Hindi ko alam gaano katagal na kami magkatitigan ni Third. Simula kasi nang sabihin niya iyon ay hindi na ako umimik, tuluyan na ring nalaglag ang panga ko sa sahig. "You don't have to rush yourself, pag-isipan mo muna," aniya matapos ang ilang minutong katahimikan. "Bakit?" sambit ko habang hindi makapaniwala sa narinig. Kalmado lang ako pero f**k, sobrang lakas na ng t***k ng puso ko na nagawa ko pang maging casual sa harapan niya. Walang expression kong sinusuklian ang mainit nitong paninitig. "I don't know, I have this feeling na dati na tayong magkakilala, based on your reaction when we first met," dagdag nito na lalong nagpagulo sa isipan ko. Gayunpaman ay marahan akong tumango at kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang nagbabadyang inis. Ano bang nangyari sa kaniya? Tala

