Aerin POV The next morning, nagising ako na magaan ng muli ang pakiramdam ko. Wala ang lagnat at pati na rin ang nakakainis na sakit ng ulo ko. Hindi na rin ako giniginaw katulad ng nararamdaman ko kahapon. In fairness ang galing ng mga yakap at katawan ni Billy. Dahil doon gumaling na ako kaagad. Nyahaha. Napangiti ako at ibinaon ang aking mukha sa malambot na unan. Naalala ko kasi ang nangyari kagabi kung bakit hanggang ngayon ay wala parin akong saplot. Uy, wag na nga kayong ano dyan. Wala namang nangyari sa amin ni Billy. Natulog lang kami. Yun lang yun. Nakakainis nga eh! Sabi ko sa loob ko. Pakipot kasi 'yong nililigawan ko. Ang hirap kunin yung puso. Grrr! Nang alam ko na okay na ako ay tuluyan na akong bumangon mula sa pagkakahiga. Nakita ko nasa lapag pa rin ang damit na hi

