Chapter 3

1624 Words
Chapter 3 Suzanne Medina "Si Suzanne," Hindi ko na napigilan ang sariling pumasok sa kwarto nina Mama sa narinig ko. Kapwa sila nagulat nang makita ako lalong-lalo na si Papa na nanlalaki ang mga mata at napalunok pa. "Ano 'yong narinig ko mula sa inyo, Pa?" Kahit narinig ko na kanina ang sinabi niya gusto ko pa rin makita kung ano ang itsura niya habang sinasabi ang mga katagang 'yon. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko habang hinihintay na magsalita si Papa. "Anak," Mahinang sabi ni Mama nang makita akong nakatayo sa may pintuan. Hindi ko pinansin si Mama. Hindi ko hiniwalayan ng tingin si Papa na ngayo'y hindi na mapakali sa kanyang kinatatayuan. "Pa?!" "Ikaw ang gustong kabayaran ng pinagkakautangan ko, " Mabilis na sabi ni Papa habang walang ekspresyong nakatingin sa 'kin. "Mateo!" Matigas na sabi ni Mama kay Papa. Mariin akong napapikit. Tama nga ako at kitang-kita sa mga mata ni Papa na handa niya akong gawing pambayad sa kung sinong pontio pilatong 'yan. Hindi ko alam kung ano ang naging kasalanan ko. Naging mabuti naman akong anak kahit minsan hindi ko sila sinusunod. Naging mabuti rin akong guro at wala akong inaapakang tao sa tanang buhay ko. Pero bakit nangyayari sa 'kin 'to? "Anak, halika na pumunta na tayo sa kwarto mo. Kakarating mo lang at siguradong pagod na pagod ka. Sandali kumain ka na ba? Ipaghahanda kita ng hapunan kay Nay Perla. 'Wag mo ng intindihin ang pinagsasabi ng ama mo," Sabi ni Mama nang makalapit sa 'kin. Iwinaksi ko ang kamay ni Mama. Ayokong umalis gusto ko pa marinig kung ano pa ang sasabihin ni Papa. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagkagulat ni Mama sa ginawa ko. I'm sorry, Ma pero kailangan kung harapin si Papa. "Pa, sabi mo no'ng bata pa ako, ikaw ang superhero ko at nangakong ipagtatanggol ako sa lahat ng gustong manakit sa 'kin. Pero bakit ngayon, ibibigay mo ako sa kung sinong pontio pilatong 'yan? Ginawa mo akong pambayad utang. Bakit Pa?" Hindi ko na napigilang umiyak. Masakit, e. Ang kaisa-isang taong na tinitingala ko. Ang superhero ng buhay ko ay siyang magdadala sa 'kin sa kapahamakan. Nagmamadali akong lumabas sa kanilang kwarto nang wala akong makuhang sagot mula kay Papa. Narinig ko pang tinawag ako ni Mama ngunit hindi ko na 'yon pinansin pa. Ayoko muna silang kausapin lalong-lalo na si Papa. Gusto ko munang mapag-isa. Dumiretso ako sa kwarto ko at ini-lock ang pinto. Hindi na rin ako nag-abalang magbihis pa. Hindi ko na rin pinansin ang mga katok at pagtawag nila sa pangalan ko mula sa labas ng kwarto. -----***----- Mabibigat ang mga mata ko na ako'y magising. Isama mo pa ang pagkalam ng aking tiyan. Dahil sa nangyari kagabi hindi na ako lumabas pa ng kwarto. Nakalimutan ko ng maghapunan. Iyak lang ako ng iyak kagabi hanggang sa nakatulog na ako. Mabuti na lang at sabado ngayon walang pasok sa eskwela. Bumangon ako at pumasok ng banyo. Kahit wala akong pasok sa eskwela, may pasok naman ako sa kompanya namin. Atleast wala akong meeting ngayong araw na 'to puro papeles lang ang kakaharapin ko ngayong araw. Kung pwede lang 'wag ng pumasok ay gagawin ko kaya lang maraming umaasang empleyado at kahit galit ako kay Papa hindi ko basta-basta na lang pabayaan ang kompanya. Matapos akong makapagbihis bumaba na ako. Naabutan ko si Nanay Perla na naghahanda ng almusal. "Nand'yan ka na pala, hija. Halika at kumain ka na. Hindi ka na nakapaghapunan kagabi," Palinga-linga ako baka nandito pa sina Mama at Papa. Hindi ko pa kaya silang makita lalo na si Papa. "Maaga silang umalis, Hija. Hindi ka na nila ginising," Naupo na ako sa hapag-kainan. "Kayo po, Nay kumain na po kayo?" "Tapos na ako, Hija. Salamat," Hindi ako iniwan ni Nanay Perla habang kumain. "Hija, 'wag kang mag-alala malalampasan niyo rin lahat ng pagsubok na kakaharapin niyo," Napatitig ako kay Nanay Perla. Alam kaya niya ang kinakaharap ng pamilya namin ngayon? Malamang matagal na siyang nagta-trabaho sa'min at tinuring na rin namin siyang kapamilya. "Lahat ng nangyari ay may dahilan," Tama si Nanay Perla lahat may dahilan. Ipagdasal na lang natin na maganda ang dahilan na 'yan. "Tapos na po ako, Nay. Salamat po sa almusal at mauuna na po ako. Marami pa po akong trabaho sa opisina." "Hija, ipinagbilin ng ama mo na 'wag kayong palabasin ng bahay," "Ano? Paano ang trabaho ko?" "May inatasan na ang iyong ama na gumawa ng trabaho mo. Ayaw niyang isugal ang kalayaan mo. O siya, magpalit ka na roon at liligpitin ko na muna itong pinagkainan mo," "Sige po, Nay. Akyat na po muna ako." Mabilis akong lumabas ng kusina at nagtuloy-tuloy sa main door. Wala silang pakialam kung lumabas man ako. -----***----- "Magandang umaga, Ma'am. Akala ko po hindi kayo papasok ngayon. Sabi ni Mr. Medina masama raw po ang pakiramdam niyo," Salubong sa 'kin ni Amanda, ang sekretarya ni Papa. Napalabi ako sa ginawang dahilan na aking magaling na ama. "Bumuti-buti naman agad ang pakiramdam ko nang makainom ako ng gamot at saka marami tayong trabaho ngayon," "Oo nga po. Ano po gusto niyong inumin?" "Bwered coffee lang. Thank you," Mabilis na tumakbo ang oras at ngayon uwian na. Kaninang tanghali tawag ng tawag sina Mama at Papa at napagalitan ako dahil lumabas ako ng hindi nagpapaalam sa kanila. Ano ako bata? At saka rito lang naman ako sa opisina. "Ma'am, hindi pa ba kayo uuwi? Alas cinco y medya na po," Sabi ni Amanda. "Mauna ka na, Amanda malapit na rin naman ito." "Sige po. Alis na po ako." Nag-unat-unat ako ng braso matapos kung pirmahan ang mga dapat kong pirmahan. Alas sais na pala. Kinuha ko ang cellphone ko para i-text sana si Mama na pauwi na ako pero bigla itong nag-ring at pangalan ni Papa ang rumirehistro. "Nasa'n ka na? Umuwi ka na ngayon din. Aa-" Biglang nawala sa kabilang linya si Papa,. "Hello Pa? Hello?" Napatingin ako sa cellphone ko. Low battery na pala ito. Agad kong niligpit ang mga gamit ko at nagmamadaling tinungo ang parking lot. Pagdating ko sa bahay bumulaga sa 'kin ang mga ilang maleta. Naroon na rin ang dalawang maleta ko. Agad dinumbol ng kaba ang dibdib ko. "Ma, Pa, Nanay Perla?" Tawag ko sa kanila. Nakita kong nagmamadaling bumaba si Papa ng hagdan. "Nand'yan ka na pala. 'Wag ka ng magpalit ng damit. Tulungan mo akong ipasok ang mga maleta natin sa kotse," "Pa, ano po bang nangyayari at nasa'n sina Mama, Nanay Perla at ibang kasambahay?" Masama ang kutob ko sa mga kinikilos ni Papa. "Pinauwi ko na ang lahat ng kasambahay natin. Si Mama mo at Manang Perla ay nauuna sa rest house natin. Bilisan mo na ang kilos mo baka maabutan pa tayo rito," "Maabutan nino?" Nagtatakang tanong ko. "'Yong mga tauhan ng pinagkakautangan ko," Parang lalabas na ang puso ko sa dibdib ko nang marinig ang sinabi ni Papa. Isa lang ang ibig sabihin nito kapag naabutan kami tiyak na papatayin nila si Papa at sapilitang kunin ako. "Diba hanggang sa susunod na araw pa ang palugit niyo bakit tayo aalis ngayon?" "Hindi natin alam ang kilos nila baka nga at paparating na ang mga 'yon rito sa bahay natin. Hindi makapagkakatiwalaan ang hayop na 'yon kaya mabuting handa tayo. Sige na kumilos ka na." "Kung hindi pala makapagkakatiwalaan ang pontio pilatong 'yon bakit nangutang ka pa sa kanya?" Wala na akong narinig mula kay Papa. Hindi ko na lang din inuisa pa at kumilos na lang din. Buong buhay ko hindi ko naisip na lilisanin namin ang bahay na ito. Napakarami naming magaganda masasayang alaala rito. "Patawarin mo ako, princess. Hindi ko talaga gustong iwan ang bahay nating ito pero kailangan. Hindi ko rin kayang ibigay ka sa hayop na 'yon," May namumuong luha sa aking mga mata. Hindi rin pala ginusto ni Papa na ibigay ako sa pinagkakautangan niya. "Paano po ang koññmpanya natin? Pinaghirapan niyo po 'yan ni lolo," "Tulad ng bahay nating ito, masakit man pero kailangan din nating iwan. Sana ay maintindihan ako ng lolo mo kung nasa'n man siya ngayon," Hindi ko na napigilang umiyak. Buong buhay ni Lolo at Papa iginugol nila sa pagpapalago sa negosyo tapos ngayon iiwan na lang namin ito basta-basta para sa kaligtasan ko, naming buong pamilya. "'Wag kang mag-alala princess nangangako ako kapag nakabangon-bangon tayo ay babawiin ko ang kompanya natin at itong bahay na 'to," Biglang natunaw ang galit ko kay Papa at niyakap siya. Hindi siya totoong superhero, tao lang din siya nagkakamali rin at alam kong pinagsisihan niya ang mga nagawa niyang mali. "Tama na nga itong drama natin. Maaabutan na talaga tayo nito," Mabilis akong napakalas sa kanya saka kinuha ang maleta at isinakay sa kotse. 'Yong ibang gamit babalikan na lang namin. 'Yon ay kung may mababalikan pa kami. "Wala ka na bang ibang nakalimutan, princess," "Wala na po," Sabi ko habang papasok ng kotse. Palabas na sana kami ng gate nang may biglang humarang sa'min na isang itim na van. "Papa," Nanginginig ang buong katawan ko nang may bumababa na apat na lalaki mula sa van na 'yon. Naramdaman ko ang kamay ni Papa na nakahawak sa kamay ko. Kita ko sa mga mata niya na natatakot din siya. "Princess, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, kayo ng mama mo," "Papa naman, 'wag kayong magsalita ng ganyan," Pakiramdam ko ito na ang huling beses na makasama at makausap ko si Papa. Naramdaman ko ang paghalik ni Papa sa ulo ko. "'Wag kang lalabas, ako na ang bahala rito. Kapag lalapitan ka ng isa kanila patakbuhin mo agad ang kotse at iwan ako," "Hindi, Papa. Hihintayin kita. Hindi kita iiwan," Ningitian lang ako ni Papa bago bumababa ng kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD