Chapter 5

2261 Words
Chapter 5 Suzanne Medina Mabigat ang pakiramdam at medyo masakit din ang ulo ko nang ako'y magising. Ang sama ng panaginip ko parang totoo ang lahat na nangyari. Kasalukuyan daw kaming tumatakas ni Papa nang biglang may huminto na isang itim na van sa harap ng bahay namin at bumaba ro'n ang limang lalaki na purong nakaitim. Binugbog nila si Papa at dinala ako- Teka, nasa'n ako? Nilibot ko ng tingin ang apat na sulok na kinalalagyan ko. Hindi ganito ang ayos ng kwarto ko at hindi ganito ang amoy. Amoy panlalaki. Agad binalot ng kaba ang dibdib ko. Ibig sabihin nito hindi 'yon isang panaginip. Totoong nangyari ang lahat ng 'yon. Hindi ko napigilan ang paglandas ng luha ko nang maalala ang nangyari kay Papa. Naiwan siya ro'n na nakasalampak sa sahig at may mga pasa at mangilan-ngilang mga sugat sa mukha. May tumulong kaya sa kanya? Kumusta na kaya siya? Sila Mama at Nanay Perla nasa maayos din ba sila? Naalala ko bago sinakop ng kadiliman ang diwa ko nakarinig ako ng isang pagsabog sa unahan ng sinasakyan naming van. Nasa'n ang mga kasama ko kanina sa loob ng van? Paano ako napunta sa ganitong kagarang kwarto na may magarang higaan at kagamitan at may nakakaaya-ayang amoy? Dapat sa isang madilim na silid, walang higaan, at hindi kaaya-aya ang amoy ang pagdadalhan sa 'kin. Naalala ko pa 'yong sinabi nong lalaki na kursunada ako ng boss nila. Tapos gagawin akong s*x slave ng boss gaya ng nababasa ko sa mga libro at nakikita ko sa mga pelikula. Bigla akong napayakap sa 'king sarili. Hindi ko lubos maisip na magiging isang s*x slave sa tanang buhay ko. Napalingon ako sa may pinto nang may biglang may pumihit ng doorknob. Agad kong binalot ang aking sarili ng kumot na nahila ko. Ano ang gagawin ko? Magpapanggap kaya akong tulog? Hindi naman ako si sleepiing beauty na habang buhay natutulog. Paano kung bigla na lang pumasok ang boss at gagawin na nga niya akong s*x slave? Iniisip ko pa lang 'yon parang lalabas na ang puso ko sa katawan ko. Nakarinig ako ng mahihinang yabag kaya dahan-dahan kong itinaas ng kunti ang kumot para silipin kung sino 'yong pumasok. Isang matandang babae na may dalang isang tray na may lamang pagkain at inumin. "Mabuti't gising ka na, Hija," Napaigtad ako. Paano niya nalamang gising na ako? "Kumusta na ang pakiramdam mo? Heto, kumain ka na muna nang makainom ka na ng gamot," Sabi niya habang nilalapag ang tray sa ibabaw ng mesa na nasa gilid ng kamang kinasasalampakan ko. Nangunot ang noo ko sa inakto ng matandang babae para akong isang bisita kung pagsilbihan niya, e, ginawang pambayad-utang lang naman ako at posibleng gagawing alipin. Isang makamundong alipin. Naguguluhan na ako. Kailangan ko ng kasagutan sa lahat ng tanong na kanina pa bumabagabag sa isip ko baka mauna pa akong mabuwang kaysa maging s*x slave. "A, manang, pwede po bang magtanong?" "Kung ang itatanong mo ay kung anong ginagawa mo rito, alam mo na ang sagot," Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Magtatanong na sana ako nang muli siyang magsalita. "Sige, maiwan na muna kita rito babalikan ko na lang ito mamaya," sabi niya bago lumabas ng kwarto. Napabuntong hininga na lang ako. Wala rin naman pala akong mapapala ro'n sa matanda. Bigla akong nakaramdan ng gutom nang mapadako ang tingin ko sa pagkain na nasa ibabaw ng mesa. Kaninang paggising ko pa lang kumakalam na ang tiyan ko pero hindi ko masisikmurang kainin 'yan baka kung may ano silang nilagay sa pagkain. Muling nanumbalik sa akin ang huling tagpo namin ni Papa at hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Kumusta na kaya si Papa? Sana naman may tumulong sa kanya. Ang mga hayop na 'yon hindi man lang tinulungan si Papa o di kaya'y ihinto ang van para ako na mismo ang tutulong kay Papa. Mga wala silang puso lalong-lalo na ang boss nila na mas masahol pa siguro ang pag-uugali. No'ng kanina hindi ako nakapag-isip ng paraan para makatakas sa mga hayop na 'yon, pwes ngayon, kailangan ko ng umisip ng paraan bago pa tuluyang masira ang buhay ko sa impyernong lugar na 'to. Dali-dali akong tumayo mula sa kamang kinasasalampakan at lumapit sa bintana. Nangunot ang noo ko nang wala akong makitang kahit isang bantay sa paligid at tanging malawak na lupain at may mangilan-ngilang puno sa dulo ang nakikita ko. Ni wala akong nakitang kahit isang bahay man lang. Para akong nasa pinakasuok-suokang parte ng pilipinas o nasa pilipinas pa ba ito. Padabog akong bumalik sa kama. Paano ako makakatakas nito marahil nagtatago lang mga bantay sa kung saan. Mayamaya'y muling bumukas ang pinto at pumasok ang matandang babae na naghatid sa akin ng pagkain kanina. "Bakit hindi ka pa kumakain? May nararamdaman ka pa bang masakit? Masakit pa ba 'yang noo mo?" Sabi niya na siyang ikinanoot ng noo ko. Teka, napahawak ako sa noo ko nang maramdaman kong may kung anong nakatapal dito. "Aray!" Sa isip ko. Paanong nagkaroon ako ng sugat sa noo? Hindi ko man lang napansin ito kaninang paggising ko. "'Wag mo ng galawin baka magka-inpeksyon pa 'yan," Sabi niya sabay kuha ng first aid kit sa gilid ng mesa. "Halika at papalitan na natin ng gasa 'yan," Napaatras ako nang dahan-dahan siyang lumapit. Looks can be deceiving. Malay ko bang katulad din ng mga lalaki kanina itong matandang 'to na nagbabalat-kayo lamang. "'Wag kang mag-alala, Hija, hindi ako katulad niyang nasa isip mo," Paano niya nalaman kung ano ang iniisip ko? May lahing manghuhula kaya ang matandang 'to? "Wala akong lahing manghuhula. Siya sige, mamaya ko na lang papalitan. Dadalhin ko na lang din itong pagkain mo nang mapalitan ng bago," Sabi niya habang nililigpit ang pagkain. Wala pang dalawang-pu't minuto bumalik ulit ang matandang babae na may dalang bagong pagkain. Hindi ko mapigilang hindi ma-guilty. Marahil pinaghirapan niya ang mga hinanda niya pero heto ako hindi kinakain. 'Ano ba 'yan, Suzanne? Looks can be deceiving nga, diba? Muntik ko na ng makalimutan 'yong sinabi ko kanina. "Ito, Hija, bago 'to. Sana kumain ka na nang magkalaman naman 'yang tiyan mo. Paano, maiwan ulit kita. Kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako agad," Sabi niya bago lisanin muli ang kwarto. Hindi ko lubos maisip ang mga nangyayari. Kaya nga kami tumatakas ni Papa no'n para takasan ang pinagkakautangan niya. Ngunit sa kasamaang palad ay naabutan kami. Binugbug nila si Papa kaya napilitan akong sumama sa mga hayop na 'yon. Habang binabaybay namin ang daan papunta sa kung saan nakaramdam ako ng pagkahilo at nakarinig ako ng pagsabog bago tuluyan nilukob ng kadiliman ang diwa ko. Pero bakit ganito, imbis na magising ako sa isang napakadalim at mabahong kwarto, ito na sa isang maganda at malinis na kwarto at may pagkain pa. Dali-dali akong pumunta sa pinto at pinihit ito. Nangunot ang noo ko ng hindi ito naka-lock. Imposible namang nakalimutan itong i-lock nong matanda. Hindi kaya'y sinadya nila ang lahat ng ito. Mula sa kwarto pagdadalhan hanggang sa pag-iisip ko ng paraan para makatakas? Ginagamitan nila ako ng reverse psychology. Kung tama ang iniisip ko mabuting hindi na talaga ako kakain baka may kung inilagay sila r'yan na ikakapahamak ko pa. Hindi na muling bumalik pa ang matandang babae, marahil ay napagod na rin ito sa akin na hindi ko pa rin kinakain at ininom ang hinanda niya. Hanggang sa makatulugan ko na ang pagha-hunger strike. -----***----- Nagising ako nang may narinig akong nag-uusap mula sa labas ng pinto. Ang lakas din naman kasi ng mga boses nila. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan at idinikit ang tenga para mapakinggan ko ng mabuti kung ano ang pinag-uusapan nila. May pakiramdam ako na ako ang pinag-uusapan ng dalawang lalaki. "Ano na ang nangyari sa mga tauhan ni Salvatore? May naitira ba kayo?" "'Yong mga sakay ng isang van, nakatakas habang ang anim na sakay ng isa pang van kung saan namin nakuha ang babae ay napatay namin ang anim. May isa kaming itinira at kasalukuyang nando'n sa judgement room," Napatakip ako ng bibig. Patay na lahat na nakasama ko kanina. Wala naman siguro silang ibang babaeng tinutukoy kundi ako. At ano 'yong judgement room na sinasabi no'ng lalaki? Sa klase ng tawag nila sa kwartong 'yon kinakilabutan ako. "Anong balak ni Prime sa babaeng 'yon?" "Hindi ko pa alam. Wala pang sinabi si Prime. Magmula kahapon hindi ko pa siya nakikita," Prime? 'Yon ba ang walang puso na boss nila. "Manang Liza, kumusta naman po 'yong babae?" Manang Liza? 'Yon ba 'yong matandang babae kanina ang tinutukoy ng lalaki? "Hindi pa nga kumakain magmula kahapon," Sabi nong Manang Liza. Kahapon? E, kaninang tanghali lang nangyari ang lahat ng 'yon. "Nag-aalala na nga ako buong araw na hindi kumakain ang batang 'yon. Kahit uminom man lang ng tubig," Dagdag pa nong Manang Liza. Kung kahapon nangyari 'yon, ibig sabihin buong araw akong tulog. Naalala kong may sugat ako sa noo kaya siguro tulog ako dahil sa natamo ko at sa pagod na rin. Ang tanong paano ko nakuha ang sugat na 'to? Wala akong naalalang na untog ako o kung ano man. "Naku! Manang, pakainin niyo po 'yan pareho tayong malalagot kay Prime nito kapag naabutan niyang buto't balat na lang 'yong babaeng 'yon," Napataas ang kilay ko. Ako? Magiging buto't balat? Sabagay kapag buto't balat na lang ako baka sakaling isauli na lang niya ako sa Papa ko. "Kumusta na pala ang ama ng batang 'yon?" Sabi nong Manang Liza. Papa ko ba ang tinutukoy niya? "Wala pa kaming balita kung ano na ang lagay ng ama niya. Sa ina naman niya ay patuloy pa rin itong pinaghahanap ng mga kasamahan namin. Ayon sa nakuha naming impormasyon naunang umalis ang ina at ang mayordoma no'ng araw na 'yon," Sina Mama at Nanay Perla. Isa lang din ang ibig sabihin nito nasa panganib din ang buhay nina Mama at Nanay Perla. Panginoon, sana po hindi sila mahanap ng mga taong 'to. Ilayo niyo po sila sa panganib at sana nasa maayos ding kalagayan ang ama ko. -----***----- "Hija, kumain ka na. Magkakasakit ka na n'yan sa ginagawa mong pagha-hunger strike," Hanggang ngayon hindi pa rin kasi ako kumakain. Natatakot kasi ako na baka bigla na lang akong mamatay dahil sa may kung ano silang nilagay sa pagkain ko. Call me paranoid. Sino ba ang hindi mapa-paranoid sa mga nalaman mo sa mga taong nakapalibot sa 'yo at sa mga nangyayari? Malay natin tinitira na pala ako ng mga ito sa likod. "Wala ka pa rin bang tiwala sa 'kin? Sabagay, hindi kita masisisi pero ito sasabihin ko sa 'yo wala kaming ginagawa o gagawin na ikakasama mo. Iwan ko na lang ulit 'tong pagkain baka sakaling magbago ang isip mo," Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga nang marinig ko ang pagsara ng pinto. Napatingin ako sa pagkain sa ibabaw ng mesa. Mukhang masarap ang lahat ng 'to gaya nong mga nauna niyang dinala na pagkain. Napatingin muna ako sa pinto baka may bigla na namang pumasok at maiistorbo ako sa pagkain. Totoong masarap nga ang mga pagkain na inihanda ni Manang Liza. I feel bad sa inasta ko kanina. Wala namang hindi magandang ipinakita sa 'kin si Manang Liza magmula ng magising ako. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso agad ako sa bintana at do'n ko iginugol ang oras ko sa pagtanaw sa maliwanag na buwan. Ang bilis ng takbo ng oras parang kanina lang magkasama pa kami nina Papa at Mama na masayang nagtatawanan. Walang inaalalang problema. Ngunit heto ako ngayon nag-iisa sa lugar kung saan hindi ko alam kung saang lupalop. Ni Hindi rin alam kung ano ang lagay ni Papa. Kung nasa maayos lang din ba sina Mama at Nanay Perla. "Ano ba ang plano mo sa amin?" Mahinang sabi ko habang nakatingala sa langit. Mabilis kong pinahid ang luhang nakatakas sa aking mata nang may kumatok. Mayamaya'y bumukas ang pinto. Hindi na ako nag-abala pa na lingunin kung sino man ang pumasok. Wala namang ibang pumasok sa silid na 'to magbuhat na ako'y magising kundi si Manang Liza lang. Siguro titingnan lang niya kung kinain ko na ba ang dala niyang pagkain kanina. "Mabuti at kumain ka na, Hija. Josefa, ligpitin mo na 'tong pinagkainan ni Ma'am," Sabi ni Manang Liza saka naramdaman kong may isa pang pumasok sa kwarto. Marahil 'yong Josefa na tinawag niya ang siyang pumasok. "Masaya ako at kumain ka na, Hija. Siya nga pala, kumusta na ang pakiramdam mo? Hindi na ba sumasakit ang noo mo?" Napaayos ako ng upo at hinarap si Manang Liza. Wala namang masama kung makagaanan ko siya ng loob. Siya lang din naman ang nakikita at nakakausap ko magmula pa kanina. "Pasensiya na po kayo sa inasta ko nong una," Nakayuko kong sabi. "Wala 'yon, Hija, naiintindihan kita. Kung ako naman ang nasa sitwasyon mo ay gano'n din ang gagawin ko," Sabi niya Sinundan ko lang ng tingin ang kamay niyang nakahawak ngayon sa kamay ko. Parang may humaplos sa puso nang maramdaman ko ang kamay niya. Bigla kong naalala si Nanay Perla. "Sana nasa mabuti silang kalagayan ni Mama," Sa isip ko. "'Wag kang mag-alala, Hija, malalampasan mo rin ang lahat ng pagsubok na ito. Manalig ka lang sa kanya," Sabi niya bago bitiwan ang kamay ko at tumayo. "O siya, gabi na. Kailangan mo ng magpahinga at kung may kailangan ka 'wag kang mahiyang tawagin ako," "Salamat po," Ningitian lang ako ni Manang Liza bago lumabas ng kwarto ko. Muli akong napatingala sa langit. "Pa, Ma, magkikita pa ulit tayo. Pangako po 'yan,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD