CHAPTER SIXTEEN SLIGHT SPG

1567 Words

Pagkalabas ni Kennedy sa loob ng silid tiningnan kaagad ni Khala ang kanyang cellphone. Ganun nalang ang pagkunot ng kanyang noo sa nabasa. "Kaya pala ganun nalang ang kinilos ni Kennedy." Kausap ni Khala sa kanyang sarili. Tinali niya ang kanyang buhok saka napabuntong hininga sa nabasa. Nanatili muna siya sa ibabaw ng kama. "Bakit nandito siya sa Pilipinas?" tanging usal ni Khala. Si Rafael ay kaibigan niya mula pa pagka bata nila. Pero pag dating ng high school umalis siya na walang paalam. Aaminin niya, nasaktan siya n'ong umalis si Rafael. Hindi sa gusto niya ito, kundi naging magkapatid ang turingan nila sa isa't-isa. Pero biglang umalis si Rafael na hindi manlang nagsabi kay Khala. Nagpakawala ng malalim na hininga si Khala saka bumaba na sa kama para sundan ang kanyang boyfriend.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD