Nang makapasok sa isang pinto ay bumungad sa amin ang secretary ni Renz na abala sa monitor ng kaniyang laptop, halos dinig ko rin ang sunud-sunod nitong pagtipa sa keyboard. "Good morning, Sir," pagbati nito na hindi man lang kami nililingon. "Pasensya na po, nasa kalahati pa lang kasi ako pero tingin ko ay aabot naman ako sa deadline." Anong deadline ba 'yan? Parang kagabi lang din ay hindi magkandamayaw si Renz sa pagtapos ng paperworks niya, dinala pa nga nito iyon sa penthouse dahilan para mapuyat siya kagabi. Kumunot ang noo ko sa kaiisip kung anong klaseng project o proposal ba ang ginagawa nila. Seems like it's important, I wonder what it is. Grabe ang effort nilang dalawa. "Ruby, I'm with my wife," pahayag ni Renz kaya natigil ito sa ginagawa. Dahan-dahan ay nag-angat ito ng t

