"Best kamusta ka, okay ka lang ba? Wala bang masamang nangyari sa'yo? Hindi ka ba sinaktan ng mga gago?" Sunod-sunod na tanong ni Analyn kay Khala ng dumating siya sa police station. Ngayon niya lang nalaman ang nangyari kay Khala. Kaya n'ong nalaman niya kaagad siyang pumunta dito sa police station. Sobra ang pag-alala niya sa kanyang kaibigan. Niyakap niya kaagad ang kaibigan ng makita niya ito sa loob ng police station. Napangiti naman si Khala dahil nakikita niya ang pagmamahal ng isang kaibigan. Yumakap din kaagad si Khala sa kaibigan. Nasa loob na s ngayon ng opisina ng imbistigador sina Kennedy at Khala upang magbigay ng statement. Kaya sinabi muna ng isang police na kung pwedi sa labas nalang muna silanat duon maghintay. Ang akala nila lalabas na si Analyn ngunit humirit pa ng sali

