Chapter 31 Suzanne Medina Nagising ako nang maramdaman kong may mabigat na bagay na nakadantay sa binti ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may isang binti ng tao na nakadantay sa akin. Ayoko mang isipin ngunit pilit itong sumasagi pa rin sa utak ko ang ideyang wala akong suot ni isang pirasong damit sa ilalim ng kumot na ito at masakit ang nasa pagitan ng aking dalawang hita. Kagaya ng mga nababasa ko sa libro at sa napapanood ko sa pelikula. Muli kong ipinikit ang aking mga mata. Sana mali ako. Sana hindi magkakatotoo ang ideyang pumasok sa isip ko. Kung hindi, katapusan ko na. Iniling-iling ko pa ang aking ulo para siguradong matatanggal ang kung anong negatibong pumapasok sa isip ko nasa isip ko. Dahan-dahan ko muling idinilat ang aking mga mata. Nakahinga ako ng mal

