KHALA Nagising ako na hindi sa aking kwarto nagtaka ako kung bakit may nakalagay na IV Fluid sa aking kamay. Nakita ko sina Mommy at Daddy nakaupo sa sofa. Nagtaka ako kung nandito at kung ano ang nangyayri sa akin. Nakita ko na nasa ospital na ako? Ang natandaan ko lang naman kagabi natutulog ako sa aking kwarto. "Oh my gosh! Thank you Lord! Gising ka na sweetheart. Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo? Sweetheart naman bakit ka nagka ganun? Diba napag-usapan na natin kahapon. Alam mo naman na nandito lang kami ng Daddy mo. Please sweetheart huwag na huwag na mo ng ulitin please. Hindi ko kaya na Iwan mo kami anak." Naluluhang sambit ni Mommy. Nangunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Hinawakan naman ni Daddy ang aking kamay. "Mom, Dad? What happened to me? Bakit nandito ako

