Nagising si Kennedy habang mahigpit na kayakap si Khala. Napangiti siya ng maalala ang nangyari sa kanilang dalawa kagabi. Mahimbing pa rin ang tulog ng dalaga habang nakaunan sa mga bisig ng nobyo at mahigpit ang kanyang yakap. Hinawi ni Kennedy ang buhok sa mukha ng nobya at dahan dahan na hinalikan sa naka-awang labi ni Khala. Alas singko na ng umaga kaya kailangan niya ng magluto ng almusal. Lunes ng umaga ngayon kaya balik na sa trabaho ang nobya. Gusto niyang alagaan ang kasintahan kaya siya ang magluto ng kanilang almusal. Maingat niyang inangat ang ulo ni Khala sa kanyang braso. Ngunit mas humigpit ang yakap ni Khala sa kanya. Kaya nanatili muna siya ng ilang minuto na nakahiga. Hinaplos haplos niya ang buhok ng kasintahan habang minamasdan ng maigi. "Napaka ganda mo talaga Mahal

