Kabanata 3
"KUYA JANUS maraming guest room sa itaas, bakit ka pa uuwi?" pigil ni Ninong Nick kay Papa. Pero mariin naman ang pagtangi ng huli. Kaya napalapit na ako sa mga ito.
"Buti pa ihahatid ko na po muna si Papa, Ninong," presenta ko.
"Anak, hindi pa lasing ang Papa mo. Saka gabi na, ayos lang ako. Dito ka na lang at asikasuhin mo ang ninong mo. Wala ka namang pasok bukas." anitong tumuwid pa nang tayo para makumbinsi ako.
"Sigurado ka ba Papa?" di kombinsidong tanong ko pero tumawa lang si Papa at umalis na. Tuwid naman itong naglakad kaya alam kong hindi pa nga ito ganun kalasing kaya nakahinga ako nang maluwag. Nang hindi ko na matanaw si Papa ay saka ko sinimulang ligpitin ang mga kalat sa mesa.
Pero nagulat ako nang paghawak ko nang bote ng brandy ay siya ring paghawak ni Ninong sa bote, kaya ang kamay ko ang nahawakan nito. Para naman tuloy akong kinuryente dahil doon. At bakit naman kasi ang lapit niya sa akin?
"Ako na po dito Ninong, magpahinga ka na po." Nagawa kong sabihin sa kabila nang bilis ng pintig ng aking puso. Naghahalo ang amoy ng alak at sigarilyo mula sa katawan ni Ninong pero hindi iyon masangsang sa ilong. Dahil nangingibabaw ang amoy ng colonge na gamit nito. At amoy mint rin ang hininga ni Ninong. Hula ko nagtoothbrush siya pag-akyat niya kanina.
"Ayos lang, tulungan na kita baby para mas mapadali ka," muli na naman akong natigilan sa tawag nitong baby sa akin. "Bakit?" usisa nitong nakatitig sa mukha ko.
"Ah...kasi po panay ang tawag mo sa aking baby, hindi na po ako baby, Ninong," napapalunok kong sagot dito. Kita kong pagtaas-baba ng lalamunan nito. Saka ngumiti na lalong namula ang mukha. May pagkameztiso kasi si Ninong dahil sabi ni Papa may dugong Amerkana ang ina nito.
"Nakalimutan mo na siguro. Baby na kita mula noong bata ka pa. Kaya baby ka pa rin para sa akin," nakatawang saad nito. "Amoy baby ka pa rin kasi eh." dagdag nitong ikinalunok ko na naman. Mukhang lasing na nga ito.
"Bahala nga po kayo." sagot ko na lang sabay iwas ng tingin. Pero tumawa ulit ito. Tawang nakaka-akit. Nagulat ako nang hawakan nito ang magkabilang balikat ko.
"Hayaan mo na ang tawag ko sa 'yo, baby Amber," anito, pero hindi ko na napansin dahil nagdulot ng kakaibang kuryente sa pagkatao ko ang mainit na palad ni ninong sa akin.
"Amber Gel, Ninong mo pa rin 'yan. Huwag kang ano..." lihim na sermon ko sa sarili ko. "Kayo hong bahala," sang-ayon ko na lang.
"Saan ka nga mag-aaral pagcollege mo, baby?" tanong nito nang patungo na kami sa kusina.
"Dito na rin lang po sa San Miguel, maayos naman po iyong college dito," totoong saad ko. Ang mga San Miguel ang nagpatayo ng kolehiyo sa bayan at sikat talaga ang paaralan. Dahil ang San Miguel State University ang nag-iisang University sa lugar at sa karatig bayan.
"Sabi nang Papa mo matalino ka raw at nakapasa ka sa ilang University sa Manila, bakit hindi ka mag-aral doon. Mas maganda at mas malaki ang opurtunidad mo kung doon ka mag-aaral," paliwanag nito.
"Naku Ninong, magastos po 'yon saka, walang makakasama si Papa dito kaya okay na po ako dito sa San Miguel State University."
"Kung pera ang problema, hindi mo dapat inaalala 'yon. Scholar ka ng foundation hindi ba? Kaya huwag mong sayangin ang pagkakataon," pagkukumbinsi nito.
"Totoo naman po, kaso malalayo ako kay Papa at sa mga kaibigan ko. Tapos hindi rin naman ganun kadali ang mamuhay sa city sabi ni Papa." totoong saad ko dito.
"Mahirap kong wala kang mapupuntahan. But I'm here for you Angel kaya huwag kang mahiya sa akin. Pag-isipan mong mabuti. At magiging masaya si Ninong kung papayag ka. Anyway mahaba pa ang bakasyon, pag-isipan mong mabuti. Akong bahala sa lahat."
"Sige pag-iisipan ko po. Ako na pong bahala dito Ninong, magpahinga ka na, siguradong pagod ka sa biyahe." taboy ko kay Ninong na nakatitig sa mukha ko.
"Hindi pa ako inaantok eh, gusto ko sanang kumain ng masarap, pero hindi ko alam kong anong masarap lutuin. May maisa-suggest ka ba, baby?"
"Ahmm... ano po bang gusto mong pagkain, kung alam ko, ako na pong magluluto." presenta ko, alas nuwebe pa lang naman ng gabi. Pero tahimik na ang paligid sa labas at tanging mga kuliglig na lang ang maririnig.
Sanay akong matulog nang late kasi madalas nag-aaral pa ako sa gabi. Gusto ko kasing mataas ang grades ko dahil scholar ako ng Foundation na itinatag nang matatandang San Miguel---ang abuelo ng Ninong Nick ko. Kaya gusto ko lagi akong top sa klase. Nagagawa ko naman kaya consistent honor student ako, hanggang ngayon. Valedictorian ako mula elementary hanggang high school. At laging kasama sa recognition with highest honor.
"Ano hong gusto mo Ninong?" untag ko dito nang hindi na ito nagsalita pa. Mukhang nag-iisip nang gusto nito, habang nakatitig sa mukha ko.
"Bukas na lang siguro, pagod ka na rin. Saka hindi ko rin maisip kong anong gusto kong kaining masarap." anitong bumaba ang tingin sa may bandang dibdib ko. Pero kaagad ring ibinaling ang tingin sa ibang direksyon at tumayo na.
"Baby," tawag sa akin ni Ninong nang nasa may pinto na ito ng kitchen. "Puwede mo bang ipaghanda ako nang bihisan." paki-usap nito.
"Ah sige po Ninong. Susunod na po ako." walang gatol kong sagot saka nagmadali na akong nagligpit ng lababo.
Nakabukas ang pinto ng kuwarto ni Ninong kaya pumasok na ako. Inayos ko na kanina ang gamit nito sa closet, habang nag-aantay akong matapos silang uminum ni Papa, kaya madali na akong nakapaghanda nang bihisan nito.
Wala akong nakitang brief ni Ninong kaninang nagliligpit ako kaya boxer na lang ang ihinanda ko.
"Hindi siguro siya nagbi-brief." nasabi ko na lang, habang inihahanger ko ang bihisan nito sa hanging rack na naroon. Pero hindi pa man ako nakakatapos nang lumabas si Ninong sa banyo. Kaya humalimuyak ang mabangong amoy mula sa banyo dahilan upang mapalingon ako dito.
Kaya ata lagi siyang mabango dahil madalas maligo.
Muntik na akong mapanganga nang makita kong nakatapis lang nang maliit na tuwalya si Ninong Nick. At kita ko ang malapandesal nitong tiyan at maskuladong hita at binti. Pero mas nakakatawag pansin ang harapan nito.
"E--eto na po Ninong ang bihisan mo." napapalunok kong saad saka ako tumalikod na.
"Angel," napahinto ako sa paglabas sa silid nito dahil sa tawag ni Ninong. "Doon ka matulog sa kabilang kuwarto, sa extension nitong kuwarto ko. Para madali kitang matawag."
"Ho? Naku... sa guest---"
"Ako nang nagsasabi. You can use my old room. Sabi nang Papa mo, madalas kang binabangungot sa gabi."
"Ah.... opo."
"Para hindi rin mag-aalala ang Papa mo na nandito ka."
"Sige ho, pero bukas na lang siguro. Aayusin ko pa po 'yon."
"Oo nga pala. Okay lang dito ka na lang sa kuwarto ko, malaki naman ang kama. Or if your not comfortable, malaki ang sofa bed."
"Ho!" bulalas ko. Ako matutulog sa kuwarto ng Ninong Nick ko? Aba'y bet na bet ko 'yon. "Nakakahiya po ata, Ninong ang kapal naman nang mukha kong matulog sa kuwarto mo." nasabi ko pa rin sabay yuko upang itago ang ngiti sa labi ko.
Ayaw ko naman maging sobrang halatang atat na makasama ko si Ninong Nick ko sa iisang lugar---lalo na sa kuwarto.
Baliw siguro ang iisipin sa akin ng iba, dahil nagkakagusto ako sa lalaking halos labing pitong taon ang tanda sa akin. At Ninong ko pa at matalik na kaibigan ni Papa. Pero mula noong 15 ako kay Ninong Nick ko lang naramdaman ang kakaibang damdaming hindi ko pa nararanasan sa mga lalaking kaedad ko.
At alam ko sa sarili ko, si Ninong Nick lang ang gusto ko. Siya ang lalaking gusto kong maging asawa balang araw. Dama ko ang excitement sa utak ko dahil sa isiping iyon.
Bigla naging advance akong mag-isip ngayon. Dati pantasya ko lang na bumalik si Ninong Nick. At ngayong nandito na ito. Umabot na agad sa pag-aasawa ang ambisyon ko.
Ganun ko nga siguro kagusto si Ninong Nick.
Guwapo at matikas si Ninong, matangkad at matipuno ang katawan.
Pero ang higit na gustong-gusto ko kay Ninong ay ang matangos nitong ilong, at malalim na dark brown nitong mga mata na tila nangungusap. Dahil sa bawat titig sa akin ni Ninong, parang gusto kong matunaw sa bisig niya.
"Huwag kang mahiya Angel, Ninong mo naman ako at baby kita kaya okay lang."
"Pero hindi na po ako baby ngayon ninong, dalaga na po kaya ako." nahihiyang giit ko na ikinatawa nito.
"Alam ko naman 'yon, baby. Kaya nga lalong dapat kang nasa malapit ko lang ngayon. Hindi ako makapaniwalang lalaki ka nang ganyan kaganda. Kaya gusto kitang alagaan at ingatang mabuti." seryoso nitong sabi kaya lalo akong na-e-excite.
"Alagaan po?" tila wala sa sariling tanong ko dito.
"Oo, gusto kitang alagaan, Amber Gel," seryosong saad nito sabay lunok kaya hindi ko napigilang mapakagat labi dala nang panunuyo nang aking lalamunan. Pero hindi nakaligtas sa mata ko ang mariing pagpikit nito. Kung bakit, hindi ko masabi.
"Pero mga bata lang po ang inaalagaan Ninong," mahinang saad ko sabay iwas nang tingin dahil napapatitig na naman ako sa malapandesal nitong abs.
"Ang dalagang tulad mo, dapat alagaan," makahulugang saad nito, at pakiramdam ko parang kiliti sa batok ko nang malalim at seryosong tinig ni Ninong.