pahabang kahoy na upuan. Nilapag nalang nila sa tuyong bahagi ng sahig ang mga pagkain. Doon mismo sa upuan siya humawak at tumuwad para sa isang mabilisang p********k. Kung buhay lang ang mga patay na hayop sa loob ay malamang nasilipan na sila ng mga iyon.  "Dali mo..." sambit niya habang umuungol. "Oo." Tugon nito. Nakatalikod naman siya rito kaya talagang mapapabilis ang lahat. Paboritong posisyon iyon ni Jelor.  Narating naman nila ang sabay na paglabas bago pa makarating ang ibang mga matador. Nagkalat sa lapag ang mga semilya pero hindi na halata dahil sa madilim at madumi ang lugar. Kinahapunan ay inabangan niya sa labas ng palengke ang nobyo. Isang linggo nalang kasi at kapyestahan na ng lugar nila sa Las Piñas. Aayain niya itong maglibot sa karnibal na nakahanda para sa mga nasasakupan ng lugar.  "Jelor!" Dagli siyang lumingkis sa braso nito ng makita ito. "Oh mabaho ako at madumi." Nakasuot ito ng sando na may mga mantsa pa.  "Gwapo ka pa rin naman. Tsaka mabango ka pa rin para sa akin." Nakangiti nyang tugon dito at mas hinigpitan pa ang pagkakakapit sa nobyo. "Bolera ka pala talaga. Mas mambobola ka pa sa akin." Saka siya nito hinalikan sa kamay. "Kasi nga pupunta tayo sa karnabal. Doon daw sa peryaan! Gusto kong maglibot tayo ngayong gabi don!" "Kaya pala nambobola ka. Pwede bang maligo muna ako?" "Hindi ka lalapitan ng ibang mga babae kapag mabaho ka. Kaya tara!" "Matinde! Umamin ka rin na mabaho ako." Wala rin itong nagawa sa pamimilit nya. Halos lahat ng rides ay sinakyan nila. Sobrang saya nila. Lalo pa't laging nakaalalay ang lalaki sa kanya. Bumili sila ng cotton candy bago sumakay sa ferris wheel na huling rides na gustong sakyan ni Regiena. "Kasing tamis mo ang cotton candy na ito." Saad nito habang pinagsasaluhan nila ang pagkain. "Ikaw naman para kang ang ferris wheel." Tumingin siya sa labas at pinagmasdan ang paligid. "Dinala mo ako sa pinakataas. Isinama sa pinakababa. Nakita ko na lahat. Natakot at sumaya ako. Ngayon gusto kong lahat ng natatanaw ko ay sabay nating marating." Saka niya ibinalik ang mga mata rito. "Ano'ng ibig mong sabihin?" "Gusto kong mangarap... hindi pala may mga pangarap ako." Nakangiti niya tugon. "T-tama yan." "Gusto ko Jelor na sabay nating abutin ang mundo. Maglakabay. Tumulong. Gusto kong gumawa ng mga bagong bagay. Bagay na gusto kong gawin. Tulad nila Rosa, Jecka at Roland. Pero..." "Pero ano? Walang masama sa mga sinabi mo." Hinawakan nito ang kanyang mga pisngi. "Hindi masamang mangarap. Kahit ikaw ay kasama sa mga pangarap ko. Ikaw ang dahilan kung bakit ako narito. Tandaan mo yan." "Salamat Jelor. Pero hindi ko pa alam ang gusto ko." Nalungkot siya. Tila hindi pa niya nahahanap ang kanyang sarili. Ayon palang iyon sa kanyang obserbasyon sa mga tao sa kanyang paligid. Hinalikan siya nito sa kanyang noo at saka mahigpit na niyakap. Kaginhawahan at kapayapaan ang dulot niyon.  "Sabay tayong bubuo ng ating mga pangarap. Sabay nating aabutin ang mga iyon. Pero bago yon sabay din nating aalamin kung ano nga ba ang gusto natin. Wag kang malungkot dahil hindi kita iiwan. Wag mong madaliin ang sarili mo. Araw-araw ka namang magiging masaya na parang abot mo ang mundo dahil ako ang kasama mo. Lilipad tayo. Ikaw at ako at ang mga pangarap natin." Hindi niya mapigilang lumuha sa mga sinabi nito na tuluyang nagpagaan ng kanyang loob.  "Mahal kita. Hindi ka lang pala ferris wheel. Anghel ka Jelor. Kasi hindi ko lang natanaw ang mundo. Alam kong lilipad ako tangay ng mga pakpak mo."  Pinunasan nito ang kanyang ma luha. "Mas magaling ka na talagang bumanat kaysa sa akin. Mahal din kita. Una kitang naging anghel. Aking angel" Habang nasa pinakaitaas na bahagi ng ferris wheel ay nagdampi ang kanilang mga labi. Punung-puno na iyon ng pag-ibig.  Pagbaba ay nakita sila ni Aling Irish dala ang isang balita na maaaring bumago sa kanilang mga buhay. Balitang magdadala sa kanila sa pagbuo ng kanilang mga pangarap. Si Aling Irish ang amo ni Jelor at may-ari ng pwesto ng karnehan sa palengke.  "Jelor baka pwede mo naman akong mapagbigyan hijo. Ikaw talaga ang gusto kong isali sa Mr. Palengke ngayong taon. Kaso lang gusto rin yun ng kasama mo sa trabaho na si Orlando. Eh itong Orlando tinanan si Genica, yung nobya. Baka naman pwedeng ikaw na. Hindi ko alam kung saan hahagilapin ang dimuhong yon!" "Hindi po ako sanay na humarap sa maraming..." "Ano po bang gagawin niya?!" Hindi na nya ito pinatapos pa. Siya ang nagkaroon ng biglaang interes sa patimpalak para rito. "Magpopo-pose lang naman siya dun. Yun bang lakad-lakad lang habang nagpapagwapo. Ako na ang bahala sa mga susuotin niya. Iba-iba kasi ang isusuot don. May naka-brief lang. Meron din namang formal. May tanungan portion din parang sa beauty contest ng mga babae. Pero madali nalang lahat yun. Ang mahalaga lang ay may contestant ako ngayong taon. Hindi dapat magpatalo ang karnehan ni Irish no!"  "Sasali po siya! Sasali po siya!" Biglaan niyang tugon dito. "Regiena. Hindi ako sasali." Mariin ngunit mahinang tugon nito na hindi maialis ang seryosong pagkakatitig sa kanya. "Talaga ba? Ikaw na ang bahala Regiena ah. Pilitin mo ang boyfriend mo. Alam kong mapapapayag mo siya. Ang saya ko!" Saka na umalis ang matandang babae.  "Paalam po! Sigurado na po! Kasama na si Jelor!" "Ano yon?" Nagtatakang tanong nito. Wala itong nasabi. Walang kalaban-laban. "Ako na ang bahala sayo. Tutulungan kita. Hindi ba't sabay nating aalamin at tutuparin ang mga bagay na gusto natin? Magsisimula yan kapag sumubok tayo ng mga bagong bagay. Ito na yun! Sabik na ako para rito." Masayang paliwanag niya. "Wala na akong masabi. Kailangan ko nalang kapalan ang mukha ko ngayon. Kung hindi lang kita mahal." Sa huli'y pumayag din ito. "May paunang premyo ka naman oh!" Saka niya ito hinalikan sa labi. ..... Ilang araw na nagsanay ang dalawa. Palakad-lakad lang naman sila sa saliw ng masasaya at usong tugtugin. Hindi naubusan ng lakas si Regiena na suportahan si Jelor. Mas napapagod pa nga ito sa pinaggagagawa nila.  "Galingan mo mamaya ah. Dati ako lang ang nakakakita sayo habang nakasuot ka ng brief pero mamaya. Naku! Sabi nga ng isang tinuro ni Rosa. Pak! Pak! Ganern! Mowdeling para sa ekonomiya ang gawin mo ah." Sabay silang tumawa. Alam niyang kinakabahan ang nobyo dahil kahiy siya'y kinakabahan din. Pero naandoon siya para suportahan ito. "Gagalingan ko talaga para sayo. Tandaan mo rin na kahit makita nila akong naka-brief ay ikaw pa rin naman at ikaw lang ang makakakita ng nasa loob ng brief ko!" Saka siya nito kinindatan at isang pampalakas ng loob na halik ang kanilang pinagsaluhan.  Dahil gabi ang patimpalak kaya naman naroon din para sumuporta ang kanilang mga kaibigan. Tuluyan ng nagkaayos sina Rosa at Jecka. Sa susunod na pasukan ay mag-aaral ng muli ng high school ang huli. Si Roland naman ay pursigido lalo pa't may pinapatunguhan ang negosyo ng kanyang ate at nakakaipon din sila para sa pag-aaral naman ng kasintahan. "Mahal kita Jelor! Hoooh!" Pinangunahan niya ang pagsigaw at pagpalakpak para rito. "Go Jelor!" Dagdag ng mga kasama niya. Hindi naman mapigilang magsigawan ng lahat. Ito ang pinakagwapo sa lahat. Mala-anghel ito na bumaba sa langit sa kakisigan. Mas tumindi pa ang tilian ng sumapit ang swim wear competition. "OMG! Anlaki ng sa kanya! Pinagpala sa kagwapuhan at sa hotdog ang lalaking yan! Bakat na bakat oh!" Sigaw ng isa sa mga nanunuod. "Hanggang tingin ka nalang." Bulong niya sa sarili bago pinagpatuloy ang pagpalakpak at paghiyaw.  Sumapit ang question and answer portion at naging mas espesyal iyon. "Kung ikaw ang mananalo ngayong gabi. Anong gagawin mo sa mapapanalunan mo?" Tanong ng isa sa mga hurado kay Jelor. "Sumali po ako rito dahil sa pamimilit ng babaeng pinakamamahal ko. Para sa kanya ang mapapanalunan ko. Dagdag yon sa panggastos kung papayag siyang pakasalan ako." Sa kanya lang ito nakatingin habang sumasagot. Nasa ibaba siya ng entablado. Naghihiyawan ang lahat. Pero halos wala na siyang marinig dahil nakatuon ang pansin niya kay Jelor at sa mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Kasal. Malaking salita iyon para sa babaeng katulad niya. "At ang ating Mr. Palengke ay si ... Jelor!" At ito nga ang itinanghal na panalo sa gabing iyon. Hindi na niya mapigilan pang umakyat sa entablado. Niyakap niya ito ng mahigpit. "Sabi na sayo mananalo ka eh. Sobrang saya ko." Maluha-luha na siya habang binubulong iyon." "Para sayo to." "Excuse me Jelor and to your girlfriend." Pinutol naman sila ng huradong nagtanong rito. Inalalayan iyon ni Aling Irish na halatang sobrang saya rin. "Ano po yon?" Tugon nito. "Congratulations. Ako si Gary. May-ari ako ng isang modeling agency. Masaya ako't naimbitahan ako rito kasi nahanap ko na ang bago kong modelo. Ikaw Jelor at gusto ko rin sanang kunin ang girlfriend mo." Saad ni Gary. "A-ako rin po? Yung magmo-model parang yung ginawa ni Jelor kanina?" Paniniguro niya. "Oo. Hindi lang ganon. Nakita niyo yung mga billboards, print ads kahit sa tv ay pwede rin. Malaking modeling agency ang pag-aari ko. Nanggaling din kasi ako sa hirap kaya tumatanggap ako ng mga imbitasyon sa mag-judge sa mga maliliit na barangay. Kinukuha ko na rin ang pagkakataong yon para humanap ng mga bagong modelo." Napatigil siya. Gusto niya ang alok ni Gary. Halatang bading ito at mabuting tao. Ito na ang hinihintay niyang paghanap sa kanyang mga pangarap. Natagpuan na niya. Humarap siya kay Jelor. "Alam ko na kung bakit kita pinilit dito. Habang tinuturuan at pinapanuod kita gusto ko lahat. Gusto kong sumama sayo. Dumating na ang mga anghel natin oh para sa ating mga pangarap. Tanggapin natin? Subukan natin. Baka naman..." nilagay nito ang kanang hintuturo sa kanyang mga labi. "Kung dito magsisimula ang lahat para sa ating mga pangarap sige. Tanggapin natin ang alok niya." Labis na kasiyahan ang kanyang nadama ng pumayag ito. Yayakapin na sana niya ito ng lumuhod ito sa kanyang harapan.  "Regiena may kulang pa kasi sa atin." Isang singsing ang dinukot nito sa bulsa. "Ang kasal. Gusto ko lahat ng gagawin natin para sa ating buhay at mga pangarap ay bilang mag-asawa na. Higit sa lahat, alam ko na ang pangarap ko. Ikaw at ang makasama ka habang buhay. Pakakasalan mo ba ako?" Tuluyang pumatak ang luha sa kanyang mga mata. "Akala ko ba nag-iipon ka palang?"  "May naipon na para sa singsing eh."  "Oo! Papakasalan kita." At ang singsing ay isinuot nito na sakto sa kanyang palasingsingan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD