Hinili ko ang maliit na kamay ni Levi papasok ng school nya. Ang makulit na bata ay umiiyak habang hila ko, ayaw mag pa iwan.
"Levi," pilit na patahan ko.
"A-ate Levi ayaw iwan," pigil hikbi nya pang sabi.
Naaawa ko syang tinignan. Gustohin ko mang bantayan sya dito ay hindi pwede, may pasok ako sa biology. Hindi ko pwedeng ipag paliban at baka may biglaang quiz, major subject ko pa naman yun. Si mama naman ay may trabaho.
Lumuhod ako sa harapan nya at pinunasan ang mga luha sa matambok nyang pisnge.
"Levi bibili lang si ate ng snack mo ha? Babalik ako kapag reses mo na, okay ba yun?"
He pouted. Niiyak na naman.
"M-matagal po ba yun?"
Bumuntong hininga ako. Ganito pala kapag meron kang nakakabatang kapatid. It's fun but more on trying on how long is your patience.
"Hindi baby, babalik agad ako. Kita mo yun?" turo ko sa malaking kahoy sa tabi ng bintana ng room nya. "Tingin ka lang don makikita mo ako."
His eyes lift with happiness. I smiled. This kid really. Tumango sya ng sunod-sunod. Hinawakan nya ang balikat ko at bahagyang tumingkayad, hinalikan ang pisnge ko.
"Okay ate!" masayan nitong saad.
Nag tatatakbo ang makulit na bata sa tuwa habang papasok sa silid nila. Ang kulit talaga parang ayaw ko na syang tumanda agad. Ang bilis pa naman ng panahon.
Why do I feel like I'm the mother now?
Natagalan ang suyo ko kay Levi kaya na late ako sa biology pero pumasok pa din ako. Sakto namang pag pasok ko ay nag number one na sa quiz. Sabi na eh. This teacher doesn't disappoint me with his subject full of surprises. Buti nalang nag basa ako kagabi.
I didn't sleep well last night kakaisip kung pupunta ba ako sa laro ni Nash o hindi. So instead of thinking about him, I distract myself from reading of some of our subjects that has been discussed.
Good choice Ukaye. Hindi ka butlog for today.
Hindi pa man ako naka upo ay tinawag na ako ni Sir Zack, our teacher for biology. He is one of the teacher na strikto pero hindi naman mababa mag bigay ng grades. Well sa'kin oo pero I don't know the others, I even heard them sometimes bubbling about getting low grades from him. Straight one nga ako sa subject nya.
"Where were you Ms. Marquez??
"Ahm..." great and now I don't know where my words are.
Kumunot ang noo nya ng hindi agad ako nakasagot. Ano kaya iniisip nya? Chinito sya at matangkad, I learned that he is still in his twenties fresh graduate. Hindi kami mag kalayo ng edad but look at him, almost successful. Kaya maraming nagkakagusto sa kanya despite of his rude attitude.
Isama mo pa mukha nyang laging galit.
"Sorry for being late sir. I was dropping off my brother for school. Na tagalan lang po kase ayaw ako bitiwan, sorry po," magalang na sagot ko.
I don't want to ruin his good expression on me lalo na't nasa presidents lister ako. I cannot afford to lose that. Yan lang ang kaya kong ibigay sa mga magulang ko sa ngayon. I don't want to disappoint them.
Hindi na wala ang kunot ng noo nya pero tumango pa rin and motion me to sit. Salamat naman.
"You have 5 minutes to prepare," he look at his watch before facing us. "Ten minutes before we start our quiz, this would be 100 items. We'll wait for Ms. Marquez,"
Narinig ko ang masayang singhap ng iba ang iba naman ay nag bulongan. Issue na naman to palibhasa puro bagsak.
Mga bulok.
Almost one hour when he dismisses us. Pinatawag pa ako sa office para kumuha ng late form. As usual I'm the highest score nadali lang ako sa number 53 and 60 dahil nakalimutan ko. But I'm sure that I read that part.
I was walking when Gigi almost give me a heart attack ng bigla nya akong hinila pa labas ng campus. Hindi na ako nakapag protesta ng isinakay nya agad ako ng taxi. Nag rarant ako sa loob pero parang wala syang naririnig, kaya pinigilan ko nalang ang sarili ko dahil nakakahiya di naman kay kuya.
Pilit akong hinila ni Gigi papasok sa gym dahil mag sisimula na daw ang laro at ayaw daw pumasok ni Nash sa court, hinihintay raw ako. Ang oa pakinggan.
"Gigi ano ba?"
"Sige na girl wag ka ng choosy,"
"Sabi ng ayoko eh! Ikaw na mag dala nitong tumbler nya," inabot ko yun sa kanya.
Kita sa mukha nyang malapit na ma walan ng pasensya sa'kin. Ako din malapit na.
"Bakit hindi nalang ikaw? Eh ikaw ang ex, ikaw nga ang hinahanap,"
"Huh? Anong pinagsasabi mo," pilit kong binawi ang siko ko na ngayong hawak nya para hindi ako makatakas.
"Anong anong pinagsasabi ko eh halata naman dpa naka move on sayo yun,"
Sumasakit ang ulo ko sa baklang to kung ano ano nalang pinagsasabi para lang mapasama ako sa loob. Akala nya ba ay makuha nya ako sa pa ganyan nya? No I'm not that ediot.
It just that's very impossible to happen.
"Bat mo ba kasi hiniwalayan? Sabi ko naman sayo dàti na hindi ka tatantanan ng lalaking yon," seryuso nyang usal habang naka tingin sakin ng diretso.
Parang may bahagyang kirot ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Bakit ganito. Bakit parang ang sakit.
Sino ba ang lalaking yun sa buhay ko?
We stared at each other for a minute. Mas lalo akong nanlumo ng kita ko kung gaano sya ka seryuso. Walang halong biro ang mukha. Is he really being serious? Ex ko ang lalaking yon? Ayaw kong maniwala. Sinasabi nya lang yun para pumayag akong manood.
"Don't fool me Gigi," please baka maniwala ako. Baka mag papakatanga ako.
Naglakad ako paalis pero hindi paman ako nakakalayo ay hinila nya ulit ako. Sa lakas nya ay hindi ako nakapalag. Mukhang nakalimotan kong lalaki rin pala to, kaya hindi ko na napigilan dahil sa higpit ng pagkakahawak nya mukhang wala talagang balak patakasin ako.
"Gigi..." I begged.
"Just this once Ukaye, you are my bestfriend but all of your life hindi ka nag papaka girlfriend kay Nash. Kahit ito lang bumawi ka kahit hindi na kayo."
I was sitting beside Gigi na kanina pa tahimik. I want to talk to him pero natatakot ako sa mga sagot nya sa tanong ko. I'm afraid all he said was true. Was that guy really this girls ex? And hindi nya tinuring na boyfriend si Nash? How come...
Maraming tanong ang utak ko pero ayoko syang tanongin. Dahil natatakot ako sa magiging sagot.
"Gigi?"
Nabigla ako ng bigla nya akong yakapin.
"Sorry girl, na dala lang ako alam ko namang sinabi mo na hindi mo na gustong marinig ang tungkol sa kanya pero kahit ito lang gawin mo," sumingot singot pa sya tanda na umiiyak.
"Okay lang," hinimas ko ang likod nya.
"Kawawi naman kasi si papy Nash eh pero kung ayaw mo talaga..."
Tinakpan ko ang bibig nya. Ang baho kasi ng hininga. Hindi pa din nag babago, sinabihan ko ng mag toothbrush hindi man lang nagawa.
"Hindi... wag kana mag salita. Para sayo to if you want me then I will pero ito lang ha,"
"Kyahh!" tili nya at kinurot ako kaya nabitawan ko ang bibig nya.
Nag simula na ang laro pero hindi pa rin naka score ang school namin. Ang laki na ng lamang. Lahat kami ay nanlumo ng naka score na naman ang nasa kabilang side na ngayon kay parang sure ng sila ang mananalo.
Kita ko pa ang pag taas ng middle finger ni Gigi sa kabila.
"Oh ito pakyu!"
Pinalo ko naman ang daliri nya.
"Ano ba yan ante matatalo tayo nito kapag hindi papasok yang manok mo," aba sinisi pa ako.
Pinalo ko na naman sya. "Hoy hindi ko manok yan,"
"Aray! Pang ilan mo na yan ha, sumsubra kana," he poke my forehead a little.
Sinulyapan ko naman si Nash na ngayon ay nilibot ang paningin sa lahat ng tao na parang may hinahanap. When his eyes found mine he immediately stand up and his face lightened. I smiled to assure him that I will not leave, that makes his lips formed into a wide smile. Shet ang gwapo ng napili kong mundo.
Nakarinig naman ako ng tili sa buong lugar ng nakita ang ngiti nya. Mas malakas ang nasa likoran ko dahil dito sya banda naka tingin habang nakangiti.
Mga hayop nato akin yun ulol!
"Coach, I'm in," rinig ng lahat dahil nakatutuk ang mic malapit sa bibig nya.
Nagsigawan ang lahat ng marinig ang boses ni Nash hindi ko alam dahil ba mag kakaroon kami ng tyansang manalo o dahil marami lang talagang hinihintay syang mag laro. Bakit kase ang oa. Is ít my fault though? Hindi naman, hindi ako lalaki eh.
"Yown! 3 points for Garcia!"
Napa yes ako ng mahina ng napasok nya ang bola sa ring na syang nakapag score namin. Kunting kembot pa at malalamangan na namin ang kabila. Nag wala na naman ang bakla sa tabi ko na parang supportive girlfriend.
"Go baby!"
My smile vanish on my face as I heard that voice from the other side of court. Nag hiyawan ang mga tao ng dahil don na syang ikinainit ng ulo ko.
"Gusto mo abangan ko sa gate mamaya? Ibigay ko sayo after," bulong ni Gigi sa tenga ko na parang demonyo.
Inismaran ko lang sya at tumayo. Nakita ko pa ang pag tingin ni Nash sa gawi namin. Nakita nya pang tumayo ako e ang layo nya? Hindi lang din siguro malabo mata nya, bat ko naman itulad sa'kin yung kanya.
'Where are you going?' he murmured as I read in his mouth saying. Hindi ko sya pinansin at iniwas lang ang tingin. Parang ayaw ko ng manood bigla. Bwisit kase ng babaeng yun. Ang kapal ng mukha.
Pero hindi pa man ako tumalikod ay biglang may nag mic test na syang ikina wala ng mga manonood.
"Hello, I would like to ask your attention, miss, with a pink headband please," rinig kong baritong tinig ni Nash sa mic.
With my shocked expression I turn around and stared at him. Naka ngisi ang gago ng sinulyapan ko habang nahihiyang umupo.
"I was talking about Ms. Marquez," hindi pa talaga tumigil ang langya. "I would like to ask you for a date, how much is your precious time, Miss?"
Hindi makapaniwala ko syang tinignan. I was trying to communicate with him to make it stop, but he seems like he's enjoying this. Nakakahiya. Nag hiyawan ang mga tao na halos ma bingi na ako sa lakas ng sigaw. Nakita ko pang nang lumong ibinaba ng babaeng sumigaw ng baby kanina ang dala dala nyang poster na may 'I love you Nash'.
Ano ka ngayon girl. Yung baby mo willing daw mag bayad ng ilang halaga ma ka date lang ako. Sakit naman non.
Despite of the shyness I feel right now, cannot compare to the satisfaction I felt. Ang haba naman ng buhok ko, yung babae naman sa kabila nguso yung mahaba.
"Malakas ang tama ng lolo mo," ani ng bakla sa tenga ko.
"Gigi ano ba," saway ko dahil mas lalo lang akong nakaramdam ng hiya.
"Alam ko namang sya parin girl, ayaw mo lang aminin dahil sa pride mong abot edsa,"
Sinamaan ko lang sya ng tingin at tinoon na ang pansin sa harap. Gusto ko naman talaga sya pero hindi bilang Ukaye kundi bilang ako, if this girl once in love with that guy then so I am. But I won't risk, this is not my world. I don't belong here. I'm afraid of the outcomes. Hindi pa ako handang sumugal.
"Nice shot!! Another 3 points for Garcia!"
Why do I feel like he is into me? Should I ask him? No, don't Ukaye, masasaktan ka lang uuwi ka pa sa tunay mong mundo. Kahit gusto kong tanongin sya ay alam ko na ang sagot, hindi ako tanga. Natatakot lang ako sa magiging reaksyon ko dahil alam kong ayaw ko pa. Hindi ko pa kaya.
The game ended and luckily our school won which made us jump in happiness. But my heart skip a bit and the world seems like in motion, when Nash eventually hug me when I walk down to the court to congratulate him. But looks like I'm the one needs congratulations since I did not tremb by his action.
"Thank you... thank you, Ukaye."