CHAPTER 2: Swear

1154 Words
Mhina Hinintay ko na munang makaalis ang mga babae bago ako lumabas ng cubicle. Nangangatal ang katawan kong nagtungo sa countertop. Binuksan ko ang gripo at isinahod sa tubig ang nangangatal kong mga kamay. Paulit-ulit akong naghilamos ng mukha ko upang sumama doon ang mga luha kong hindi maubos-ubos. Napatitig ako sa hitsura ko sa salamin. Ang dating slim kong mukha, ngayon ay umaapaw na sa taba. Umabot na rin sa tatlo ang baba ko at naglaho na rin ang leeg ko. Muntik nang hindi magkasya sa katawan ko ang coat na ibinigay sa akin ng guwapong lalaki kanina. Buti na lang at medyo malaki ito. Malayong-malayo na ako sa dating Mhina na puno ng self-confidence ang sarili. Malayong-malayo sa maganda at dati kong sexy na katawan. Sino nga ba ang magmamahal sa akin kung ganito ang hitsura ko? Napahinga na lang ako ng malalim bago pinunasan ang mukha ko gamit ang kumpol ng tissue. Kaunting kapiraso lang ng tissue ay hindi na rin maaari sa mukha ko. Naglaho na ang make up at lipstick ko ngunit hindi ko na ito pinagkaabalahan pang ayusin. May magbabago pa ba? Wala rin naman. Kapag ganito ang katawan mo, kahit ano pang ayos ang gawin mo, pangit ka pa rin sa karamihan. Makakatanggap ka pa rin ng kung ano-anong panlalait mula sa kanila. Lumabas na ako ng banyo ngunit nagulat ako nang maaktuhan ko sa labas si Daemon. Nakasandal siya sa pader habang nakapamulsa at tila naghihintay sa akin. Napansin ko ang paglibot ng paningin niya sa postura ko. "Ang lakas din naman ng loob mong gumamit ng ganyan mula sa ibang tao? What do you think of yourself? Do you think he will like you? Maganda ka ba?" panunuya niyang tanong sa akin habang umaakyat-baba ang paningin niya sa mukha ko at sa katawan ko. "H-Hindi ko naman ito hiningi. Pinahiram niya lang naman--" "Take off that s**t!" bigla niyang bulyaw sa akin na siyang na ikinahinto ko. Kaagad akong napalingon sa bukana ng hallway. Ipinagpapasalamat kong walang tao doon at sana ay wala ring nakarinig sa kanya. Muli ko siyang nilingon at maka-ilang ulit napakurap habang nakatitig sa madilim niyang anyo. "E-Eto na. H-Huhubarin ko na." Hinubad ko na kaagad ang coat sa harapan niya bago pa kami makaagaw ng atensiyon ng mga taong naririyan lang sa malapit. Mabuti na lang din at mukhang walang tao sa boys' restroom at sa girls' restroom na nasa likuran ko. "Hindi ka na nahiya. Gumawa ka na nga ng eksena do'n--" "Sige, hindi na ako sasama sa susunod," kaagad kong putol sa kanya. "Ikaw lang naman ang may kagustuhan na sumama ako dito, 'di ba?" Kaagad ko na siyang tinalikuran ngunit nahagip niya ang braso ko at malakas niya akong hinila pabalik sa harapan niya. "Ako pa ang pagmamalakihan mo?! You've already embarrassed me with my business partners and my family who are there, that's how you're gonna answer me?!" Napatiim-bagang naman ako at sinalubong ang mariin niyang pagtitig sa akin. "Hindi ba't ikaw ang nagpapahiya sa sarili mo? Everyone knows you are my husband but who's with you facing them? Am I? Who's the woman you're holding there? Am I?...Kaya huwag mong ibunton sa akin ang lahat ng sisi!" Hindi ko na napigilan pa ang sakit na nararamdaman ko. Malakas kong hiniklas ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at tinakbo ko ang hallway palabas habang walang patid sa pag-agos ang mga luha ko. Natabig ko ang isang malaking vase na nadaanan ko at nangabasag ito sa sahig na lumikha ng malakas na ingay. "Oh, my God!" "What happened?" "Isn't that Mister Daemon's wife?" "Okay ka lang ba, Miss?" "Ganyan talaga kapag malaki ang katawan." Nagsimulang magbulong-bulungan ang lahat ng mga taong naririto sa hall. Saglit akong napahinto at napatingin sa kanila. Napalingon din ako sa kinaroroonan ni Daemon na nasa loob pa rin ng hallway ng mga restroom ngunit mas lalo lamang nagdilim ang anyo niya habang nakatitig sa akin. "Pasensiya na sa inyong lahat. Maaari niyo nang ituloy ang kasiyahan niyo," nakayuko kong hingi ng paumanhin sa kanilang lahat bago ako tumalikod at naglakad palabas ng hallway. "Miss, are you okay?" Napalingon akong muli at nakita kong humahabol sa akin ang lalaking nagpahiram sa akin kanina ng coat. Huminto ako at hinintay ang paglapit niya. "Ayos lang ako. Salamat nga pala dito. Isinusoli ko na." Kaagad ko nang iniabot sa kanya ang coat niya. "Mhina!" Natanaw ko naman sa kanyang likuran ang humahangos na si Daemon. "S-Sige na, a-aalis na ako," pagtataboy ko na sa lalaki. Kaagad na akong tumalikod ngunit bigla niyang hinawakan ang braso ko na siyang ikinanigas ko. 'W-Wait, Miss--ugh!" "Daemon!" napasigaw na lamang ako nang biglang kinabig ni Daemon ang lalaking ito at malakas na sinuntok sa panga! Tumimbuwang kaagad sa sahig ang lalaki. Susugurin niya sana itong muli ngunit kaagad na akong humarang sa harapan niya. "Daemon, tumigil ka!" sigaw ko sa kanya ngunit nanatili ang naglalagablab niyang mga mata sa lalaking nakahiga sa sahig at ngayon ay tinutulungan nang itayo ng mga taong naririto. "Don't you ever touch my wife!" galit na galit na sigaw niya sa lalaki. "Tsk. Kanina lang parang wala kang pakialam sa kanya, and now you're acting like your wife will be taken away from you?" maangas na sagot naman sa kanya ng lalaki habang nagpupunas ng ilong niyang nagdurugo na. "f**k you!" "Daemon!" saway ko nang tinangka niya muling sumugod sa lalaki. Mahigpit ko na siyang niyakap upang mapigilan siya. "But be scared from now on... 'cause the moment I see her looking like a f*****g dog in front of you, I'll never hesitate to take her away from you," mariing sabing muli ng lalaki bago siya tuluyang tumalikod at naglakad papalayo. Natutok naman sa amin ang paningin ng lahat ng mga taong naririto at hindi nakatakas sa aking paningin ang babaeng kalandian kanina ni Daemon. Nakataas ang kilay niya habang nakatitig sa akin. Napapitlag naman ako nang biglang kumalas sa akin si Daemon at nagmartsa paalis, palabas ng hall. "Daemon!" Mabilis ko rin naman siyang hinabol kahit hinihingal ako sa pagtakbo. Nagtungo siya sa parking lot at nagtuloy-tuloy siya sa pagpasok sa loob ng kotse niya kaya kaagad ko ring binuksan ang pinto sa kabila at mabilis ding pumasok sa loob. Naabutan kong pinupokpok niya ng malakas ang manibela at tinatamaan niya rin ang busina na siyang naglilikha ng malakas na ingay sa labas. "Tama na!" saway ko na sa kanya. Lumingon naman siya sa akin habang nanlilisik ang kanyang mga mata. "Never let me see that f*****g asshole come near you 'cause I swear to God, I can kill him!" Mabilis na niyang kinabig ang manibela at pinaharurot ang sasakyan paalis ng parking lot. Ako naman ay napatulala habang nakatitig sa kaniya dahil sa sinabi niya. Hindi ko na maintindihan kung ano ba talaga ang gusto niya? Siguro nga kung tuluyan na kaming maghihiwalay, titigil na siya sa kung anumang ipinaglalaban niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD