Chapter 1

1693 Words
CHAPTER 1 Laicel's POV Hila-hila ko ang itim kong maleta, ‘yung bagong biling limited edition na luggage na halos kasing kinis ng balat ko — courtesy of my luxurious, spoiled brat life. Habang abala ako sa pag-aayos ng earphones sa tenga, biglang nag-vibrate ang phone ko. Sa caller ID pa lang, alam ko na kung sino — si Jill, ang kaibigan kong tsismosa at certified chismosa sa lahat ng galawan ko. "Hello, Jill?" sagot ko, medyo hinihingal pa dahil sa kakabuhat ng maleta. "WOII! Asan ka na naman? Saan ka na naman lulugar ngayon, ha? Anong adventure mo this time, girl?" bungad niya agad, puno ng excitement at sabik. Sanay na siya sa kalikutan ng lifestyle ko, pero mukhang curious siya ngayon. Napangiti ako habang tinatapunan ng tingin ang paligid. Ramdam ko ‘yung kakaibang saya sa dibdib ko, knowing na this trip is not just the usual — it's something new, something wilder. "Kakaibang lugar." Sagot ko, naglalakad pa rin papunta sa entrance ng building na may nakalagay na bold, shining letters: TEMPTED CURSE CRUISE RESERVATION CENTER. Yes, you heard it right — Tempted Curse. Ako nga pala si Laicel Haven Santos, 28 years old, at sa mundo ko, adventure ang droga ko. Nag-iisang anak, spoiled, at sanay sa buhay na puro luho at gala. Kapag sinabi kong "gusto ko," wala pang isang oras, nasa harap ko na. Ganun ang lifestyle kapag ang magulang mo ang may-ari ng isa sa pinakamalalaking chain of malls sa bansa. "Saan? Sa bundok ba ‘yan? Sa kapatagan? Sa langit? Sa impyerno?" sunod-sunod niyang hula, halatang gigil sa curiosity. Tumaas ang kilay ko at bahagyang napangiti, iniisip kung paano ko sasabihin sa kanya ang next level kong lakad. "Nope. This time, sa gitna ng dagat na ako pupunta." Sagot ko, tapos pinanood ko ang reaksyon ng mukha ko sa salamin habang binibigkas ang mga salitang iyon — proud and excited. "Anong ‘gitna ng dagat’?!" sigaw niya, halatang nabigla. Tumigil ako sa tapat ng malawak na glass door ng reservation office, ramdam ko ‘yung lamig ng aircon sa pagpasok. Sinipat ko ang loob — moderno, classy, at mukhang hindi basta-basta. Ibang level ng adventure ‘to. "I discovered a cruise, Jill. Malaki, sosyal, at hindi basta-bastang lakad. Dadalhin ka nito palayo sa ingay ng syudad, sa gitna ng malawak at tahimik na dagat, for three months. Walang signal, walang stress, puro bagong experience lang. Expect mo nang mawawala ako sa circulation for a while." Natahimik siya saglit bago ulit bumwelta. "A cruise?! Hindi ba puro foreigner diyan? At, teka, alam ba ng tita at tito mo ‘to? Safe ba ‘yan? May intsek ba riyan? Baka kidnapin ka!" Napailing ako, halos matawa sa worry niya. Kahit kailan, si Jill talaga — paranoid queen. "Relax, girl. Alam nila. Sanay na sila sa lakad ko, at hindi naman sila against sa passion ko for adventures. This is my life. Kaya wag ka nang mag-alala." Sagot ko, habang naglalakad papasok at sinasalubong ng receptionist na naka-uniform — eleganteng itim na dress, pulidong ngiti. "Alright, Jill, gotta go. I have a ticket to reserve. I’ll send you pics pag nakasakay na ako." Huling sabi ko bago ko i-end ang tawag. Pagkatapos, humarap ako sa receptionist at ngumiti. "Hi. I’m here to reserve a slot for the next trip." Sabi ko confidently. Ngumiti ang babae, para bang kabisado na niya ang thrill-seekers na katulad ko. "Welcome to Tempted Curse, Ma’am. Perfect timing — the cruise leaves in two days." At doon ko lalong naramdaman ‘yung excitement. Hindi ko alam kung adventure lang ba talaga ang matatagpuan ko sa gitna ng dagat, o may bagay na mas higit pa sa kaya kong i-expect. Pagkalapit ko sa counter, nilapitan ako ng receptionist na para bang sanay na sa mga guest na katulad ko — confident, curious, at halatang naghahanap ng kakaibang adventure. Ngumiti siya, professional at may halong misteryo, bago iniabot sa akin ang isang sleek black envelope na may nakatatak na logo ng cruise: Tempted Curse — simple pero classy. "Miss Laicel Haven Santos, here’s your ticket and your assigned room." Mahinahon niyang sabi habang tinutulak sa akin ang envelope. Kinuha ko ito, binuksan, at binasa ang laman — sa ilalim ng pangalan ko, naka-emboss ang presyo. Halos mapataas ang kilay ko. ₱1.5 Million. Napangiti ako, hindi dahil sa presyo, kundi dahil sa kasamang perks. "Ang registration po, inclusive na ng lahat ng pagkain — from breakfast, lunch to dinner — plus unlimited access to pools, lounge areas, guest rooms, at pati na rin po ang mga essential needs sa adult fun," dagdag niya, habang nag-slide ng brochure sa harap ko. Tumitig ako sa papel at napansin ko agad ang linya: Free c*ndoms and lubes. Halos mapangisi ako sa part na ‘yon. Mukhang hindi nga ito ordinaryong cruise. "Tulad po ng nabanggit, lahat po ng basic luxury amenities ay covered na, but for extra services — meron po tayong exclusive na bayad para sa auctions, high-end boutiques, cafe selections, drinks sa club at bar, snacks, at casino poker chips." Nag-angat siya ng tingin at ngumiti. "Para pong literal na paraiso sa gitna ng dagat, Miss Santos." Habang nagtatagal ang paliwanag niya, mas lalo kong nare-realize na this cruise isn’t just a simple trip — this is a whole new world na ready akong pasukin. Pinakita niya sa akin ang floor plan ng buong Tempted Curse, at dahan-dahan niya itong ipinaliwanag: CRUISE DETAILS: 11 DECKS/FLOORS Roofdeck: May infinity pool na halos nagkakasalubong ang tubig at langit, island bar na open 24/7, lounge areas para sa chill at mingling, at dining spot kung saan served ang mga exotic at high-class meals. 1st Deck: Elegant hall para sa masquerade ball, complete with chandeliers and black-tie vibe. Dining area din for formal dinners. 2nd to 4th Decks: Puro elegant rooms for guests — mahigit 1,000 total, bawat kwarto may sariling sala at malawak na space, designed for comfort and seduction. 25 elevators each deck at halos 30 lounge areas na pwedeng tambayan kahit anong oras. 5th Deck: Dedicated rooms for employees, 300 total. May 15 lounge areas at 20 dining spaces, kaya kahit staff, sosyal ang trato. 6th to 7th Deck: Pure luxury zone — casino, cafes, shopping malls, garden walks. Paborito ng mga mahilig sa leisure. 8th Deck: Special rooms para sa auctions — antiques, art pieces, and sometimes even people, if you dare. 9th Deck: Ang pinakatanyag — s****l Fantasy Zone. 10 big halls, each designed para sa wildest desires: orgy parties, "s*x on hole" rooms, at kung ano pang hindi ko pa naririnig. Isang lugar kung saan walang rules, walang limitasyon — ikaw ang bahala kung paano mo papatayin ang boredom mo. 10th to 11th Deck: Employees’ hidden base — maintenance, cars, machines, engines. Hindi basta-basta napupuntahan ng guests. Pagkatapos niyang ipaliwanag, nagtama ang tingin namin, at sa tono ng boses niya, ramdam ko ang isang di-maipaliwanag na excitement. "Enjoy your stay, Miss Santos. At tandaan, sa Tempted Curse... hindi basta-basta adventure lang ang naghihintay sa inyo." Nginitian ko siya pabalik, sabay bitbit ng maleta ko habang papunta sa elevator. ‘This is it. The game begins.’ Dala ang aking maleta, huminto ako sandali sa harap ng napakalaking cruise ship — hindi ito basta ordinaryong cruise, ito ang Tempted Curse, at ngayong malapitan ko na siyang masilayan, lalo akong nabighani sa laki at ganda nito. Mula sa kinatatayuan ko, tanaw ko ang mahahabang hagdan paakyat sa main entrance, at ang mabangong hanging bumubungad na parang may kasamang halimuyak ng mamahaling pabango at dagat. Habang paakyat ako sa ramp, nararamdaman ko ang mabilis na t***k ng puso ko — halo ng excitement at kaba. Sa wakas, bagong environment, bagong experience, at siguradong... bagong kwento na naman. Pagkapasok ko sa main hall, agad akong sinalubong ng malamig na aircon at mala-hotel na ambience. Sa sobrang lawak ng reception lobby, napalingon-lingon ako. Mga mamahalin at pormal na sofa, chandelier na parang bituin sa sobrang kintab, at mga guest na karamihan ay puro foreigner — ibang level. Hawak-hawak ko ang room keycard ko, nilingon ko ito at binasa ulit: Room 147 — 3rd Deck. ‘Okay, third deck. Mukhang elevator ang kailangan ko.’ Hinila ko ang maleta ko at sinimulan nang hanapin ang nearest elevator. Habang naglalakad, naamoy ko ang halo-halong aroma ng mamahaling perfume at champagne na tila ba ini-welcome ako sa mundo ng luxury at temptation. Ilang hakbang pa, nakita ko rin ang isang set ng stainless steel elevators na may digital number indicators sa taas. Bukas ang isa sa mga pinto, kaya dali-dali akong pumasok at pinindot ang number 3. Habang papikit-pikit ang pinto, napansin kong may isang couple sa likod ko, halatang bagong kakilala pero sobrang lapit sa isa’t isa — at para bang, sa lugar na ito, normal lang ang gano’n. Ding! Lumapat ang elevator at dahan-dahang bumukas ang pinto. Paglabas ko, halos mapanganga ako sa loob ng 3rd Deck — mahaba ang hallway, carpeted ang sahig na tila nilatag para sa mga royal, at ang mga pader ay may mga eleganteng paintings at gold linings. Isa-isa kong hinanap ang room numbers, hawak ang keycard at hinihila ang maleta. Habang naglalakad, hindi ko mapigilang mapansin ang ilang pinto na bahagyang nakabukas at ang ilan, may mga kaluskos ng mga tao sa loob, tawanan, minsan ay impit na ungol — para bang may ibang mundo sa bawat kwarto. Room 141...143...145...147. Pagdating ko sa harap ng pintuan ng Room 147, dahan-dahan kong in-scan ang surroundings — tahimik ang hallway, maliban sa malalambing na tunog ng soft jazz music na nanggagaling sa built-in speakers sa kisame. Inilapit ko ang keycard sa scanner. Beep! Automatic na bumukas ang pintuan, at isang malamig at maaliwalas na amoy ang sumalubong sa akin. Pagpasok ko, napatingin ako sa loob ng kwarto — isang mini suite na may sala, mini bar, queen-sized bed, at floor-to-ceiling glass wall kung saan kitang-kita ang lawak ng dagat. Napangiti ako sa sarili ko habang inilapag ang maleta sa gilid. ‘Game on, Tempted Curse. Let’s see kung anong klaseng adventure ang naghihintay sa akin dito.’ T o b e c o n t I n u e d...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD