Chapter One
"Ipasok mo pa!"
"Heto na oh!"
"Aaaaaahhhh" hindi kinaya ng babae ang malaking ari ng lalaki. Napaungol ito sa naghahalong sakit at sarap.
Pareho na silang pawisan. Sinisilaban sila sa apoy ng kaligayahan. Nagawa pang sipsipin ng lalaki ang u***g ng babae. Nakakapangilabot ang dulot nitong romansa rito. Nakipagsabayan na ang babae habang binabayo ito ng lalaki ay halos itulak na nito ang hita palapit sa kanya. Mas madiin. Mas masarap.
"Lalabasan na ako!"
"Ako rin..."
-Ang mga yan ay mga bagay na ipinagkait sa mga anghel. Ang pakikipagtalik, kalaswaan at kalibugan. Pinapanuod iyon kay Regiena. Habang inaalis ang mga bawal na emosyon sa kanya. Hanggang sa wala siyang naramdamang reaksyon sa mga nakita.
Totoo ang mga anghel. Iba-iba ang papel na kanilang ginagampanan bilang pagsisilbi sa kalangitan. Ngunit ang mga anghel na nagbabantay sa mga tao ay tinatawag na anghel de la guarda o guardian angels. Karibal nila sa pagbabantay sa mga tao ang demonyo. Sa bawat isang tao ay may isang anghel de la guardia at isang demonyo ang nagbabantay. Sila ang nag-uudyok sa mga tao sa paggawa ng kabutihan o kasamaan.
Matapos maging anghel na tagamasid lamang ay sasabak na si Regiena Nicolle para sa kanyang unang misyon bilang anghel de la guardia. Gagabayan siya ni Jelor Alexis. Isang mas mataas na ranggo na anghel kaya naman taga-gabay na ito sa ibang mga anghel tulad ni Regiena Nicolle.
"Napakagaling na taga-gabay ni Jelor Alexis. Marami kang matututunan sa kanya. Hindi ka nya pababayaan." Kinamayan siya ni Sonia Marie. Ang babaeng anghel na dating ginagabayan ni Jelor. Natapos na nito ang pagsasanay kaya naman ganap na itong anghel de la guardia at hindi na kailangang bantayan pa. Sa pagdampi ng balat nito sa kanya ay tila may isang bahagi sa kanya na nawala. Nag-iinit siya. Hindi niya maintindihan ang kakaibang nadarama. Mabilis ang kabog ng kanyang dibdib.
"Nakakatuwa naman kung gayon. Sana ay magawa ko ng maayos ang pagiging anghel de la guardia." Hinigpitan nya ang pagkakakapit sa mga kamay nito. Kinakabahan pa rin siya.
Sabay silang napalingon sa lalaking nilabas ng isa sa mga pintuan sa kaulapan. Nakaputi itong kasuotan na abot hanggang tuhod. Makikita ang makisig na bisig ng lalaki. Ang pakpak nito ay malaki na tila marami nang pinagdaanan. Pero hindi niya maiwasang hindi maalis sa kanyang pansin ang kagandahang lalaki at kakisigan nito. Mali iyon. Hindi niya iyon dapat madama at isipin.
"Kung tao lang siya malamang pinagkaguluhan na siya ng mga kababaihan." Bulong ni Sonia sa kanya.
"Marinig ka ng langit." Tugon niya rito at pagpapatay-malisya.
"Wala naman akong ibig sabihin don."
Tinanggalan ng emosyon upang umibig ang mga anghel. Wala silang kakaibang nararamdaman para sa kapwa nila anghel at sa mga tao na rin. Lahat ng papuri nila sa kapwa ay walang kakaibang kahulugan.
Lumapit si Jelor sa kanila. Unang binalingan ng lalaking anghel si Sonia. Nagkamayan ang mga ito. "Sonia muli maraming salamat. Maaari ka ng umalis. Pagbutihan mo ang iyong pagiging anghel de la guardia."
"Maraming salamat din po sa lahat Jelor. Tatanawin ko pong malaking utang na loob at hindi ko kakalimutan ang mga itinuro ninyo sa akin. Paalam po." Saka muling humarap ang babae sa kanya. "Paalam Regiena. Magkita na lamang tayo sa mga ulap. Maguumaga na. Magigising na ang bago kong babantayan sa lupa." Kapag tulog ang mga taong kanilang binabantayan ay saka lamang sila nakakapanik sa kaulapan.
"Salamat muli Sonia. Mag-ingat ka." Paalis na sana ang baba ng muling pigilan ni Jelor.
"Sandali lamang Sonia. Mag-iingat ka. Lumalakas ang pwersa ng kasamaan. Marami silang naiisip na taktika upang pabagsakin ang kabutihan."
"Opo. Salamat po." Humayo na si Sonia Marie at sina Regiena at Jelor na lamang ang naiwan. Pinagmasdan muna siya ng lalaking anghel. Minasdan niya rin ito. Tila balisa ito habang siya ay pinagmamasdan. Hindi nya maiwasang ibalik ang atensyon sa kakisigan nito. Lihim siyang humanga sa kakisigan nito. Paghanga na walang halong malisya. Kung mahuhulog man siya ay malamang umibig na siya rito sa unang pagtatagpo palang nila. Ngunit walang harang na pumipigil sa kanyang emosyon. Tila hindi nabura ang emosyon ng pag-ibig at pagpapantasya sa kanya. Labis na paghanga ang nadama niya para rito. Kinabahan siyang lalo sa emosyong sinisigaw ng kanyang puso.
"Tatagan mo ang loob mo Regiena. Sumuko ang dating anghel de la guardia ng taong babantayan mo. Kailangan mo siyang mabago. Tayo na." Bigla na lamang nitong nilahad ang mga pakpak at saka iyon kinampay upang lumipad pababa sa lupa.
"Mahabaging Diyos gabayan nyo po ako." Napakagat nalang siya ng kanyang mga labi.
Saka niya nangangatog na inilahad ang kanyang mga pakpak. Kailangan niyang kalimutana kung ano man ang gumugulo sa kanya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay bababa siya sa lupa. Sinimulan nyang ikampay ang kanyang mga pakpak. Nakipagpatintero siya sa hangin at ulap pababa. Madilim pa ang paligid sa ibaba. Nakaramdam siya ng kakaibang galak at pananabik ng makita ang mundo ng mga tao. Naroon ang malalaking gusali. Sa isang banda ay mga kabundukan at karagatan. Ngunit ang pinagtataka niya ay isang lugar na madumi at mga sira-sirang mga bahay ang kanilang tinatahak.
Tumigil si Jelor na kanyang sinusundan sa isang bahay na sementado naman ngunit ang pinto ay tela lamang at ang bubong ay gawa sa lumang yero.
"Narito ang taong babantayan mo." Lumakad ito sa pader at tumagos lamang.
"Nasan na siya?" Tanong ni Regiena sa sarili.
"Tumatagos tayo sa kahit anong mga bagay." Nabigla siya ng biglang lumabas ang ulo nito sa pader.
Pumikit siya at saka lumakad papunta sa direksyon ng pader. Pagmulat niya ay nasa loob na siya ng bahay. Napakagulo sa loob at isang babae na nakasuot lamang ng panloob nito ang natutulog.
"Siya ang una mong misyon dito sa lupa. Ang pangalan niya ay Jecka." Pagpapakilala ni Jelor.
"Jecka." Pinagmasdan niya ito at lumapit pa nga sya rito. "Mukha naman siyang maamo. Bakit nahirapan ang dati nyang anghel de la guardia?"
"Maagang naulila sa ina si Jecka. Ang kanyang ama ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Napatay ito sa harap niya mismo. Wala siyang kapatid. Ang kanyang nga kaanak ay pinabayaan na siya. Dito sa squatter area na ito kung tawagin nila dito sa Maynila na siya nakatira. Pagbebenta ng kanyang katawan sa kahit na sino ang pambuhay nya sa kanyang sarili."
Napalunok nalang siya sumunod na mga inilahad nito. "Si Jecoba Rubia ang demonyong nagbabantay kay Jecka. Masyadong maimpluwensya ang demonyong iyon. Balita ko nga ay nakakausap na ni Jecoba si Satanas ng personal dahil sa galing nitong magpalaganap ng kasamaan."
Isa pang lunok at halos matuyuan na siya sa lalamunan. Saka nya napagtantong hindi biro ang kanyang unang misyon sa lupa.
"N-nasan na si Jecoba? Bakit wala pa siya rito?" Tanong niya.
"Iyan din ang pinagtataka ko. Kadalasan ay maaga palang ay nandito na ang demonyong yon."
Ilang sandali pa ay pareho silang nanghina. "Aaahh... ano'ng nangyayari?" Nalagasan din ang kanilang mga pakpak.
"Isa itong masamang pangitain. May nagawa na naman ang kasamaan laban sa kabutihan. Noong isang araw ay nangyari na rin ito." Sambit nito.
"Ano po kaya iyon?"
"Huwag mo na munang intindihin iyon. Papaimbestigahan din yan ng langit. Tingnan mo magigising na siya. Hangga't wala si Jecoba ay gabayan mo na si Jecka. Tayong mga anghel ay kapag iniiwan lamang ang ating mga binabantayan na tao kapag sila ay natutulog. Ang mga demonyo naman sa oras na maging mabubuting nilalang na ang mga tao ay iniiwan na nila ito. Kapag nakahanap nalang sila ng pagkakataon upang gawing masama ang tao saka sila bumabalik. Mga tuso sila."
"Hmmmmm....." pinagmasdan nila ang unti-unting paggising ni Jecka. "Tang na buhay pa ako." Bungad ng mortal paggising.
"Jecka... mali yan. Isa itong bagong araw para ituwid ang buhay mo." Bulong niya sa babae. Tila napaisip naman ito.
"Hanggang dito nalang ba talaga ako?"
"Hindi Jecka. Hindi. Maaayos mo pa ang buhay mo. Kailangan mo lang itigil ang mga ginagawa mo ngayon. Humanap ka ng mas matinong trabaho." Tugon niya rito kahit hindi siya nakikita.
"Bwhahahaha!" Saka natuon ang atensyon nila sa isang babaeng demonyo. Mahaba ang buhok nito kasing haba ng sungay at buntot nito. Mapula ang mga labi nito gayundin ang ilalim ng mga mata. "Masama na ang babaeng yan. Hindi mo na siya mababago pa. Wala na syang pag-asa."
"Siya si Jecoba Rubia." Saad ni Jelor.
"Hindi totoo yan! Lahat ay may pagkakataong magbago. Hindi ka magtatagumpay!" Buong tapang niyang pagpasubali sa naging pahayag nito.
"Nagtagumpay na ako. Tuluy-tuloy na ang tagumpay ng kasamaan! Bwahahaha! Hindi nyo alam ang ginawa ko bago ako pumunta rito! Tingnan mo nalang ang mga gagawing kababuyan ni Jecka!"
Isang lalaking mortal ang biglang pumasok.
"Sino siya?" Tanong niya.
"Siya si Roland Edolmo. Kaibigan ni Jecka na may lihim na pagtingin sa kanya. Gusto niyang tulungan ang kaibigan pero wala rin siyang magawa dahil mahirap lang din siya. Ngunit alam natin na pwede pa silang makaligas sa apoy ng impyerno." Tugon ni Jelor.
"Wala na. Wala na siyang pag-asa. Jecka. Alam kong nag-iinit na ang iyong mga laman. Ayain mo ng makipagtalik sayo si Roland. Maaga pa oh. Siguradong naninigas pa ang ari niya." Udyok ng demonyo.
"Tumigil ka Jecoba! Wag mong gagawin yan Jecka! Magtulungan nalang kayo upang baguhin ang kapalaran nyo. Hindi nyo kailangang sirain pa ang mga buhay nyo!" Simula palang ay napapalaban na siya.
"R-roland. Parang may nakabakat sa shorts mo." Lumapit na nga ang babaeng mortal palapit sa lalaki.
"Wag kang magpapadala sa kanya Roland! Ang gusto mo ay tulungan siya! Hindi mo siya matutulungan sa ganyang paraan!" Dumating naman ang anghel de la guardia ni Roland na si Mark Jade.
"Roland naman hinihintay mo ang pagkakataong ito na matikman si Jecka. Palalampasin mo pa ba?" Utos naman ng demonyong tagabantay ni Roland na si Zula Lunam.
"Masyado pang maaga Jecka."
"Ang mga kliyente ko ay walang pinipiling oras at lugar matikman lang ako. Ikaw na kaibigan ko, hindi ka man lang ba naakit sa akin? Ayaw mo bang linisin ang dumi na binigay nila sa pagkatao ko?"
"Hindi ko sila katulad Jecka. Gusto kitang tulungan pero hindi sa ganitong paraan." Pare-parehong nakahinga ang mga anghel sa sinabing iyon ni Roland.
"Tama yan Roland. Mahalin mo si Jecka. Gamitin mo ang pag-ibig upang isalba ang babaeng pinakamamahal mo mula sa impyerno." Lumapit si Jelor kay Roland at ibinulong iyon bilang dagdag na payo.
.....
Kinagabihan ay muling bumalik sina Regiena sa kaulapan.
"Ano'ng masasabi mo sa unang araw ng iyong misyon?" Tanong ni Jelor sa kanya bilang pag-aanalisa.
"Nakakatuwa po si Mark Jade bilang anghel de la guardia. Nagawa nyang pasunurin si Roland kaya hindi natuloy ang sulsol ni Jecoba kay Jecka."
"Mabuting tao si Roland. Makipag-usap ka kay Mark Jade kung ano ang pwede nyong gawin. Si Roland ang maaaring makatulong kay Jecka upang magbago ito. Sa ngayon ay magpahinga ka na muna."
"Maraming salamat po Jelor Alexis." Lumapit ito sa kanya at saka hinawakan ang kanyang mga pisngi. Nag-init ang balat niya sa bahaging iyon. May kakaibang kuryente rin ang dumaloy sa kanya. Sa lapit ng kanilang mga mukha ay mas naaakit sya rito. Hindi niya mapigilan ang kanyang mga kamay. Hinaplos niya rin ang mga kamay nito. Halatang nabigla ito sa kanyang ginawa. Halos amoyin na nila ang isa't-isa. Naging mapusok din ang kanilang mga kamay. Habang walang tigil sa pagtibok ang kanyang puso ay nakikipagsabayan naman sa paglawa ang kanyang p********e. Dumako ang kanyang mga mata sa bahagi ng ari nito na nakaumbok na. Hindi pwede iyon. Hindi pwede ang lahat ng ito. Gusto niyang hawakan ang ari nito.
"Magpakatatag ka Regiena Nicolle. Ang kabutihan ay dapat na manaig." Huling bilin nito. Bago lumayo sa kanya at nagpigil sa mga pangyayari.
"Bakit mo pa siya kailangang hawakan?!" Nabigla sila ng biglang dumating ang nagngangalit na si Sonia.
"Sonia? Ano'ng problema?" Tanong nito sa babaeng anghel.
"Gusto kita Jelor. Inalisan lang nila ako ng emosyon pero gusto kita. Ipinagkakait nila sa ating mga anghel ang umibig! Pero ngayon alam ko na. Napakisig mo. Napakabait. Noong ako pa ang tinuturuan mo ay nahulog na ako sa'yo." Lumapit ang babae sa kanila. Dinunggol siya ng pakpak nito. Gamit ang kamay nito ay hinagod nito ang matipunong braso ni Jelor. Tinangka ring hubarin ni Sonia ang kasuotan nito ngunit umiwas ito.
"Ano'ng ginagawa mo Sonia? Bakit ka nagkakaganyan?" Tanong ni Jelor.
"Tinanggalan nila tayo ng emosyon upang magmahal at humanga upang hindi tayo makaramdam ng libog, ng tawag ng katawan, ng kalaswaan. Pero mali iyon! Pinagkakaitan nila tayo!"
"Ano pong nangyayari sa kanya Jelor? Mukhang hindi nya alam ang kanyang sinasabi." Naawang komento niya sa lagay ni Sonia.
"Alam ko ang mga sinasabi ko Regiena. Kasi nakakaramdam na ako ng paghanga. At ngayon ko napagtanto na gusto ko si Jelor. Kapag sabay kaming lumilipad noon. Pinagpapantasyahan ko na pala siya. Ngayon ko lang napagtanto. Malamang ikaw din Regiena! Gusto mong agawin sa akin si Jelor!"
"A-ano kamo? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Nauutal nyang tugon dito.
"Hindi na tama to." Saad ni Jelor.
"Hindi talaga tama." Dumating naman mula sa mas mataas na bahagi ng kaulapan si Omar Enri. Ito ang imbestigador ng mga anghel. "Napag-alaman namin matapos ang matagal na panahon ay may nalinlang muli na isang anghel ang isang demonyo. Nagbalat-kayong anghel si Jecoba Rubia at napainom niya ng itim na tubig si Sonia Marie. Ang itim na tubig ang makapagbibigay ng emosyon upang umibig, humanga at mag-isip ng kalaswaan ang isang anghel. Iyon ngayon ang pinagdadaanan ni Sonia Marie."
"Kung gayon kaya naglagas ang mga balahibo ng ating pakpak kanina at kung bakit tayo nanghina ay dahil kay Sonia. Pero napapadalas yata ang paglalagas ng ating mga pakpak. Marahil may iba pang ginawa si Jecoba." Pahayag niya.
"Tama. Nangyayari iyon kapag napasok tayo ng kasamaan. Kaya rin nahuli si Jecoba kanina ay marahil isinakatuparan muna niya ang kanyang masamang hangarin." Dugtong naman ni Jelor na halatang hindi natutuwa sa nangyari. Halata iyon sa walang ekspresyon nitong mukha ngunit nagsasalubong ang mga kilay.
"Ibang klase talaga ang kalangitan. Walang sikretong maililihim!" Pasigaw na pahayag ni Sonia.
"Ngunit Sonia may pag-asa pa. Sasanayin ka ng mas mabuti upang malaman mo kung nagpapangap lamang ang isang demonyo. At papainumin ka ng asul na tubig upang mawala na ang emosyon mo. Sumama ka na sa akin." Mahinahong pangungumbinse ni Omar.
"Sumama ka na Sonia. Siguro nagkulang ako sa pagsasanay sayo." Nanlulumo si Jelor sa huminang tono ng boses nito.
"Wag mong sisihin ang sarili mo Jelor. Masyadong mautak at mapanlinlang si Jecoba. Isa kang mahusay na tagapagsanay." Pampalubag loob ni Omar.
"At dahil sa kahusayan mo kaya ako nahulog sa iyo." Kinagat pa ni Sonia ang ilalim ng labi nito habang sinasabi iyon sa harap ni Jelor.
"Tigilan mo na yan Sonia. Sumama ka na sa akin." Lumapit na si Omar sa kanila.
"Kung mahuhuli mo ako." Sa isang iglap ay ibinukas nito ang mga pakpak. Nabigla si Regiena ng sa direksyon nya ito lumipad.
"S-sonia? B-bakit?" Saka nito hinawakan ang kanyang kanang pakpak at binali ang buto sa itaas na bahagi niyon. "Aaaaahhhh!" Napasigaw nalang siya sa sakit.
"Ililigtas ka nila? O huhulihin ako?" Pagkasabi nito niyon ay saka siya sinikmuraan pababa. Lumipad ito ng ubod ng bilis. Siya rin mabilis na bumubulusok pababa. Hindi nya maikampay ang kanyang kanang pakpak. Mahuhulog siya sa lupa.