Billy POV Halos maghahating gabi na ng makarating kami sa bahay ni mommy. Wala kasi akong ibang maisip na lugar na pwede kong pagdalhan kay Aerin kung hindi dito lang. Isa pa, hindi naman kami pweding mag check-in sa mga Hotel ng ganito ang mga itsura namin. Isama mo na rin na, kilala si Aerin bilang isa sa mga famous na anak ng mayayaman dito sa Pilipinas. Ayoko naman na pagkaguluhan lamang ito ng media. Ako na rin ang nagmaneho pauwi dito sa bahay ni mommy. Pinag idlip ko na rin muna si Aerin dahil alam kong napagod ito sa mga nangyari kanina at sobrang na gulat din. Alam kong first time lang din nito na ma-experience ang nangyaring barilan kanina habang ako ang kanyang kasama. Nakakaawa nga eh. Kung tutuusin, hindi niya alam kung hanggang kailan ba siya titigilan ng mga tao na g

