Chapter 4

1766 Words
Chapter 4 Laicel POV Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng hall, para akong natulala. Ang laki. Ang ganda. At ang daming... mga eksenang hindi ko inaasahan! Malamlam ang ilaw, pulang-pula ang tema, at ang bawat sulok ng lugar ay parang sinadyang magtago ng iba't ibang klaseng kasalanan. May mga lamesang puno ng inumin, may mga couch na halos magdikit-dikit na ang mga katawan ng mga tao, at may mga silid na bahagyang nakabukas — kung saan kung anu-anong ungol ang maririnig mo. "First time?" tanong nung lalaking nasipa ko kanina, habang nakangisi pa rin. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko sa kanya, pero syempre, alerto pa rin ako. Baka mamaya, maniacs pala 'to. "Obviously," sagot ko sabay irap. Natawa lang siya. Kasama namin yung dalawang kaibigan niya, parehong busy na sa pagtingin-tingin sa paligid — parang mga manyakis na ngayon pa lang pinakawalan. "Anong trip mo?" tanong niya uli habang naglalakad kami papasok pa lalo sa loob. "Ha?" "Sa hall na 'to, iba-iba ang tema kada section. May b**m, may voyeurism, may orgy, may light fantasies, depende sa gusto mo." Napataas ang kilay ko. "Wala ka bang pambata? Parang theme park lang, yung light lang?" Tumawa siya. "Wala, madam. Pero kung gusto mo ng adventure, sumama ka sa amin." Napahinto ako. Adventure? Adventure ang hinahanap ko diba? "Fine," sagot ko sabay bitaw ng malalim na buntong-hininga. "Pero konting kalabit mo lang na hindi ko gusto, sisipain ko ulit ang bayag mo." "Deal," sagot niya, natawa pa habang kinakamot ang batok niya. Sumunod na lang ako habang ginagabayan nila ako papunta sa isang section ng hall. May nakita akong mga babae at lalaki na halos hubo't hubad na — at sa gitna ng lugar na iyon, isang malaking stage kung saan may performance. Parang... s*x show? "Oh my God," bulong ko sa sarili ko. Ngumiti yung lalaki at sumenyas sa akin. "Welcome to Fantasy Zone, Laicel." "Welcome ka diyan," sagot ko sabay irap sa kanya. Napailing na lang siya at natawa habang ako naman ay naglakad papalayo. Yung dalawang kasama niya, bigla na lang nagpaalam at nawala nang parang bula — hindi man lang nagpakilala. Wala akong pake, mas mabuti na rin para wala nang istorbo. "Hanap tayo ng inuman," bulong ko sa sarili ko habang luminga-linga sa paligid. Nakita ko sa may kanan, medyo may pagkadim light ang area pero may bar counter doon — puno ng mga kulay na ilaw at magagandang bartender na abala sa paggawa ng drinks. Parang may sariling mundo ang lugar na iyon kumpara sa wild na eksena sa main hall. Dumiretso ako papunta roon, taas-noo kahit ramdam ko ang ilang mapupusok na tingin na sumusunod sa akin. Hinawakan ko ang sling bag ko sa harap para sigurado. Hindi ko na papansinin yung mga manyak! Umupo ako sa pinaka dulo ng bar counter at tinawag ang bartender, isang lalaking may tattoo sa leeg at naka-itim na apron. "Miss, anong order mo?" tanong niya, medyo may accent pa — mukhang foreigner din. "One shot of tequila please. Straight," sagot ko. Napangiti siya at mabilis na naghanda. Nang hawak ko na ang maliit na baso ng tequila, inikot-ikot ko muna ito sa kamay ko, pinapanood ang pag-ikot ng alak. "Adventure ang hanap mo, diba Laicel?" bulong ko sa sarili ko. "Cheers to that," sabay tungga ko ng isang lagok. Sumiklab ang init sa lalamunan ko pero hindi ako nagpakita ng kahit anong kahinaan. Ngumiti ako ng pilya, habang pinunasan ang gilid ng labi ko ng hintuturo. At bago pa man ako makapagpahinga, may lumapit sa akin na isang lalaki. Mas matangkad sa nakasama ko kanina, mas maangas ang dating, at parang mas... delikado. "Mind if I join you?" tanong niya, may halong mapanuksong ngiti sa labi. Napangiti rin ako, pero hindi yung sweet na ngiti — kundi yung tipong, "Let's see if you can handle me" na ngiti. "Depende," sagot ko. "Libre mo ba ako ng drink?" Tumawa siya, malalim at nakakalasing ang boses niya. "Of course. Basta kaya mo ang laro." Laro? Anong laro naman kaya ang tinutukoy nito? "Anong laro?" tanong ko, habang nakataas ang isang kilay. Ngumisi siya, yung tipong ngisi na alam mong may binabalak na hindi basta-basta. "Simple lang," sagot niya, habang umuupo sa tabi ko at nagsenyas sa bartender. "Shot game." Lumapit ang bartender, at sa isang mabilis na galaw, naglatag siya ng dalawang baso sa harap namin at inilabas ang isang bote ng matapang na alak. "Rules are easy," bulong nung lalaki habang inilalapit ang mukha niya sa akin — ramdam ko ang init ng hininga niya sa balat ko. "Kung sino ang unang sumuko sa shots, siya ang matatalo. At ang matalo... may consequence." Napangisi ako. "Consequence agad? Anong consequence?" balik ko. Napakagat siya ng labi at kumindat. "Depende. Kung gusto mo, ikaw ang mamimili. Pero kung ako ang pipili... dapat ready ka." Tumawa ako, bahagyang natagalan sa reaksyon niya. Hindi ko alam kung nakakatakot siya o nakaka-excite, pero isa lang ang sigurado — hindi ako uurong. "Sige," sagot ko sabay tingin ng diretso sa mga mata niya. "Game." "Kailangan ba nating magpakilala muna?" tanong niya, habang tinutulak sa akin ang unang shot glass. Umiling ako. "Mas exciting kung hindi." Nagtagpo ang tingin namin — puno ng hamon at kiliti — habang sabay naming tinaas ang baso. "Cheers," sabay naming sabi. Sabay naming nilagok ang alak. Malakas ang tama ng alak — halos mapasigaw ako sa anghang, pero pinigilan ko. Hindi ako papatalo. Hindi ngayon. Nakangisi siya habang tumutulo ang konting alak sa gilid ng labi niya, pero mabilis din niyang pinunasan iyon gamit ang hinlalaki niya, at pagkatapos ay dahan-dahan niyang sinubo ang sariling daliri. Napalunok ako ng laway. "Round two," sabi niya, habang pinupuno ulit ang baso namin. "Round two," sabi niya ulit, habang pinupuno ng bartender ang baso namin. Habang hinihintay ko na mapuno ang baso, doon ko na siya mas tinitigan ng maigi. Maputi siya pero hindi maputlang tipo — healthy looking ang kulay ng balat niya. Yung parang gatas na hinaluan ng konting honey. Matangos ang ilong, defined ang jawline, at may konting balbas sa baba na lalong nagpapalalaki sa features niya. Ang mga mata niya, kulay dark brown, pero kapag natamaan ng ilaw parang may konting hazel. Yung tipong isang titig pa lang, kaya niyang paatakehin ang puso mo. At yung labi niya — Diyos ko — ang lambot tingnan! Medyo pinkish, at ang ganda ng kurba. Halatang sanay mang-akit ng babae kahit hindi nagsasalita. Buhok niya? Slightly messy, pero bagay sa kanya. Kulay dark brown din, at medyo kulot sa dulo. Para siyang pinaghalong boy next door at bad boy na hindi mo alam kung yayakapin mo ba o pagsasabihan mo ng "delikado ka." "Bakit mo ako tinititigan?" tanong niya bigla, nakangisi. Napa-irap ako. "Pinag-aaralan ko kung may tinatago kang sungay," sagot ko habang dinampot ang shot glass. Tumawa siya. Yung tawa niya, mababa at nakakalasing pakinggan. Parang lalo akong nahatak papalapit sa kanya. "Sungay? Mukha ba akong demonyo sa'yo?" tanong niya. "Oo," mabilis kong sagot. "Demonyong mapapa-oo ako nang hindi ko alam." Napangiti siya nang mas lalong malalim, tapos sabay taas ng baso niya. "Cheers to that," aniya. Sabay ulit naming ininom ang second shot. Medyo ramdam ko na ang init ng alak. Pero hindi ako papatalo. Kaya habang sumisimsim ako ng konting hangin para mabawasan ang tama, nagsimula siyang magtanong. "First time mo dito?" tanong niya. Tumango ako. "Yeah. You?" "Second," sagot niya. "Pero first time kong may nakasabay na kasing tapang mo." Napangiti ako ng pilya. "Normal lang 'yan. Ganyan talaga pag hindi umaatras." "Kaya ba hindi ka rin umaatras sa suntukan?" biro niya, nakatingin sa akin na may halong amusement. Napangisi ako. "Oo naman. Huwag lang sa love, baka duwag ako dun." Tumingin siya ng seryoso ng konti, parang may pinipigilang tanong, pero ngumisi na lang ulit. "Baka hindi ka pa lang nakakatapat." Napaatras ako ng konti sa upuan. Anong ibig niyang sabihin? Pero bago ko pa ma-digest ang sinabi niya, pinuno na naman niya ang baso namin. "Round three," aniya, habang nakangiting parang may binabalak na kalokohan. "Round three!" sigaw ng lalaki, sabay abot ulit ng baso sa akin. Medyo nag-aalangan na ako, pero dahil ayaw ko namang mapahiya — at competitive talaga ako — ininom ko pa rin. Malakas. Mabilis. Diretso. Pagkababa ko ng baso, naramdaman ko na agad ang tama. Parang umiikot na ang paligid, at yung mga ilaw, nagiging malambot sa paningin ko. Hindi ko napigilan ang mapatawa ng walang dahilan, sabay kurot sa braso ng lalaki sa harap ko. "Ang pogi mo pala..." bulong ko, hindi ko alam kung narinig niya ba o hindi. Nagulat ako sa sarili ko! Diyos ko, ano ba tong ginagawa ko? Pero kasalanan to ng alak! Ngumiti siya nang parang nahuhumaling. Yumuko siya ng kaunti sa akin, malapit na malapit, ramdam ko na yung init ng hininga niya sa gilid ng tenga ko. "Tinatanggap ko ang compliment, baby," bulong niya. Napakagat ako sa labi ko. Hala, bakit ang lakas ng tama ko sa lalaking to?! Tatawa pa sana ako pero bigla siyang nagsalita. "Game. Consequence mo na," sabi niya, habang dahan-dahang inaabot ang kamay ko. Medyo kinakabahan na ako. s**t, bakit parang mali na to? Tangkang hinawakan na niya ang baywang ko—pero bago pa niya ako tuluyang mahawakan, may biglang humila sa akin, malakas, mariin, parang may nagmamay-ari. "She's done," malamig pero mahinang boses ang umalingawngaw sa likuran ko. Napalingon ako, at ang nakita ko... Cassiel. Cassiel Navarro Kingsley. Nakahawak siya sa braso ko, matigas ang hawak, parang ayaw akong pakawalan. Yung malamlam kong paningin ay medyo luminaw ng konti nang makita ko yung seryoso at malamig niyang ekspresyon. Yung lalaking kanina ko kausap, halatang nabigla. "Bro, chill. Naglalaro lang kami," aniya. Hindi kumibo si Cassiel. Tinitigan lang niya yung lalaki ng matalim, yung tipong tingin pa lang, aatras ka na. "She's not for games," matigas na sabi ni Cassiel. Hindi ko alam kung bakit pero ang lakas ng t***k ng dibdib ko. Lasing na nga siguro ako dahil imbes na matakot ako sa tensyon, parang kinikilig pa ako. Pinalapit niya ako sa kanya, halos nakadikit na ang katawan ko sa katawan niya. Naamoy ko yung perfume niya — amoy mamahalin, amoy lalaki. At parang automatic, kumapit ako sa braso niya. Ang kapal ng muscle niya, ramdam ko sa palad ko. "Let's go," bulong niya sa tenga ko. Parang wala na akong sariling isip — nagpaubaya na lang ako habang hinila niya ako palayo sa lalaking naiwan, nakatingin lang sa amin. T o b e c o n t i n u e d...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD