SAVI’S POV “Anak, doon ka muna ulit kina Lolo mo, ha? May gagawin lang si Mommy.” Pagkausap ko kay Aiken habang kumakain siya ng spaghetti. Again. Agad namang nagliwanag ang mukha ng anak ko. “Talaga po, Mommy? Yes!” Masaya niyang saad. Mahigit isang buwan na kami rito at masasabi kong sa loob noon ay mabilis na nakapag-adjust ang anak ko sa kapaligiran dito. Lalo na sa mga taong nakakasama nito. Marunong na rin siyang mag-Filipino pero may bahid pa rin ng konting accent. Hindi naman maiiwasan iyon lalo pa't nasanay siya sa London. Pero nakakatuwa na sobrang close agad niya sa parents ni Aiden. Ayaw na ngang humiwalay, e. Tsaka palaging may bitbit siyang mga laruan at damit sa tuwing sinusundo ko siya kina Mommy (Iyon daw ang itawag ko sa kanila) o kaya naman kapag hinahatid nila pau

